Chapter 1
8 years later...
"Aray!" hiyaw ko. Ang sakit ng paa ko.
"Hahaha! Lampa pa din, haha!" tumatawa pa talaga siya kahit kumakain ng pulboron dito sa tabi ko. Sumimangot nalang ako pero patuloy pa din siya sa pagtawa.
"Mabulunan ka sana," bulong ko. Patuloy ako sa paghimas sa paa ko na napatid ng paa ng bangko nang bigla na lang siyang naubo.
"Oh, ano nangyari sayo?"
"Arggh! Tubi-... Ubil... Penge ng tubo," nagsasalita pa siya hindi ko din naman naintindihan.
"Ha? Anong sabi mo?" tanong ko nalang. Bahala ka diyan, tinawanan mo ko kanina tapos uutusan mo 'ko? Hmp! Manigas ka. Isip ko. Patuloy pa din siya sa paghingi ng tubig pero tanong lang ako ng tanong kung ano anong sinasabi niya. Hahahaha. I chuckled on my thought.
Pero hindi din nagtagal, kinuhanan ko na din siya ng tubig dahil parang hindi na siya makahinga. "Ahh, salamat," medyo habol hininga niyang sabi. Uminom siya ulit ng tubig saka tumingin sa'kin ng masama.
"Oh, bakit?" painosente ko pang tanong habang nagpatuloy sa pagkain.
"Anong bakit?!" hiyaw niya. Aba't siya pa ang galit.
"Hinayaan mo talagang patagalin ang pagkuha ng tubig, ano?!" At kasalanan ko pa kung tanga siya? Este nabulunan pala. Hanep!
"Hindi ano. Hindi ko lang talaga maintindihan ang sinabi mo kanina." Sagot ko tsaka umayos ng upo. Tumingin ulit ako sa kanya.
"Alam mo kung anon tawag diyan?" seryoso kong tanong sa kanya. Kumunot ang noo niya, "Anong tawag sa alin?" "Diyan sa nangyari sa'yo ngayon lang."
Tumaas ang kilay niya at parang hindi interesadong itanong ang salitang "Ano?" I shrugged and said, "Karma. Pinagtatawanan mo ako habang kumakain ka ng pulboron. Hindi ka rin isa't kalahating tanga, eh no?" sumbat ko sa kanya kaya tinapunan niya ako ng unan na nakalagay sa hita niya kanina.
Tumatawa nalang akong sinalo iyon. Inirapan niya lang ako kaya mas lumakas pa ang tawa ko. Nang makahuma na ako sa pagtawa ay binalik na namin ang atensiyon sa TV.
Sabado at nasa loob kami ng sala habang nanunuod at kumakain ng mga chichirya at popcorn na may kasamang juice. Binili niya kanina ang mga pulboron sa kalapit na tindahan dito sa'min. Paborito niya kasi talaga 'yun.
"Andrea," she called after minutes of silence na tanging ang TV at wrappers lang ng chichirya ang maririnig.
"Hmnn?" I answered without looking at her.
"Nasabi mo na ba sa mama mo?" she asked me, not taking eyes off the screen. I paused. Slowly, I looked at her then shrugged.
"N-nope. Hindi pa. Humahanap pa 'ko ng tamang tiyempo." She turned her head at me.
"Hindi pa? Eh, pa'no yan? Nakapagbitiw ka na ng salita sa mga kaklase natin. Baka mag'expect 'yung mga 'yun."
"I know, pero naghahanap pa nga ako ng timing." I poutly stated. Bumalik na siya sa panunuod samantalang ako kahit nakaharap sa TV eh wala dun ang atensyon ko.
Patuloy pa din ako sa pagtingin sa TV habang sumusubo ng chichirya."Pfft" Nakakunot noo kong nilingon si Karina habang nagpipigil siya ng tawa.
Binalik ko ang tingin sa TV at pabalik ulit sa kanya. Anong tinatawa-tawa ng bruhang 'to samantalang drama ang pinapanuod namin? Nag-iiyakan kaya sina Bea at John Lloyd. Creepy. Hindi kaya... Hindi na ako nakapagtiis at tinanong ko na siya, "Hoy Karina! Bakit ka tumatawa? Nababaliw ka na ba, ha?" She's creeping me out. Tiningnan niya lang ako habang nagpipigil na tawa.
BINABASA MO ANG
My Father's Mistress
General FictionSabi nila, walang ibang makakahadlang sa mga taong nag-iibigan. Pero paano kung mayroon? At ang dahilan din ay pag-ibig?