Have you experienced feeling empty? Yung tipong parang may nawawalang part sa pagkatao mo? Parang may kulang sayo na di mo matukoy kung ano? Maybe dahil sa isang ka-MU ng matagal pero di nakatuluyan.
Hi, just call me, Celestia. I've been single for about 2 years and lately na engaged ako sa dating app. I just download it for fun. Actually, may litmatch ako pero bihira kong gamitin. One time, nag download, hindi para maghanap ng boyfie or fling. Nag aadvice ako don no. Naging councilor ako for a long time. I met this man, he's not attractive pero maganda boses niya. I don't like him. He's not my type, but somehow, na-fall ako sa pagiging kalog niya at sa maganda niyang boses. Sinesendan niya ako ng vm. As in ang ganda ng boses, parang Addie.
We've been calling each other for about months siguro through messenger. Oh yeah I forgot to tell you na nagkakilala kami sa litmatch then for the first time, binigay ko fb name ko sa kaniya.
Fast Forward...
So ayon ilang months na kaming talking stage. Nasanay na ako sa kakulitan niya. One day, bigla nalang siyang walang paramdam. Umabot ng three days bago ulit siya nag chat and that time, may lagnat daw siya. Ako lang ang nakikinig sa kaniya tuwing may rants siya, tuwing walang nakikinig sa kaniya. Pero anong natanggap ko? Ginawa akong tanga na kakausapin lang kung kailan niya gusto.
I developed my feelings for him, he admitted that he loves me too. I know ang tanga ko sa part na di ako umamin but Im expecting kasi na ipupursue niya ako. Inaasar niya kasi ako tuwing tinatanong niya ko kung gusto ko raw ba siya. Kaya sabi ko, hindi. Crush ko lang yung boses niya.
Yun daw yung dahilan niya kung bakit di na siya masyadong nagchachat. Kasi wala siyang pag-asa.
"Di mo alam kung gaano kahirap sakin ang iwasan ka. Alam kong wala akong pag-asa sayo," sabi niya.
We haven't met each other pa. Ilang beses na siyang pumunta dito samin pero di siya nagpapakita. Nalaman ko lang sa mga kasama niya. Ayaw niya ata akong makita.
Ngayon, may boyfriend na ako. Naguguluhan pa ako nung una kung tama ba ang desisyon ko pero wala e. I need someone to talk to, every night. Nagkausap na rin naman kami.
"Gawin mo nalang akong kabit HAHAHAHAHAHAHA," biro niya pa minsan.
He admitted na naghanap siya ng ka-talk nung sinabi kong may boyfriend na ako. He was heart broken. Pinuntahan niya pa raw sa bahay nila.
"Di mo talaga ako ganon ka gusto no? Kasi siya napupuntahan mo, ako hindi pa. Ni ayaw mong magpakita sakin," sabi ko.
Syempre masakit. He told me that he likes me. He wants me to be his girlfriend but he never showed it. Walang effort. Ngayon, wala na talaga. Wala na kaming communication sa isa't isa.
Kung sana lang tuloy-tuloy ang communication namin noon, baka pwede na. Baka pwede pa.
Sayang.
Muntik nang maging kami.
Di ko naman siya mahal pero ang sakit. Parang mas masakit pa sa break up to.
Hanggang dito nalang.
:)
BINABASA MO ANG
One shot stories
RandomThere are different stories you have read. But I assure you that this story is different. I hope you'll like it and please enjoy every stories I've made.