CHAPTER 24

871 46 3
                                    

Becky's Pov:

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko, alam kong hang over to pero grabe naman to!

Naalala ko yung confession ko kagabi kay freen. Bigla na naman akong nalungkot, parang ayaw ko ng gumalaw sa kinahihigaan ko ngayon. Bigla naman pumasok sa isipan ko yung taong iniyakan ko kagabi at inakala kong si freen, bakit wala siya sa tabi ko, mag sosorry sana ako sa pang iistorbo ko.

Ilang oras akong nakahilata sa higaan kahit kumain ay hindi ko na nagawa sa sobrang lugmok at panghihina.

Bigla naman ako nagulat ng May kumakatok sa pintuan ko, tumayo ako kahit na ng hihina at tinatamad ay ginawa kong buksan ang pintuan ko

Nang makalapit na ko rito ay agad kong pinihit ang doorknob ko..

Laking gulat ko ng makita ko sino ang na sa harapan ko...

"Dad!"

Freen Pov:

"Bakit mo naman kasi sinabi sakanya na friends lang kayo?" Tanong ni Nam sa akin na parang hindi siya sanay sakin. Sinabi ko na rin sakanila yung ng yari kagabi.

"Ewan magulo ang isipan ko ng araw na yun..." Nakapout na sagot ko. Alam ko sa sarili ko na nasaktan ko si Becky nararamdaman ko ang sakit sa puso niya.

"Kailangan mo siyang kausapin ngayon na freen, kailangan mong manghingi ng paumanhin sakanya..." Tumigil si Nam sa palakad lakad niya at naupo sa tabi ko at sinabi to.

"Pano yan baka ayaw na ko nun makita kaya pano ako makakapunta, wala akong mukhang maihaharap sakanya ngayon..." Malungkot na sagot ko kay Nam

"Please freen gawin mo to kung gusto mo siyang makasama o hindi mag end ang friendship na binuo niyo..." Sabi ni Nam sa akin na halata sa mukha niyang nag aalala siya sa amin dalawa ni Becca

Napatulala na lang ako sa sinabi niya, at ng makapag isip isip ay agad ko kinuha ang key ng sasakyan ko."just waiting at me Nam, pupuntahan ko lang si Becky..." Nakangiting pagpaalam ko kay Nam

"Go ... Support..." Sagot nito sabay kaway na papahiwatig na nag papaalam siya

.......

Nagpunta ako sa bahay ni Becky sa mismong sarili niyang bahay, pumasok ako at nakita kong naka-lock yung gate niya

Buti at dala ko yung isa niya key na binigay niya sa akin kung want ko ba raw minsan dumalaw yun ang gagamitin kong susi para makapasok, agad ko ginamit yung key na hawak ko at sinusi na ito sa naka-padlock na gate

Nabuksan ko ito at agad agad pumasok sa bahay ni becky, ng makapasok ako ay tinawag ko ang pangalan niya na May lungkot sa boses ko...

"Beck! Becky! Rebecca! Patricia! Armstrong! Becca! Bb!" Lahat ng pangalan ginamit ko para lang tawagin siya at sagutin pero wala manlang sumagot.

"Mon Mon!..." Sigaw ko at dali daling pumasok kwarto niya at ng buksan ko ang kwarto niya ay laking gulat ko na walang Becky sa loob kahit drawer nito ay wala ng mga damit ang loob ng kwarto niya ay wala ng laman, saan naman siya nag punta?

Unti unting ng hina ang mga hinta ko ng hindi ko siya nakita rito, pero hindi ako nawalan ng pag asa....

Bumalik ako sasakyan at agad na pinaandar ito. Ngayon nandito ako sa bahay nila tita Joyce at nag doorbell...

"Beck! Please stalk to me! Please! Becca ko! Please talk to me!"malungkot na sigaw ko sa bahay nila mismo sa mansion nila tito Vince.

Nagulat ako ng pinagbuksan ako ng isa sa kasambahay nila

"Kayo po pala ma'am freen." Ngiting bati nito sa akin

"Manang nandiyan po ba si tito Vince pwede ko po ba siya makausap?" Tanong ko kay manang na kasambahay nila

"Sige po ma'am freen pasok po kayo..." Aya nito at agad ko naman sinusunod ang gusto niya

Pumasok ako dito sa mansion bumungad sa akin si tito Vince at si Win na na sa sofa habang masayang nag kwekwentuhan

"Tito Vince." Tawag ko kay tito para sana hanapin sakanila si Becky

"O! Freen... What are you doing here?" Nakangiting tanong ni tito sakin

"Tito please!..... Gusto ko Pong manghingi ng tawad kay becky.... Lahat gagawin ko mapatawad niya Lang ako, please tito Vince pahintulotan niyo po sana akong lumapit sakanya ngayon dito, gusto ko na po siya makita..." Sunod sunod na pagmamakaawa ko kay tito Vince

"Freen pero wala si Becky rito.." sagot ni tito Vince

"Tito Vince labas niyo na po si Becky lahat gagawin ko luluhod ako rito basta mag kapag hingi lang ako ng tawad sa nagawa ko sakanya." Sabi ko rito at biglang lumuhod kay tito

"Freen stand up.... Seryoso ang sinasabi ko wala si Becky rito...." Nag aalalang sabi niya

"Kung wala si Becky dito nasan siya?" Umiiyak na sabi ko

"Wala kaming balita ngayon lang namin nalaman na wala pala siya sa bahay niya nung nandito ka na..." Sabi ni tito Vince sa akin

"Tito..." Umiiyak na sabi ko. Niyakap naman niya ako at hinahaplos sa likod para tumigil sa pag iyak

"Ate freen I think nag pahangin o nag pahinga lang yun sandali..." Sabat naman ni Win na May pag aalala na rin sa ate niya

"Pero Win kinakabahan ako sa pwede niyang gawin, sabi niya kapag nawala siya ay wag ko na siyang hanapin, kinakabahan ako kung nasaan siya kung anong ginawa niya sa sarili niya ngayon..." Nag uunahan ang luha sa mata ko na tumatagaktak sa pisnge ko, nalugmok ako ngayon iniisip ang pwede niyang gawin sa sarili

Hindi ko mapapatawad sarili ko kung ano man ang mangyaring masama kay Becky

Sumakay ako sa kotse at duon ko nilabas Lahat ng sakit at pagkahinayang dahil sa lungkot na hindi manlang ako makahingi ng tawad sakanya di ko manlang nasabi ang gusto kong aminin ang gusto kong iparamdam sakanya

Ang tanga tanga ko na sinabi kong friends lang kami, edi sana hindi nakaganito, edi sana happy ending na ang storya namin, edi  sana hindi niya ako iniwan.... Lahat ng sana ay gusto kong sabihin ngayon sa sarili ko

"Napakatanga ko hinayaan ko siyang malungkot buong araw hinayaan ko siyang mawala sa akin ng isang bula, tanga tanga ko hinayaan ko lang na maging ganito kami, shit! Napakabobo mo talaga freen!!!!!!"

Inis na sabi ko sa sarili habang hinahampas ang dibdib ko at ang kotse ko ngayon, habang humahagulgol sa loob ng sasakyan hanggang sa maubos ang lakas ko.....

Sorry kung maiksi lang hehe
Don't forget to follow me and vote my story, sorry for my wrong grammar waiting for next chapter

I'm Falling In Love With My Girl(Friend)Where stories live. Discover now