Game of Love

80 6 0
                                    

Maaga akong pumasok ng opisina. Pero kahit anong gawin ko lutang parin ang isip ko. Ang sakit kasing isipin na hindi siya sumipot para sa anniversary namin. 2 years! Akalain niyo naman bang nagtagal kami ng ganun? Ganun ako katagal nagpakatanga. Masakit isipin pero I think for the third time - I have to move on. AGAIN! -_-

Busy parin ako sa pagtext sa kanya habang nandito ako sa isang restaurant. Hindi parin siya nagrereply. Tatawagin ko sana ang isang waiter to ask for may bill but then isang mukha ang hindi ko inaasahang makita.

Kaya naman pala, busy siya sa kanyang pakikipaglandian.Ang sakit. Sobrang sakit na makita mo ang iyong mahal na may minamahal na ring iba.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. At agad naman  pumunta sa table nila.

"Hoy! Ang kapal din ng pagmumukha mong babae ka? Bakit ka nakikipaglandian sa taong may girlfriend na?" pilit akong lumapit sa kanya, akmang sasabunutan pero pinigilan ako ni Rio.

Pati ang isang waiter ay tumulong narin para awatin kami. Bahala na kung ano mang sabihin ng mga taong nakatingin sa pag-eeskandalo ko.

Tiningnan ko siya alam kong galit siya sa ginawa pero mahal ko siya eh.

"Let's go Rio. Please. Please Rio come back to me?" nilunok ko na ang pride ko halos lumuhod na ako sa kinatatayuan ko, sa mismong harap niya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga sinabi niya. Dalawang taon ko siyang minahal pero ganun lang yun? Sa sobrang sakit ay hindi ko naiwasan ang hindi umiyak. Kahit nakakahiya pero bahala na sila kung ano ang gusto nilang sabihin. Lumabas ako sa restaurant na umiiyak. Hindi ko man lang alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta lakad lang ako ng lakad. Hanggang sa naalala ko na naman ang mga nangyari kanina.

"No, Dyanne. Hindi mo ba kayang isipin na kaya di na ako ngrereply o tumatawag sa'yo kasi ayoko na? Oo, ayoko na sa'yo. Ngayon alam mo na? Kaya wag na wag mo na akong guguluhin. Hindi na kita kailangan."

Ang sakit dahil nasabi niya lahat yun sa harapan ko. Parang tinutusok-tusok ng milyun-milyong karayom ang puso ko. Ano mang oras parang bibigay na ito sa sobrang sakit. Masakit man ang lahat ng kanyang mga sinabi pero walang ng mas sasakit pa dahil sa kanya mismo nanggaling.

Wala akong nakikitang panghihinayang habang sinasabi niya yun lahat sa akin. Ganun nalang siguro ako para sa kanya, isang patapon; walang kwenta.

Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa isang bar malapit sa condo ko. Gusto ko lang naman ubusin ang lahat ng sama ng loob ko ngayong gabi. Kahit masakit pero kailangan ko siyang kalimutan. Nagawa ko narin yan sa mga exboyfriend ko, kaya magagawa ko ulit ang mag-move on. Panahon lang naman ang kailangan para magawa ko yun. Hindi lang din naman sa kanya umiikot ang mundo ko.

Isang shot pa lang ang nainom ko nang may biglang tumabi sa akin. Grabe naman hindi pa man din ako lasing pero bakit ganun? Ang gwapo niya sa paningin ko.

Rephrase.

Mas gwapo siya ngayon. May iniinom ba tung gamot at araw-araw nalang tila gumagwapo ito. Tingnan mo nga ang mga babae sa paligid namin halos sa kanya lang nakatitig.

Eh? Ano ako dito? Props? Multo? Casper?

Kung makatitig Wagas!

Eh? Bakit ba nandito tung gwapo na to?

Hindi ba niya alam na heart broken ako ngayon at kailangan kung mapag-isa.

Ay! Bahala na nga. Mas okay pa ata kung nandito siya. May makakausap, may karamay. Chos! Ang sabihin nalang natin meron akong malalandi. Hihi.

"Hey Miss Heartbroken?" tatawa tawa pa habang nakatingin sa akin.

Ganun ba talaga ka obvious? Hay!

