Chapter 2 - Ren

5.7K 19 0
                                    

Unedited

Chapter 2





Pagkauwi namin ni Andrea galing sa park ay agad naming ininform ang mga classmate namin na tuloy ang party sa bahay nila.

Pero pagdating namin, umalis na ulit ang mama niya. Ang sabi may kikitain lang daw na kaibigan. Kikitain? Eh gabi na ah. Nagkibit-balikat nalang kaming dalawa dahil baka importante 'yun.

Dito na rin ako kumain sa kanila dahil ayaw niyang kumain mag-isa. Pagkatapos kumain, nagprisinta na akong maghugas ng pinagkainan. Nanunuod kami ng TV nang mapagdesisyonan kong magpaalam sa kanya dahil gabi na.

"O sige, ayos na ako dito. Baka umuwi na din si Mommy maya-maya," sabi niya.

"Sure ka ha? Gusto ko pa sanang magtagal dito hanggang sa makauwi ang mama mo, eh kaso gabi na kasi talaga." Paliwanag ko pagkatapos tumayo sa sofa.

"Oo, ano. Bakit kasi umalis pa si Mommy ngayon, eh. Hatid na kita sa gate," presenta niya. Ngumiti nalang ako at naglakad na kami palabas.

"Tawagan mo 'ko bukas ha. Nang sa ganun makapag-prepare tayo ng maaga." Sabi ko nang makarating na kami sa gate ng bahay nila.

"Ok sige. Patulong na din tayo sa iba bukas." Tumango naman ako.

"Pano, alis na ko," paalam ko at niyakap siya.

"Mag-iingat ka." Tumango nalang ako at lumabas na ng gate.

Hindi naman malayo ang bahay namin sa kanila pero hindi ganun kalapit. Nalalakad naman ang bahay namin galing sa kanila. Nakangiti akong naglalakad habang kumakain ng pulboron. Buti nalang talaga napapayag namin ang mama niya.

Napalis lang ang ngiti ko nang matapat ako sa puno ng mangga malapit samin. Malayo pa kasi ako eh dinig ko na ang boses ng mga magulang ko. Lasing na naman siguro si papa kaya sila nag-aaway ni mama. Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok.

"Pwede ba ha?! Tumahimik ka! Nakakairita na 'yang boses mong tinalo pa ang sirena ng bumbero!" Sigaw ni papa.

"Kung hindi ka lang kasi naglasing, hindi kita sisigawang gago ka!" Sagot naman ni mama. Napansin kong sasagot pa sana si papa sa tinuran ni mama nang mapansin niya ako.

"Oh, andyan ka na pala, Karina. Buti naisipan mo pang umuwi." Sabi ni papa sa kabila ng pagsinok dala ng kalasingan. "Galing ka na naman ba dun sa kaibigan mong hilaw, ha?! Aba'y 'wag ka nalang kayang umuwi?! Wala ka din namang naitutulong dito sa bahay'ng bata ka!"

Yumuko nalang ako sa sigaw ni papa. "Pasensya na po, 'tay." Humingi nalang ako ng tawad sa kanya. Ganito naman lagi eh. Pag-uwi ko ito na ang nadadatnan ko. Pag-uwi ko ito na ang sasalubong sa'kin. Lagi nalang silang nag-aaway. Nagbabangayan. Nagsisigawan. Buti nga hindi sila nagsasakitan eh. Siguro ayaw rin ni mama na makita namin na nagsasakitan sila. Kahit maldita si mama. Kahit medyo istrikta, palautos at palaging sumisigaw, alam kong mahal niya kami.

Apat kaming magkakapatid. Si kuya Carlito, ako, si Berna at ang bunso naming si Jayson. Si kuya Lito ay kapatid namin sa ina. Nagkaroon na kasi ng asawa noon si mama dati at si kuya nga ang naging bunga ng pagsasama nila. Pero apat na buwan pa lang daw si kuya ay binawian ng buhay ang ama niya dahil sa aksidente. Halos mabaliw daw si mama dahil sa nangyari at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Pero nagkita ulit sila mama at papa sa isang reunion. Magkasintahan daw kasi sila dati noong nasa highschool pa sila. Ayun, doon na nagsimula ang forever nila. Forever bangayan. Forever na sigawan. Wala na atang katapusan ang pag-aaway nila.

"Pasensiya-pasensiya! Kahit kailan talaga wala kang kwenta! Puro ka lang lakwatsa!" Sigaw ulit ni papa sakin habang dinuduro pa ako.

"Hay, tumigil ka nga Virgilio!" Tigil ni mama kay papa. Bumaling sakin si mama. "Kumain ka na ba?" Tanong nya kaya tumango ako. "Pumasok ka na sa loob." Utos niya sa'kin.

My Father's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon