Chapter 6 - Ren

2.7K 19 11
                                    

Unedited

Chapter 6


"Thank you po sa paghatid, Tito Ronald. Salamat din po sa mga regalo." Sabi ko pagkatapos kong umibis sa sasakyan.

"No worries, Karina. Congratulations ulit sa'yo. Sana magkakwentuhan pa tayo."

"S-sige po."

"Okay. Bye."

"Babye po."

"Good night."

Dug-dug. Dug-dug.

"G-good night din po."

Pinaandar na niya ulit ang sasakyan at kumaway pa siya saglit bago tuluyang umalis. Piste. Bakit ba 'ko nagkakaganito? Eh, ang gwapo lang kasi talaga ng daddy ni Andrea. Langya, kaya pala sya ganun kaganda? Sabagay, si Tita Adrianna, maganda din. Tapos si Tito Ronald naman, gwapo. Perfect match! Kakainggit naman si Tita, ang gwapo ng asawa. Sana, ako din. Bigla kong ipinilig ang ulo ko. Bakit ganun naiisip ko? Bata pa ko no.

Naglakad na ko papasok ng bahay. Bukas naman ang pinto kaya agad din akong nakapasok sa loob. Madilim ang paligid. Siguro, tulog na silang lahat. Pumasok na ako sa kwarto at inilagay sa kabinet ko ang regalo na binigay sa'kin. Grabe, ang dami nito. First time kong makatanggap ng ganito kadaming regalo sa buong buhay ko. Kahit kasi sa kaarawan ko ay si Rei o si Tita ang nagbibigay. Minsan lang ipagdiwang ang birthday ko. Pagtungtong ko ng highschool ay di na kami nag-aabalang maghanda. Pero kahit naman bago ako mag-high school eh di din naman namin pinaghahandaan. Si Andrea lang ang nanglilibre sa'kin tuwing birthday ko at nagreregalo sa'kin. Kaya naman sobrang saya ko na ganito kadami ang binigay sa akin ng daddy niya. Napakagalante. Ganun talaga siguro kapag sinwerte ka sa labas ng bansa. Sa pagkakaalam ko kasi, hindi lahat ng nag-aabroad, may malaking pera pag-uwi. Yung iba pa nga di pa nakakauwi.

Nang makahiga na ako ay biglang gusto kong magpapadyak. Ni hindi ko alam kung bakit. Naalala ko lang naman itsura ng daddy ni Andrea eh parang gusto ko nang tumili. Pero syempre di ko ginawa, magkatabi lang kami ng higaan ni Berna.

Ian Veneracion. Mga ganung peg. Kung ganon kagwapo ang daddy ni Rei kahit may edad na ito, pano pa kaya nung kabataan nito? Panigurado, kahit kabilang bayan crush din nila si Tito.

Pero teka? Ba't ba siya ang iniisip ko? Ang dapat na iniisip ko ngayon ay kung saan ako pwedeng mag-summer job since bakasyon naman na. At syempre para makatulong kina mama. Wala din namang kasiguraduhan na makakapag-aaral ako sa kolehiyo. Oo alam kong libre na ang mag-aral sa college sa ibang eskwelahan pero pano ang pang-araw-araw ko? Pamasahe? Baon? Project? Syempre iba na kapag kolehiyo. Kung sa Senior High ay nahihirapan na akong makapasa ng project dahil sa kakulangan ng pera pambili, pano pa kaya 'pag college na ako? Kaya kailangan kong makahanap ng trabaho habang bakasyon pa. Para kung sakali mang makapag-aral ako ay may kaunti akong naipon at baka pwede pa akong makapart-time dun.

Hays, sana makahanap ako. Dalangin ko.

Kung tanungin ko kaya si Andrea kung gusto niyang magtrabaho kasama ko? Wala din naman yung gagawin sa kanila pag bakasyon eh. Bukas na bukas tatanungin ko siya. Mas mabuti na din yung may kasama ako sa paghahanap para at least kung magutom ako, dalawa kami. Pero imposibleng magutom si Rei, may pera yun. Hindi niya hahayaan sarili niyang magutom. Natatawa akong sabi sa sarili ko.














Kinabukasan, nagising ako nang maaga. Ganito naman lagi, may pasok man o wala, kailangan kong gumising ng maaga para magsaing at magluto ng ulam. Pagkalabas ng kwarto, nakita ko agad si mama na karga bunso namin. May dala itong feeding bottle na siguro'y titimplahan niya ng gatas.

"Ma, magtitimpla ka?"

