CHAPTER 34

673 27 3
                                    

Freen pov:

Nandito na kami ngayon sa harapan ng mansyon. Ngayon ko na lang ulit napuntahan 'to sa sobrang daming nangyari.

"Let's go." Aya naman sakin ni Beck nang matapos siyang mag ayos sa sasakyan

Nag inhale, exhale ako bago ako sumang-ayon na sumunod sakanya.

Pagpasok namin sa mansyon bumungad samin si yaya sita yung yaya nila since bata palang si Becky.

"Ma'am Rebecca nandito po pala kayo." Pagbati niya kay Becky nabaling naman ang tingin ni nanay sita sakin ng makita niya ako at para siyang naninibago

"Ikaw na ba yan, Freen?" Tanong nito at agad akong hinawakan sa magkabilangang kamay

"Ang laki ng pinagbago mo. Mas lalo kang pumayat pero ang kagandahan mo hindi kailanman nag iiba grabe mas gumanda ka pa lalo. Kumusta ka naman? ngayon na lang ulit kita na kita hija." Sunod sunod na sabi niya habang pinagmamasdan ang buong katawan ko

"Okay lang po ako Yaya sita medyo nabusy lang po sa work kaya nagkaganun." Sabi ko na lang at agad naman ako napabaling nang tingin kay Becky dahil sa titig niya na parang may gusto siyang malaman or may gusto siyang tanungin

"Yaya sita, tanong lang po ito. Nasaan po si Mommy and Papi?" Tanong ni Becky na agad namang isinagot ni Yaya sita

"Ma'am Rebecca na sa itaas lang po. Tatawagin ko lang po saglit."

"Yaya sita kahit wag na po kayo mag 'opo/po' sakin dahil tutuosin niyan mas matanda po kayo sa akin." Sabi niya ng nakangiti kay yaya sita.

Alam kong maraming nagbago kay Becky pero yung pag-galang niya sa nakakatanda sakanya nandu'n parin.

"Sige ma'am Rebecca tatawagin ko na ang iyong Mommy at Papi..." Sabi ni Yaya sita

"Thank you, Yaya." Munting sabi niya na lang.

Hinintay namin si Tita rito sa may sofa, umupo kami upang makapagpahinga sa byahe

Sa wakas bumaba na rin si tito at tita sa mahabang paghihintay. Lumapit ito kay Becky para makausap niya ito, kasama nila si Win

"Hi anak how's your day?" Tanong ni tita kay Becky

"I'm good, Mom. Medyo pagod lang." Sabi niya bago humalik sa pisngi ni tita

"Kayo po Mommy, Papi? Kumusta naman po kayo?" Tanong niya naman kila tita at tito na ngayon nakatayo sa harapan namin. Atsyempre nakatayo narin kami ngayon

"Mabuti naman kami dito Anak Patricia medyo busy lang ang Mommy mo sa work kaya hindi siya agad nakababa para harapin ka." Sabi ni tito nang nakangiti kay Becky

"Nako, Hon. Hindi mo na dapat sinabi kay Becky yan baka mag aalala pa yan sakin..." Sabi ni tita sabay palo sa balikat ni tito

"Mom... Wag pong kalimutan mag pahinga, baka magkasakit po kayo niya'n." Pag-aalala naman ni Becky kay tita.

"Ano kaba bec. Maayos na maayos ang Mommy mo..." Sabi ni tita at nabaling naman ang tingin ni tita sakin dahil sa katahimikan ko

"freen, nandiyan ka pala. Nakakapanibago ngayon na lang ulit kita na kita rito." Sabi ni tita at lumapit siya sakin upang bumeso.

"How are you?" Tanong niya naman sakin pagtapos niya makipagbeso

"I'm good tita..." Sagot ko

"Kumain na ba kayo? Dito na kayo kumain ipagluluto ko kayo ng favorite food niyong dalawa." Sabi ni tita habang nakangiti ito samin dalawa.

Nandito kami ngayon sa lamesa magkatabi kami ni Becky nang upuan habang si tito at tita pati na rin si Win ay magkatabi ng upuan bali kaharap lang namin.

I'm Falling In Love With My Girl(Friend)Where stories live. Discover now