Unedited
Chapter 4
"Ren, halika dito. Group picture daw." Tawag sakin ni Riza.
Katatapos lang ng baccalaureate mass namin. Andito kami ngayon sa labas ng dome kung saan idadaos ang event. At opo, graduation namin ngayon. Isang linggo na din ang nakalipas matapos ang party namin kina Andrea.
"Sige!"
Nakailang shots naman kaming magkakaklase bago kami bumalik sa kanya-kanya pwesto. Kasama ko si mama na bitbit naman si Jayson at ang kapatid kong babae na si Berna.
"Ren, lapit ka dito. Medyo nawawala na ang make-up mo. I-retouch natin. Dali!" Sigaw ni Rei na may bitbit na pouch na panigurado ay make-up ang laman.
"Ayos pa 'to," tanggi ko.
"Anong ayos? Halika na."
"Okay. Okay. Andyan na."
Nang mapalapit naman ako ay sinimulan niya nang patungan ng lipstick ang labi ko. Pati na din ng powder at blush on. Ang mommy niya ang nagmake-up saming dalawa kaninang umaga dahil magaling naman talaga itong magkolorete ng mukha. Maganda kasi talaga si Tita Adrianna, ang mommy ni Andrea. Aakalain mong isa itong artista at isang half-pinay dahil mukha itong may lahi. Para ngang mag-ate lang ang dalawa kung magtatabi eh.
"Oh, tapos na. Dalhin mo itong isang pressed powder ko, para 'pag medyo papawisan ka mamaya at ma-feel mong punasan ang itsura mo, may pangretouch ka." Sabi ni Rei habang inaabot sakin ang pressed powder niya.
"O-kay. Hindi naman kailangan eh. Ikaw talaga." Nakangiti ko namang tinanggap yun at inilagay na sa paper bag ko.
Umupo naman ako ulit katabi sila mama. Ala-una pa kasi mahigit ng hapon at mamayang 2:00PM pa magsisimula. Habang naghihintay at pakikilagkulitan kay Jayson ay nakadama ako ng sakit sa tiyan. Ihing-ihi na ako. Tumayo na 'ko at nagpalinga-linga para maghanap ng banyo. Syempre, baka magkasakit pa ako sa pantog kung pipigilan ko 'to.
"Ren, ayos ka lang?" Tanong sakin ni Andrea na nakakunot ang noo.
"Wala naman. Naghahanap lang ako ng banyo. Ihing-ihi na 'ko, eh."
"Ganun ba? May napansin akong CR kanina dun sa likod. Gusto mo samahan kita?"
"Sige, tara."
Nagpaalam muna kami sa mga nanay namin tsaka umalis. Nakauniporme pa naman kami at iniwan muna ang mga toga namin. Pagdating namin sa CR na sinasabi niya ay mahabang pila naman ang naabutan namin. Tiis lang ng kunti, Ren. Isip ko habang nagpipigil ng ihi. Magkalapit lang ang CR ng mga lalaki at babae. May isang post lang pagitan. Yun bang parang tambayan ng mga guard pero sarado naman. Baka, lalagyan ng mga panlinis. Isip ko. Pero pake ko ba. Gusto ko lang umihi.
Nang ako na ay agad naman akong pumasok sa isa sa mga cubicle doon pagkatapos magbayad ng 2 piso sa nagbabantay.
Langhiya, mapanghi ah. Pero siguro kasi marami-rami na ang nagbanyo dito simula kanina. Pagkatapos ng kahulihulihang patak ng ihi ko ay napakilig ako. Hays, tenkyu Lord. Buti nalang talaga at may flush.
Infairness, di sira ang banyo nila kahit mapanghi. Isip ko.
Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay agad naman akong lumabas.
"Bitbitin mo muna 'to, Ren. Magsi-CR na lang din ako, baka maihi ako mamaya." Sabi ni Rei bago inabot sakin ang bag niyang kay liit-liit at pumasok na.
"Antayin mo 'ko ha."
"Oo."
Napatingin naman ako sa inabot niyang bag.
BINABASA MO ANG
My Father's Mistress
General FictionSabi nila, walang ibang makakahadlang sa mga taong nag-iibigan. Pero paano kung mayroon? At ang dahilan din ay pag-ibig?