4.

12 1 0
                                    

Maxine's POV

"Matagal ko ng gustong malaman mo
Matagal ko ng itinatago-tago 'to
Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
P'wede bang bukas na
Ipagpaliban muna natin 'to
Dahil kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo

[Chorus ]
Mahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita pero 'di mo lang alam

Matagal ko ng gustong sabihin 'to
Matagal ko ng gustong aminin sa'yo
Sandali, 'eto na, at sasabihin ko na nga
Ngayon na, mamaya, o baka p'wedeng bukas na

Dahil kumukuha lang ng bwelo upang sabihin sa iyo

(Repeat Chorus)

Ngunit kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo

[Rap]
Mahal kita pero hindi mo lang alam
Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo naman itanong sa akin
Kasi baka nga naman hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sa'yo sasabihin
Kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
Mahal kita pero hindi nga lang halata
Hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala!
Pero hindi ako torpe
Hindi ko lang talaga masabi sa'yo ng harapan
Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan
Lagi mo lang akong pakikiramdaman
Lagi rin kitang pakikiramdaman
At araw-araw tayong magdededmahan
Hanggang sa tayo ay magkabistuhan
Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalaman na
Nais kong ako na rin ang magsabi sa'yo ng harapan
Kasi alam kong dun din naman ang tuloy nyan
At dalawa rin lang naman ang posibleng sagot dyan, oo o hindi
Kaya 'eto na sasabihin ko na para matapos na
At hindi na magka-tsismisan pa
Sasabihin ko na para wala nang problema
At para hindi na rin kayong lahat mabitin pa

Mahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo naman ako tinitignan
Mahal kita kahit lagi mo na lang akong dinededma"


Bagay na bagay sa'kin yung kanta. Hayyy. Anong gagawin ko? Aamin na ba ako?

Pero paano kung i-reject niya ako?

"Haaaayyyyy."

"Lalim nun ah."

"Ay kabayo! Ano ba Alex, wag ka ngang manggulat"

"Hindi naman ah, ano ba kasing iniisip mo?"

"Pakielam mo ba?"

"Sungit naman nito. Pwede ba? Alam kong may problema ka, pwede mo naman sabihin sa akin. Makikinig ako."

"Can I trust you?"

"Oo naman. Spill."

"Eh kasi, alam mo naman na may gusto ako kay Justine diba?"

"Anong meron?"

"Iniisip ko lang kung sasabihin ko na ba sa kanya, since matagal ko na rin naman tinatago to."

"Oh anong problema?"

"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya eh."

"Bakit? Kasi natatakot ka ma-reject?"

"Parang ganun na nga."

"Akala ko ba mahal mo siya? Eh bakit natatakot ka ma-reject?"

"Hindi ko maintindihan."

"Isang tanong, isang sagot, mahal mo ba si Justine?"

"O-o na-man. Ano bang klaseng tanong yan?"

"Eh bakit ka nauutal jan?"

"Wala kang pakielam."

"Alam mo kasi, kung talagang mahal mo siya wala kang pakielam kahit i-reject ka niya. Bakit? Kasi pag nagmahal ka, wala kang pakielam kung mahal ka rin ba niya. Ang tunay na pagmamahal, hindi naghihintay ng kapalit. Tapos nung tinanong kita kung mahal mo ba siya, nauutal ka. Hindi ka makasagot ng maayos. Baka naman hindi mo na siya mahal."

"Anong pinagsasasabi mo jan?"

"Oo, sabihin na natin na mahal mo siya DATI, pero hindi na ngayon. Baka kasi nasasabi mo lang na mahal mo siya kasi doon ka nasanay. Pero ang totoo, wala na ang pagmamahal na yun."

"Imposible yang sinasabi mo. Mahal ko si Justine at hindi yun magbabago."

"Okay sabi mo eh."

"Maxine? Anong sinabi mo?"

"Justine?"

(to be continued)

Mahal Kita Pero 'di mo lang Alam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon