Maxine's POV
"Justine?"
Oh my gosh. Did he hear what I say? Yeah right, I'm busted.
"I heard it. Is it true? Matagal mo na akong mahal?"
"Since narinig mo na rin lang naman, I guess kailangan ko na talagang umamin. Maybe this is the right time."
"Ah Maxine, una na ko. Goodluck."
"Thanks Alex."
"Maxine, I'm sorry, alam mo namang---"
"Si Emm ang mahal mo? Yeah right. Everyone knows it except her naman eh. Alam kong siya ang mahal mo, pero umaasa pa rin ako na sana, kahit konti, may nararamdaman ka rin sa'kin."
"I'm really sorry Maxine pero si Emm lang talaga eh."
"Nagbago pa ako para sa'yo. Binago ko ang itsura ko, nag-aral ako ng mabuti para mapansin mo. Ginawa ko lahat para ako ang mapansin mo at hindi si Emm. Ginawa ko ang lahat para mahigitan siya. Siguro sa ibang bagay nahigitan ko siya. Pero hindi sa puso mo."
"Hindi mo naman kailangan baguhin ang sarili mo para magustuhan ka eh."
"Oo nga. Kasi kahit anong gawin ko, hindi na magbabago ang pagtingin mo sa'kin."
"Hindi naman sa ganun kaya lang mahalaga ka rin sa'kin at ayokong nasasaktan kita."
"Pero nasaktan na ako."
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin to?"
"Kung dati ko pa ba sinabi, may magbabago ba?"
Silence.
"Tanggap ko naman eh. Siguro nga hindi tayo meant to be. At least nagkaroon ako ng chance na sabihin sa'yo."
"Don't worry. Darating din yung para sa'yo. Malay mo nanjan lang sa tabi tabi. Hindi mo lang napapansin."
"I know. Pero sana walang magbago sa atin ha?"
"Oo naman."
Ayun, after kong mag-confess, we talked about everything. Seems like I don't have feelings for him na. Maybe Alex is right. Nasasabi ko lang na mahal ko si Justine kasi doon ako nasanay. Si Alex talaga.
Wait, don't tell me si Alex ang---. Naahh, it can't be. I'm just over thinking. I just need to rest.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero 'di mo lang Alam!
Fiksi RemajaAno kayang mangyayari kung.... Si Maxine ay inlove kay Justine na inlove naman kay Emm? Habang si Alex naman ang inlove kay Maxine? May lihim na pagtingin rin kaya si Emm kay Justine o wala? Sino si Keisha Jamelle? May chance kaya na umamin sila sa...