6.

3 0 0
                                    

Justine's POV

Since elem magkakaibigan na kami nina Alex, Maxine at Jamelle. Si Jamelle 'yung kababata ko. Hindi ko akalain na may nararamdaman pala para sa'kin si Maxine. Ang tangatanga ko kasi hindi ko alam.

Siguro, ganito rin ang mararamdaman ni Emm 'pag umamin ako sa kanya. Magugulat siya kasi sobrang tagal ko ng tinatago 'to. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung aamin na ba ako.

Pareho lang naman kami ng naging sitwasyon ni Maxine. Matagal niyang itinago ang nararamdaman niya para sa'kin. Mahal na pala niya ako, wala man lang akong ka-ide-ideya. Sa kanilang dalawa pa naman ni Alex ako mahilig magkwento, lalo na 'pag tungkol kay Emm. Hindi ko alam, nasasaktan na pala si Maxine noon ng palihim.

Bilib nga ako sa kanya eh. Ang galing niyang magtago ng nararamdaman. At nakuha pa niyang umamin sa'kin.

Kahit hindi naman talaga oras para umamin siya. Siguro, ganun talaga. Mangyayari ang mga hindi mo inaasahan. Siguro nakatakda talagang marinig ko 'yung usapan nila ni Alex para malaman ko ang totoo niyang nararamdaman. Mabuti na rin 'yun para hindi ko na siya masaktan.

Nagtataka lang ako nung magkausap kami. Parang hindi ko maramdaman na mahal niya ako. Don't get me wrong. Hindi ko hinahangad na mahalin niya ako. Pero kasi, sa tuwing babanggitin niya ang pangalan ni Alex, may iba sa mata niya eh. Hindi kaya...?

'Pag nagkatuluyan ang dalawa kong bestfriends, ako ang magiging pinakamasaya para sa kanila. Lalo na para kay Maxine, after all, deserve niyang maging masaya.

Naiinggit ako kay Maxine. Kasi mayroon siyang lakas ng loob para aminin ang totoo niyang nararamdaman. Lalo ko lang napatunayan na isa akong dakilang torpe. Hindi naman ako ganito sa iba eh, kay Emm lang talaga.

Sa tingin ko, tama na ang pagiging torpe. Sa birthday niya, July 15, pangako, aamin na ako.

(whispers) "Emm, Mahal kita pero 'di mo lang alam, no more."

Mahal Kita Pero 'di mo lang Alam!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon