3.

4 1 0
                                    

Justine's POV

Hi! I'm Justine Rain Wesley Manalo, 19, 3rd year college student taking up Accountancy. Hearthrob, maputi, matalino, mayaman. Maraming nagkakagusto sa akin since elem. kaya nga heartthrob eh. Pero sa dami nilang yun, hindi kabilang doon ang babaeng matagal ko ng gusto.

Siya si Emm, Margaux Hershey Chandria Buenavista, 20, 4th year college student taking up Accountancy din. Simula elem kami, marami din nagkakagusto sa kanya. Siya yung Campus Queen kumbaga namin noon. Hanggang college kami, ganoon pa rin. Pareho kami ng school dahil sinundan ko siya.

Grade 1 pa lang ako, Grade 2 siya, may gusto na ako sa kanya. Alam ko weird, na bata pa lang kami eh gusto ko na siya. Hindi ko alam kung bakit pero ganun talaga. Hanggang ngayon naman eh, gusto ko pa rin siya. Oh, scratch that, I mean, mahal ko na siya. For 13 years, siya lang ang minahal ko. Magkaroon naman ako ng GFs before para i-try kung mawawala ba ang love ko para sa kanya, pero wala eh. Lalo ko lang napatunayan na wala ng mas hihigit pa sa kanya.

Pero sa loob ng 13 years na yon. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Mahal ko siya, pero hindi niya alam. Lahat ng nakapaligid sa amin, alam nila, except Emm. Torpe na kung torpe. Pero pagdating sa kanya, hindi ko talaga masabi. Matagal ko ng gustong sabihin sa kanya, pero hindi ako makahanap ng tamang oras.

Naalala ko noong unang beses ko siya Makita, kasali ako sa That's my Boy ng School namin. Syempre kailangan ng Talent Portion, sabi nila sumayaw na lang daw ako. Kaso kailangan ko ng back-up dancers atleast 2 daw. So ayun, si Ate Emm at si Ate Joan.

*Flashback*

(Naaalala ko pa rin eto kahit 13 years ago na)

Mam Perez: Justine, siya si Ate Emm at siya naman si Ate Joan. Sila 'yung magiging back-up dancers mo. Emm, Joan, siya si Justine.

Ako: Hello po. (nakatitig kay Emm)

Emm: Hello! Ang cute cute mo naman.

Ako: Salamat po.  (blush)

Ate Joan: Uyyy crush mo si Ate Emm no?

Ako: Hindi po.

Mam: Eh bakit ka nagbublush?

Ako: (tumungo lang, nahihiya kay Emm)

Emm: Okay lang yun. Wag ka na mahiya. Ikaw talaga. Ang cute cute mo. (kurot sa pisngi)

Ako: (lalong nagblush)

*End of Flashback*

Simula noon, gusto ko na siya. Noong nagpractice kami, nakabantay si Mommy. Syempre tinuro ko siya at sabi ko, "Mommy, gusto ko siya maging girlfriend." Tapos sabi ni Mommy, "Saka na anak, pag malaki na kayo.Ikaw talaga. Ang bata bata mo pa eh."

Tapos nasundan pa yun ng maraming beses. Kasi 1st honor siya at ako din. So, pag may mga contest, palagi kaming magkasama, magkasama nagrereview. Minsan nga tinutulungan niya pa ako. Bata pa lang ako pero dumadamoves na ako noon. Hahahah!

*Flashback*

(Grade 5 ako, Grade 6 siya)

Ako: Emm, hindi ko maintindihan itong Problem no.8, pwede patulong?

Emm: Oh sige, lapit ka dito.

Ako naman kinikilig na kasi makakatabi ko siya, pero syempre hindi ko pinapahalata.

Emm: Madali lang pala eh. Ganito lang yan oh, (sabay pakita ng solution)

Sa totoo lang alam ko naman yung sagot eh,nag kunwari lang ako para mapalapit sa kanya. Hindi ko na nga maintindihan yung sinasabi niya kasi nakatitig lang ako sa kanya.

Emm: Oh alam mo na?

Ako: (nods, habang nakatitig pa rin sa kanya)

*End of Flashback*

Marami pa akong ginawa para mapalapit sa kanya. Katulad noong Christmas Party, may sayawan pagkatapos, kakuntsaba ko ang mga teachers. Syempre naisayaw ko siya. Lagi ko rin siyang binibigyan ng cards tuwing Mag-Christmas, New Year at Valentines. Lagi ko rin siya binibigyan ng gift tuwing birthday niya.

Marami man akong nagawa para sa kanya, pero hindi ko pa rin magawang umamin sa kanya. 

Hindi niyo siya masisisi, kasi akala niya, lahat ng ginagawa ko sa kanya ay walang ibig sabihin. Kasi marami ring gumagawa ng mga ganung bagay sa kanya. Kasi mabait talaga siya at friendly. Akala niya, walang ibig sabihin yun. Kung sabagay, paano nga ba niya malalaman kung wala akong sinasabi?

Haaayyy. Forever torpe na lang ba ako? Kailan ko kaya maaamin sa kanya?

Haaayyy...

Mahal Kita Pero 'di mo lang Alam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon