Chapter 6

19 0 2
                                    

"Nandyan na sila" energetic na naman si Yna.

Yung Red na sky mobil na kapareho ng sa akin ay kay Ven. At sa tingin ko sa kay Rich yung blue. Nakatingin lang ako habang palapit sila nang maalala kong wala palang Visibility device si Rich.

"Yna, wait me here okay?"

"Where are you going?" Tanong niya sa akin habang busy sa pagkain. Talagang naka-indian seat pa siya sa couch.

"I just going to give the visibility device kay rich"

"Ok"

Dumiretso ako sa may parking area, lalabasin ko sila but this time I will use a motorbike-like na sky vehicle. Kinuha ko yung black na overall suit and helmet I need the suit in order to breathe sa labas. Dahil sa taas nitong Bahay ay mataas din ang pressure sa labas na hindi kakayanin ng tao. Sa katunayan ay wala nang ibong napapadpad dito. Fitted sa akin ang suit at makikita ang hulma ng katawan ko cause I maid it for myself.

Sumakay ako at pag-start ko ay umilaw ang mga red lining nito. The door opens once again at lumabas ako, medyo malayo pa sila. Pagtapat ko sa sasakyan, tama akong si Rich nga ang nasa loob nun, bubuksan sana ni rich ang pinto pero pinigilan ko siya. Nakita ko ulit na may kausap siya sa screen in-front of him. Dahil may holographic screen sa bawat sky vehicles. Nakita ko naman ang mukha dun ni Ven kaya alam kong ipinapaliwanag na sa kanya kung bakit ako nandito. May nagopen sa gilid ng sasakyan na kasing laki lang ng maliit na box. Inilagay ko ang visibility device doon, nagclose na iyon at nakita kong isinuot na iyon ni rich at nag ok sign habang itinuturo ang sky house ko. And that is the sign na nakikita niya na ito kaya bumalik na ako sa loob.bumaba ako sa parking area at pumasok na din sila Ven at Rich. Pagkasara ng pathway saka ko lang tinanggal ang suit ko, at saka lang din lumabas sila Ven.

"Hey, Zup?" Pambungad sa akin ni Rich sabay yakap pa. "I missed you already"

"Ito naman, kanina lang yun eh" sabi ko para mapagtakpan ang kilig ko, sana lang hindi niya mapansin ang pamumula ko.

"Hey Ven, kala ko masyado kang busy, buti naman sumama ka" baling ko kay Ven.

"Syempre naman, ang tagal ko na din kasing hindi nakakabisita dito eh"

"Ganyan naman eh, itong sky house lang namiss mo" kunwari kong pagtatampo.

"Sus, ito naman tampo agad, ikaw pa ba? Syempre namiss din kita"

"Haha, baka may balak na kayong pumasok?" Tanong ni Yna, sumunod na pala to dito, parang hindi na yata nakatiis to eh.

"Hahahaha, tara na nga" Pumasok na kaming lahat sa loob. Medyo pagabi na din kasi kaya nagdinner na muna kami.

Nagpaalam na din kami na mag-o-overnight kami pero syempre hindi namin sinabing nandito kami sa skyhouse ko. Dahil pati sila mommy ay walang alam tungkol dito.

"Hey, Masyado ka yatang tahimik diyan" sabi ni rich at nagtanggal siya ng flipflops at tumabi sa akin sa gilid ng pool at iniliubog ang paa doon. Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan naming magnight swimming, may swimming pool kasi dito, pero transparent ang sahig at nasa loob lang din siya ng bahay. Dahil bawala naman sa labas hindi ba.?

"Ang laki ng pinagbago mo simula noon, isa ka nang magaling na scientist at inventor" sinabi niya habang nagsasalin ng wine sa glass at inabot sa akin.

"Ikaw kasi iniwan mo ako, pero it does not matter anymore dahil nandito ka na naman, ." sabi ko sabay inom ng wine.

"Sorry about that, " sinsero niyang sabi.

You're My ScientistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon