Pababa na ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
Nakooooo!
Si Shinta kasama pa niya ang lalaking ipinakilala niya sakin nung nagkita kami may dala pang bouquet of roses!
Determinado.
Ano nga ba pangalan nun?
Shaider? Ahh!Hindi.
Ewan ko. Nakalimutan ko. Bahala na.
Basta kailangan kong magtago.
Ayaw kong makasama o makita man lang ang lalaki yan.
Takbo-Lakad-Takbo.
Mukhang may Fun Run ata akong nasalihan at sa loob pa ng kompanya kung saan ako nagtratrabaho. Hihii
Pinagtitinginan na ako ng ibang empleyado. Ikaw ba naman ang magtatakbo na parang nakakita na multo. Tapos may humahabol pa sayo.
Takbo.
Takbo.
Hanggang sa may kotse na dumating at muntik na akong mabangga.
Mabuti nalang at maagap ang driver.
Patay malisyang pumasok ako sa loob ng sasakyan ng makita ko kung sino ang nasa loob. Syempre eh sino pa?
Si Reid Sebastian.
As ever. My Target for Seduction !
[Tama ba? Haha. Basta walang pakialamanan. Yun na yun.]
Tiningnan lang ako ng masama.
"Hey. What are you doing?" sama naman makatingin nito akala mo naman.
"Ahhhh! Sir eh, pwede po ba paandarin niyo nalang po muna yung sasakyan bago po ako mag-explain? Sige na Sir. Please." hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko, eh ang tagal kasing pinaandar yung sasakyan niya. mabuti nalang at di ako naabutan nga mga yun. Kakapagod kaya noh!
Napadpad kami sa isang Park. Ewan ko nga ba at bakit kami nandito. Eh? Dito niya ako dinala.
Masaya naman palang kausap kasama itong gwapong nilalang. May baon pang mga jokes. Yung iba corny pero atleast trying hard.
Pagbigyan nalang! ;)
Ang gwapo niya pala sa malapitan kitang-kita ang matataas na pilik mata, brown-eyes, proud nose to be exact, and the lips.
Ewan ko lang ilang babae na kaya nakahalik dun.
Nagiging Pervert na ako nito. Hihi.
Pasensya na. Minsan lang naman tu. ^_^
Halos lumuwa na ang mga mata ng mga babae dito. Kulang nalang kainin ng buhay tung kasama ko.
Aba! Dadaan muna sila sa kamay ko. Chos!
--
Wow! Ang sarap yata sumakay ng yacht.
May party ata dun. Kasi puno ng lights.
Mukhang nabasa naman ng kasama ko ang iniisip ko.
"Let's go!" nakangitig sabi niya.
"Eh! Saan tayo pupunta sir?"
"Sasakay tayo dun. At saka wag mo nga akong tawaging sir kapag tayo lang dalawa at saka nasa labas naman tayo ng opisina."
"Eh? Sir-- Oops!" pinandilatan lang ako ng mata. Ayun ako natakot na.
"May pasok pa kasi tayo." totoo naman kasi. 2 pm pa lang kaya. Baka mapagalitan pa.
"Don't worry, I'm the Boss." sabay ngiti na nakakabaliw.
Reid umayos ka nga baka kagatin ko yang labi mo sa kakangiti mo dyan.
Lakas ng effect eh! Babagyuhin ang puso.
Lilindulin pa ang utak ko. Oh diba?
Lakas ng tama!
Ayun siya nga pala ang Boss. Eh di magpakasaya. Siya na may sabi niyan. Minsan ko lang din to makasama kaya susulitin ko na.
Ang landeee talaga!
--
Alam niyo ba yung feeling na walang ibang tao kundi kayong lang dalawa.
Ngiti sa mga labi na hindi mawala-wala.
Nakakagaan ng feeling.
Sarap pakinggan ang mga halakhak na kami lang ang nagpapa-ingay.
Para kaming magboyfriend-girlfriend na walang magawa kundi ang tumawa.
Walang pakialam sa mundo.
Malaya.
Masaya.
Pero hindi eh,
isa parin akong empleyado.
At siya naman ang Boss ko.
Pero ngayong araw na to,
Ako muna ang GIRLFRIEND niya.
Kahit ako lang ang nakakaalam.

BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Perfect
RomanceGagawin niya ang lahat para maakit sa kanya ang kanyang gwapong Boss na si Reid Sebastian. Kahit pinagtutulakan na siya nito. Gagawin pa rin niya ang lahat. Sabihin na nating kahit nagmumukha na siyang tanga. Love nga naman! ^_^