At ayun mas lalo siyang  lumapit sa akin. Mapagkakamalan pa kaming magjowa nito.

Dikit pa ng konti Sir. Hihi. ^_^

"Sir ano ba yung game of love?" nahiya tuloy ako. Bakit pa kasi ako nagtanong.

Curious lang kasi ako. Ano ba kaya yun?

"Dapat alam mo yun. Kung hindi tatanda ka talagang dalaga nyan." seryoso niyang sabi.

Aba! Aba! Nahiya naman ako sa Playboy oh, maraming alam. Napagsabihan pa akong tantanda ng dalaga? Tsk! Kaya nga nagtatanong diba? Sasapakin ko na talaga tu, pero syempre Joke lang! ^_^

Sayang ang face noh?

Makaalis na nga lang. Wala namang magandang sinasabi. Lalo lang tuloy sumasakit ang puso ko. MagkakaHeart Attack ako nito. Chos! Tapos starstruck sa kagwapuhan ng Sir ko. Ano pa ba? All in one sa Heart Attack. Hihi.

--

"Sir eto na po yung files for the presentation."

sabi ko habang nakayuko.

Agad naman niyang kinuha. Paalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Sasabihin ko na."

Ayun para lang kaming wala sa office. Chikahan pa kami. Wala namang magagalit Head ko rin naman siya. Pinasok ko lahat sa utak ko ang lahat ng mga sinabi niya. Grabe, pati kagwapuhan niya pumasok na sa utak ko. ^_^

Para siyang teacher na walang ginawa kundi ang magdiscuss. At ako na parang highschool lang na nakikinig habang pacute na nakatitig  sa teacher kung ubod ng gwapo.

Kaya absorb ko lahat. ;)

Nakabalik narin ako sa table ko. Abala narin ako sa mga papers na aasikasuhin ko para sa presentation. Nang biglang tumunog ang cellphone ko …

"Yes Shinta? Ah. Okay. Bye!" ano na naman kaya ang sasabihin ng bestfriend ko. Bigla nalang nagyayaya na maglunch.

Tamang-tama 12noon narin naman kaya dumiretso na ako sa restaurant na sinabi niya na malapit lang din sa office. Agad akong lumapit sa table kung nasaan siya nakaupo.

"Anong meron Shinta?" sabi ko.

"Ay! Dyanne. Namiss kita. Nga pala may ipapakilala ako sa'yo. Maya-maya darating na rin yun." maka-smile naman wagas. Ganun nalang talaga kaboring lovelife ko kaya binablind date nalang ako nitong kaibigan ko.

Tsk! >_<

Ano pa bang magagawa ko? Nandito na rin naman ako. Maya-maya ay may lalaking dumating.

Naku? Etu pa talaga ang pinakilala niya sa akin? Wala nga tung kagwapuhan na makikita. Tsk! Baduy pa kung manamit. Mamaya ka talaga sa akin Shinta.

Dapat naman kasi kung may ipapakilala dapat yung may taste naman.

Tulad ng Sir ko, na nabagyuhan sa kagwapuhan plus with oh-so-yummy-look pa!

Saan ka pa? Sakay na! ;) Hihi.

Saan ba kaya niya napulot tung lalaki na tu!!

Nag-usap lang naman silang dalawa habang ako busy sa pagkain. Ano bang pinagsasabi nitong dalawa?

Bakit kami na na? Sinagot ko na ba? Sabihin niyo nga? Kesyo may Hotel daw sila at dun nalang daw ang reception. Wow! Na-shock naman ako. Kasal agad? Hindi ba pwedeng basted muna? At saka, Eeehhhh? Wala akong balak magpakasal sa kanya.

Over with my oh-so-yummy-look na Sir! ©_©

Wala na ako sa mood makipag-usap kaya nag-excuse muna ako sa kanila na pupunta muna ako ng Rest Room.

Bahala na sila. Nagmadali naman akong umalis. Eh? Sorry Shinta, ikaw na bahala dyan.

--

Thank you nagmessage.

Effort na kung Effort!

Vote naman po kayu.

Kung ayaw, Eh okay na rin!

Thank you sa mga silent readers. ^_^

Try kong mag.UD mamaya or bukas!

Thanks Luvies. ;)

Seducing Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon