Confidence

74 6 0
                                    

                                                      

Dahil sa mga sinabi ni Sir Reid maaga akong nagising. Syempre may pasok parin namam ako pero naghalfday ako.

Agad akong pumunta sa isang sikat na salon. Feel ko rin kasi ang araw na to. Nagpamanicure, pedicure, nagpa-spa at kung anu-ano pa para mawala yung mga bad vibes.

Alam ko lahat sila nakatingin sa akin. Medyo awkward nga rin kasi sobra sila kung makatingin. Nung malapit na ako sa office nakita ko agad si Sir Reid kasama ang mga ka-officemates ko na nag-uusap.

"Eto na yung simula na Reid. Tandaan mo ang lahat ng sinabi ko. Gagawin ko ng lahat makuha ka lang. "

Napansin siguro nila ang presensya ko at agad naman nila akong binati. Sa lahat ng bumati siya lang ang may bukod tanging sinabi.

"Miss Love! Where did you get that dress? It looks like my grandmom's dress too." he looked at me straight then he winked.

Pucha naman oh! Sorry po. Hindi naman ako palamura pero nakakaganda talaga ng umaga ang sinabi niya. Tawanan ba man din ako pagkatapos niyang sabihin yun.

Wow as in wow!

Dahil dun naalala ko tuloy ang mga pag-uusap namin nung nandun kami sa bar.

"You should know the rules by now!"

Nakoooo. May rules pa kasing nalalaman. Hindi ba pwedeng wala nalang rules. Siya lang ata nakakaalam nito eh? 

"Ayaw mo naman siguro tumandang dalaga diba?" At ano bang tingin niya sa akin tanga lang talaga pero medyo nga. Pero hindi naman din yun naiiwasan kapag nagmamahal diba?

Pero isa lang ang sumagi sa isip ko.

Sa kanya ko lang din naman nalaman yang mga rules na yan.  Hindi naman siguro masama kung sa kanya ko i.aapply diba? ^_^

Maghanda ka na Mr. Reid Sebastian.

  I WILL MAKE YOU FALL IN LOVE WITH ME.

Umalis nalang ako sa harap niya with disappointment. Anong akala ba niya sa suot ko? Pangmatanda? Ganun na lang ba talaga yun? Eh yung iba nga halos maubos ang mga compliments tapos siya -- Urgh !

Diretso na akong pumasok ng office ko.

Maya-maya ay pumasok ang isa sa mga ka-officemates ko.

"Dyanne pinapatawag ka nga pala ni Boss Reid." kilig na kilig pa na sabi ni Monica.

Ganun siya kagwapo kaya halos lahat ng mga babae pinapantasya siya.

"Huwag kang over. Sige na alis. Pbb ka talaga."

"Kung alam ko lang mas kinikilig ka. Kaya nga walang nagtatagal na boyfie kasi ang taray mo. Che.!" sabay walkout. Ganyan talaga kami dito. Ewan ko nga pati lovelife ko sinasali nila.

Naglakad ako papunta sa mismong office ni Sir Reid. Wala namang sinabi si Monica kung bakit ako pinatawag.

"Good Morning Sir." bati ko.

Nandun lang sa sulok nakatalikod at nakatingin sa labas ng bintana. Malalim yata ang iniisip.

"Ready yourself. You and Christian will perform a presentation today." confident niyang sabi.

Eto na ba yung sinasabi niya? Hay Nakoooo!

Reid naman eh! Ura-urada naman kung makapag-isip.

At hindi ko namalayan na nasa loob rin pala si  Christian at kasama ang head niya.

"Isa sa inyo ang pipiliin ko. Kaya galingan niyo." hindi ko naman alam na sa ganitong paraan pa pala niya gagawin yung napag-usapan namin.

Natapos rin ang presentation namin ni Christian. Hindi ko naman gustong agawin ang deal na ito para kay Christian dahil sa kanya naman talaga ito naka-assign. Ewan ko lang talaga dito sa gwapo kong Boss at sinali pa ako. At hindi ko nga alam kung bakit ako ang napili. Hay. Wala naman akong magagawa.

Pumunta muna ako ng rest room dun ko nakita si Monica na tila ayos na ayos.

"Oh Ano? Maganda na ba? Sexy na ba? Papasa na ba tu kay Sir Reid?" isa pa tong luka-luka. Akala ko pa naman kung may date. Kulang nalang ligawan niya na yung lalaki. Tsk!

"Ano bang meron? Bakit nakadress ka pa talaga? Tsk." tanong ko sa kanya.

"Ayyyy! Birthday ko kasi ngayun. You know na. At alam ko mahilig si Sir Reid sa malalaki ang boobs." pabulong na sabi niya. Jusko! Sarap batukan talaga. Nakakahiya. Pero hindi nalang ako sumagot. Lumabas nalang ako na umiiling.

"Uy Dyanne, punta ka mamaya sa Ultima ha? Pupunta rin si Sir." pahabol niyang sabi.

Napahinto ako at agad na tumingin sa kanya.

Nagsmile lang ako bilang sagot.

Second operation ko na mamaya. Maghanda ka Reid. Gagawin ko talaga ang lahat. Makuha ka lang.

--

Short UD lang po ngayon. Medyo na busy.

Silent Readers ^_^

Thanks Luvies.

Seducing Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon