Justine's POV
Eto na. Ito na ang araw na magtatapat ako kay Emm. Hope this will turn out well.
Hindi alam nina Mommy ang plano ko. Basta ang paalam ko, may lakad ako. Saka ko na lang sasabihin sa kanila pag siguradong good news na (cross fingers).
Sobrang kinakabahan ako. Hindi naman ito ang unang beses na gagawin ko ito sa isang babaeng nagugustuhan ko. Pero ito ang unang beses na gagawin ko ito sa babaeng hindi ko lang gusto kundi matagal ko ng minamahal ng palihim.
Grabe ang kaba ko. Pinagpapawisan na ako.
Justine: Bro, handa na ba ang lahat?
Alex: Oo naman, kami pa ba ni Max?
J: Salamat ah.
A: Wala yun. Para saan pa't naging mag-be-bestfriends tayo?
Maxine: Nga pala Justine, si Jam makakapunta ba?
J: Nako, hindi eh. Sayang nga at wala siya dito para ma-witness niya to.
A: Nasan ba siya?
M: San pa ba? Malamang nasa states na naman 'yon. Akala mo naman ang mura-mura ng pamasahe para magpabalik-balik noh. Kung ako yon, asa pa namang gawin ko yon. Dito na lang ako sa 'pinas noh.
J: Kuripot ka talaga kahit kailan. Ang yaman yaman niyo eh.
M: Hindi ako kuripot. Ayoko lang talaga gumastos para sa mga hindi gaanong importanteng bagay. Pwede naman ako dito na lang mag-shopping, mamasyal, kumain at kung ano ano pa. Saka, hindi ko naman pera yon eh, sa parents ko.
A: Oo na lang. Haba ng sinabi eh.
J: So, guys, eto na talaga. Moment of truth na. Wala ng atrasan to.

BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero 'di mo lang Alam!
Novela JuvenilAno kayang mangyayari kung.... Si Maxine ay inlove kay Justine na inlove naman kay Emm? Habang si Alex naman ang inlove kay Maxine? May lihim na pagtingin rin kaya si Emm kay Justine o wala? Sino si Keisha Jamelle? May chance kaya na umamin sila sa...