"Oo, para mamaya hindi nako magtitimpla."

"Ako na, ma" boluntaryo ko.

"Oh sige, mabuti pa nga. Magsaing ka na din pagkatapos."

"Opo, ma."

Kinuha ko ang bote ng gatas tsaka nagpunta sa kusina. Kinuha ko ang lalagyan ng gatas pero mukhang wala na itong laman nang kunin ko. Masyadong magaan.

"Ma, kaunti nalang po ang gatas ni Jayson." Sigaw ko.

"Hay, oo nga pala. Umutang ka mamaya kina Aling Rosing. Sabihin mo, babayaran mamaya pagkauwi ng kuya mo, ha."

"Opo, nay."

Kinuha ko na sa lata ang mga huling butil ng gatas para itimpla. Mabuti nalang meron pang kaunting naiwan.

"Ma, aalis po ko mamaya."

"San ka na naman ba pupunta? Kina Andre–"

"Hindi po ma. Maghahanap po ako ng summer job. Malamang marami po ngayon kasi bakasyon."

"Hmn, o siya sige basta hindi ka magpapagabi ha. Alam mo naman iyang tatay mo, high blood lage."

"Opo ma."

"Eh sa'n mo ba balak maghanap? Dapat dyan lang sa malapit at nang hindi ka matagalan sa biyahe."

"Oo naman ma, hindi ako lalayo. Marami naman po sigurong naghahanap ng magsa-summer job ngayong bakasyon." Sabi ko habang shini-shake ang bote ng gatas.

"Ilagay mo muna yan sa tabo na may tubig at nang lumamig. Mamaya ko pa yan ipapainom sa kapatid mo."

"Opo." Kinuha ko ang tabo na nasa lababo at nilagyan ng tubig bago nilagay ang feeding bottle. "Magsasaing na po ako."

"O sige, 3 baso ang isaing mo ha."

Tumango ako bago pumunta sa tapat ng kalan para kunin ang walang laman na kaldero tsaka hinugasan para lagyan ng bigas.

Nang matapos ako sa lahat ng gagawin, ay naligo na din muna at nagbihis ng polo shirt at pantalon.

Nagsusuklay ako ng buhok sa harap ng salamin ng may bigla akong maalala. Ang mga regalo!

Dali-dali akong bumalik sa kwarto at nakitang nakatambad lang pala malapit sa kabinet ang mga regalong binigay sakin kagabi. Iniisa-isa ko itong nilagay sa loob ng kabinet para di makita ni papa. Tiyak akong magagalit yun dahil tumanggap ako ng mga limos.

Oo. Limos. Limos ang tawag niya sa mga regalo na natatanggap ko mula kina Andrea at Tita Adrianna. Iniisip niya kasing nagpapaawa ako sa kanila para bigyan ng limos dahil sa sobrang hirap namin. Makitid kasi talaga ang utak ng papa ko. Hindi niya alam dati hanggang ngayon naman kung anong klaseng ligaya ang nabibigay sa'kin ng mga natatanggap kong regalo tuwing kaarawan ko.

Hays, tama na drama.

Pagkatapos kong itago lahat ay nagmamadali akong nagsapatos at kinuha ang biodata na nifill-up ko nung nakaraang araw.

Oras na para sa isang araw ng bakbakan. Huli kong sambit sa sarili bago lumabas ng kwarto.

"Ma, alis na po ako. Dadaan lang ako kina Andrea kasi magkasama po kaming maghahanap ngayon."

"O siya sige. Ngunit siguradohin mo lang na summer job ang hahanapin nyo at hindi at polboron. Baka maglakwatsa lang kayo buong araw ha."

Natawa naman ako sa tinuran ni mama.

"Hindi ma. Summer job po talaga. Alis na po ako." Paalam ko bago nag-bless sa kanya. Kinurot ko muna ang pisngi nga cute kong kapatid bago tuluyang lumabas ng bahay.

Malapit na ako sa gate ng bahay nila Rei ng matanaw ko ang matangkad at matipunong lalaki sa labas niyon. May nakasukbit na tuwalya sa balikat nito at halatang pinagpapawisan. Naka fitted shirt, shorts na gray at sapatos siya. Mukhang galing sa jogging o baka naglaro ng basketball sa kanto dahil mukhang hinihingal ito.

Ang hot naman nito.

Napatigagal ako ng bigla kong makilala ang lalaki na papasok na ngayong sa loob ng gate nila Andrea.

Dug-dug. Dug-dug.

Si Tito Ronald

——————

Happy New Year!
#2020

-N

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Father's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon