"Good Morning Class"
"Good Morning Ms."
"Okay, you may take your seats. So, turn your books on page 194 and we will discuss about ... blah blah blah..."
"Hay nako, ang boring naman mag-lecture nitong si Ms." –sabi nung nasa likod ko named Pauleen. Natawa na lang ako kasi parang ganyan din ako nung elem. Days ko. Hindi nagseseryoso pero nakakapasa naman kahit papaano.
By the way, nakalimutan ko magpakilala. Ako nga pala si Maxine Alexandria Sandoval, 18 years old, 3rd year college student. Maputi, maganda (weh?), matalino, isa sa mga popular girls sa school. Ibang iba sa dating ako. Well, noong elementary ako eh hindi talaga ako ganito. Ako yung masasabi mong pinaka pangit na nung time na yun. Why? Eh kasi napakaitim ko pa nun, hindi marunong mag ayos ng sarili, in short mukha akong batang yagit. You know, typical kind ng batang walang arte sa katawan.
Pero kahit ganun ang itsura ko, syempre nagkaka-crush din naman ako noh. Siya si Justine Rain Wesley Manalo, (haba ng name noh?),well Classmate ko siya nung elem. Sobrang bait niya, humble, matalino at higit sa lahat gwapo. Kahit bata pa ako nung time na yun, feeling ko na in love na ako sa kanya. Agang lumandi eh noh.
*Flashback*
Mga Grade 5 siguro kami noon (10 years old). Tumatakbo ako nung time na yun kasi male-late na ako sa school, ng bigla akong nadapa. Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo.
"Ayos ka lang ba Maxine?"
"Oo, ayos lang ako. Salamat."
"Justine, punta na daw kayo sa Math lab, mag start na daw kayo ng review niyo."-Alex
"Oo, sige, susunod na ako, nandun na ba si Emm?"
"Kanina pa, inaantay ka na, tutulungan ka daw mag review."-Alex
"TALAGA? YES! Ahm, Maxine, una na ko ha? Kailangan ko ng puntahan yung mylabs ko eh. Mag ingat ka na lang sa susunod. Babye."
"Tara na Maxine, baka nandoon na si Ma'am."-Alex
"Sige."
Hayyyyy, siya na naman. Lagi na lang si Emm. Si Emm yung long time crush ni Justine. Margaux Hershey Chandria Buenavista, Emm for short. Matagal ng crush yan ni Justine,siguro mga 5years na. Oo, ganun na katagal. Eh paano ba naman, simula Grade 1 kami Crush na niya si Emm na Grade 2 na noon. Ahead lang siya sa amin ng 1year. Ang swerte nga ni Emm eh. Maganda siya, morena, matalino, at sobrang bait pa. Sino ba naman hindi magkakagusto sa kanya. Hayyyy. Sana ako na lang siya.
"Matagal ko ng itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo ng umiibig sayo
Bakit di mo pansin itong aking pagtingin
Bakit di mo ramdam tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin...
Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang meron siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?
Masakit ko man isipin
Di na kayang tanggapin sa damdamin
Pag ibig mo pala'y hindi sa akin
Ngunit anong gagawin ng puso
Sayo lang ibinigay ang pangako
Patuloy nga namang aasa sayo sinta
Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang meron siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?
Ikaw lamang ang inibig ng ganito
Sabihin mo kung paano lalayo sayo
Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang meron siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?
Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang meron siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?"
(to be continued)
![](https://img.wattpad.com/cover/43643937-288-k844401.jpg)
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero 'di mo lang Alam!
Novela JuvenilAno kayang mangyayari kung.... Si Maxine ay inlove kay Justine na inlove naman kay Emm? Habang si Alex naman ang inlove kay Maxine? May lihim na pagtingin rin kaya si Emm kay Justine o wala? Sino si Keisha Jamelle? May chance kaya na umamin sila sa...