We're goin on a business party. Ewan ko lang kung bakit pa ako ang sinama dito. Bigla namang nagsalita ang gwapo kong kasama.
"You see that two men? Kailangan mong pumunta sa kanila. Kausapin mo. All you have to do is to get some informations about the deal." sabi niya habang nakakatitig sa dalawang lalaking nag-uusap.
Huh? Ginawa pa'kong Spy? Agent?
Ano ba talaga trabaho ko dito? Sus, buti gwapo ka kung hindi ewan ko lang. ^_^
"Uh Sir?-- " nahihiya kong sabi.
"Hey Reid! Come here." tawag sa kanya nung babae. Feeler lang si Ate. Makatawag huh?!
"Go. Do your job." pabulong niyang sabi.
At deretso ang punta sa babaeng tumawag sa
kanya. Multi-tasking na yata ako nito.
Pasalamat ka talaga may dimples ka. Hmmp! Tutusukin ko talaga yan. :)
--
"Oh. Hi!" nakakahiya talaga. Gurang na kasi ang mga ito. Feel na feel talaga ang pagdikit sa akin. Sabihin niyo nga sino ang FC?
Feeling close. . .
"Hello. Young Lady."
"I…i just want to ask something. Have you already closed your deal with the Almadae Corporations? Anyway, I'm just curious."
mukhang naguguluhan pa sila kung bakit ako nagtatanong.
"You can keep me a secret." Pacute kong sabi.
Eeeh! Dahil sa paglalandi ko. Mukhang bumigay naman agad ang dalawang gurang, este matanda.
Dali-dali kong tinext si Fafa Reid.
Oops! Sorey! ^_^
Ang Galingko talaga sa paglalandi.
Ngayon ko lang nalaman na may hidden talent pala ako.Hihi.
Takbo - Lakad - Takbo na ang ginawa ko para hindi lang ako malate. Kakahiya naman sa Boss ko. You know na!
Hay! Salamat hindi ako late. Naghihintay nalang akong bumukas ang elevator, nasa 14th floor kasi ang office ko. At sa hindi ko inaasahan, mukhang sasabay pa siya sa akin. Same rin kami ng floor.
Amoy na amoy ko ang kanyang malajungle scent yun bang magwawala ka kapag naamoy mo. Getting wild as you embrace his scent!
Holly Molly! Sarap yakapin ng katabi ko.
Syempre sino pa ba, eh di ang arrogante at gwapo kung boss!
Pagdating namin sa floor agad naman siyang naunang lumabas. Titig na titig kahit nakatalikod, tindig pa lang. Lahat ng babae mapapatingin talaga.
Ilan na kaya naging girlfriend nito?
Isa lang naman ang natatangi kong tanong.
May 6 pack Abs kaya siya? Kailan ko kaya mahahawakan! Ehhhhhh!
Ang laswa naman ng iniisip ko.
Batukan ko kaya sarili ko baka matauhan. Hihi.
Hindi ko namalayan, 5pm na pala. Out na kami.
Nagmamadali akong lumabas. Kahit papano kasi may mahal pa rin yung ugok kong boyfriend. Kaya ayun paglabas ko,
"aAAAAAAAAAHHHHHH!" ano ba yan di kasi ako tumitingin sa dinadaanan. Kinabahan ako dun akala ko nabunggo na ako. Tiningnan ko kung sino yung nasa Loob ng car.
Omgeeeee! Pagkakataon nga naman. Of all people here in our Planet Earth, ang boss ko pa! Baka ipatapon na ako nito sa Mars dahil sa pagiging clumsy ko o sa planet nila Kokey para magsama-sama na kami. Masaya kaya dun? Hihi.
"Minsan hindi ko alam kung tanga ka ba o tatanga-tanga lang." galit niyang sabi.
Aba tanga talaga ha? Urggggh!
Pasalamat ka maraming tao at Boss kita. Kung hindi, ikikiss kita ng bonggang-bongga, pero syempre. Joke Lang! ;)
"I'm sorry Sir."
"Get in." yun lang sinabi niya. Effort talaga noh?
Ayun di narin naman ako nahiya sumakay na ako agad. Magkatabi kami sa back seat. Mayaman siya eh, syempre may driver. ^_^
Nagsimula naman ako magtext sa boyfie ko, as usual walang text. Ang nasa isip ko talaga baka busy lang siya. Sinubukan ko siyang tawagan peru kinancel niya lang yung tawag ko.
"Boyfriend?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako.
"If that's the case, I think he's not sure about his feelings." para namang naiiyak ako sa sinabi niya.
Para kasing sinabi niya na rin na hindi ako totoong mahal ng boyfriend ko.
Hay! Lalo lang niya pinapagulo ang isip ko.
Siguro alam niya kasi sa mukha lang rin naman nitong boss ko. Playboy na Playboy talaga. Malaman ganun din yung ginagawa niya.
"Ganun ba talaga Sir?"
"I guess you don't know how to play the game of love." yun talaga sinabi niya. Wow naman kasi, siya na ang may alam, ako itong walang alam.
Hindi nalang ako sumagot. Syempre nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya ang masalimuot kong lovelife.
Pagdating ko sa condo. Nagmadali akong nagshower at nagbihis ng isang dress. Simple lang naman ang suot ko kasi nandito lang naman sa loob ng condo ko balak magcelebrate ng 2nd anniversary namin ni Rio.
Maghihintay naman ako. Alam naman niya ang condo ko. Alam kong darating siya.
Isang oras ang lumipas.
Baka na-traffic lang.
Dalawa…
Sobrang traffic lang siguro.
Tatlo…
Nasiraan siguro ng sasakyan.
Apat…
Hindi ko na alam ang ibang dahilan.
Naiiyak na ako pero mas minabuti kong isipin na darating siya. . .
Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Tama nga siguro si Sir Reid, hindi niya talaga ako mahal. Mas minahal ko lang siya. Ako lang itong nagpakatanga sa walang kwentang relasyon namin.
Kailangan ko pa kaya matitikman ang masayang relasyon?
Yun bang Love niyo talaga ang isa't isa. Gagawin ang lahat para maging maligaya ang bawat isa. Sabay nilang lalabanan ang mga hamon ng buhay. Sabay tatanda. Pumuti man ang buhok mahil pa rin nila ang isa't isa.
Because Love has No Boundaries.
Can that love find us at the right time and at the right place?
-------------------------------------------
Next UD po maybe tomorrow!
Vote din po pagmayTime! ;)
Sorry po kung short lang ang UD ko ngayon.
Thanks Luvies! ;)
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Perfect
RomanceGagawin niya ang lahat para maakit sa kanya ang kanyang gwapong Boss na si Reid Sebastian. Kahit pinagtutulakan na siya nito. Gagawin pa rin niya ang lahat. Sabihin na nating kahit nagmumukha na siyang tanga. Love nga naman! ^_^