Babe

43 4 0
                                    

Maaga akung nagising para maligo at syempre pumasok sa trabaho kahit naman medyo close ko yung boss ko eh, hindi ko naman dapat isipin na okay na umabsent ako. Feeling na ng dating ko nun. As in 'urgh! 

Hayyyy! Sarap pang matulog, pero syempre kailangan kung magtrabaho. 

Pasakay na sana ako ng taxi ng may bumangga saken. Aba! Sarap sapakin ng kumag na yun ah. At yun nga iniwan ako ng taxi kasi nga may asungot na naunang sumakay. Ako nagpakahirap tapos hindi pa ako yung makakasakay, ano sya siniswerte? Ang KAPAL! Letse!

Ayun may taxi, dali-dali akong tumakbo. Hay naku, magugusot na tung suot ko. 

At ayun may nakauna ulit. Imbes na maaga ako nagising, eh malas naman ako dahil wala akong masakyan. Bwiste talaga! 

Sa mga hindi po nakakaalam, nakasuot po ako ng heels at masakit na rin ang paa ko. Nahahighblood na ako! Naku. Naku! Sarap manapak na tao, hayop, at kahit ano pang nilalang na gustong lumapit sa akin.

"Hey. Miss?" sino na naman tng mister na tu na lapit ng lapit. Nakatalikod kasi ako at busy sa pag-aantay ng taxi. 

"Miss?" ayan na naman. Hindi ba niya maintindihan na ayaw ko siyang kausapin?


"Leste nam-" hindiko natapos ang sasabihin, eh kasi akala ko kung sinong pangit na nilalang ang gustong kumausap sakin. eh kung ganito naman aabutan ko malamang palagi akung maghihintay dito.

"Love?" Hindi rin niya pala alam na ako yung babae na tinatawag niya.


"Ayy! Reid. Ikaw pala! Bakit ka nandito?" pacute at pabebe pa ako nun.

"Yes. I called you many times but you're just ignoring me. And actually, you're blocking my way." tiningnan ko naman kung totoo. At yun nga nakaharang pala ako sa kotse na. 

"Anyway, pwede kang sumabay sakin. Papunta pa lang kasi ako, I just dropped by to buy some coffee. Get in." tulaley ako sa sinabi niya ha! syempre sumakay ako ngayun pa ba ako mag-iinarte baka malate pa ako.

Tahimik lang kami sa byahe. Nahihiya rin kasi akong magsalita, una sa lahat boss ko pa rin siya baka sabihin niya nagtetake advantage ako. Pahinhin mode muna ako noh?


Mayamaya nagring ang cellphone ni Reid.

"Yes! Stay there Babe. Just wait for me." sino na naman kaya yun? ay!May nalalaman pang babe ang mokong. Hay! Ang swerte naman nung babae. 

Nakarating naman kami ng matiwasay. Nagthank you lang ako at madaling naglakad. Ang sakit sakit. Hohohoho! May babe na ang Reid ko. 

Tutok na tutok ako sa mga papers na nasa harap ko. Grabe ang dami nito ah!
Narinig ko namang nagbubulungan ang itong mga katabi ko. Deadma lang ako, tinatamad akung makichismis ngayon. Lumabas ako ng department para pumunta ng canteen, gutom na talaga ako.

Sa hindi inaasahan nakita ko si Reid na may kasamang babae. Ang ganda niya, matangkad, maputi, lahat yata ng maganda nasa kanya na. Anong laban ko sa kanya? Pero alam ko naman sa sarili ko na hinding-hindi ako magugustuhan ni Reid. Mayaman siya, eh ako? Isa lang ako sa mga nagpapantasya sa kanya. Lahat ng laway ko masasayang dahil kahit ilang tulo pa ang gawin nito hinding-hindi niya ko mapapansin.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon