Feeling crushable mukha namang tubol

41 1 0
                                    

Sa mundong pabago bago ng pananaw. Marami ang magagaling magsalita without knowing na mali sila. Nanghuhusga sila. Eh pag sa kanila naman nangyari, magagalit sila.

  "Kayyyeeeeeeeee!" sigaw ng classmate ko pagkapasok na pagkapasok ko palang sa classroom namen. "Marami akong ikekwento sayo yiiiieeeeeeee!" ang sakit sa tenga!Ang tinis ng boses ihhh. 

  "Okay class sit down magklase na tayo. Ang ating pag aaralan sa ngayon ay tungkol sa pag ibig. Oh sino sa inyo ang meron nang karanasan sa pag ibig?" nakangiting tanong niya samen. Dzuuhh as if naman may pake kame noh! at w-wait pag ibig!?  damn that word! Di yan totoo!

"Ma'am! Si Ynna!"
"Ma'am  si Joy!"
"Ma'am si svospwvwowje"

Ang dami dami nilang sinasabing pangalan jusmeeeeee akala naman nila di pa sila nainlove eh! Nemal!

"Ma'am si Kaye"

Nanlaki at sinamaan ko ng tingin yung lalaking nagbanggit ng pangalan ko. Ako!?  Ang kapal ng mukha niya ah!  How dare him!?  Close ba kame para isigaw niya name ko!? Dzuhhhh

"Oh tama na.Ganto nalang kung sino ang tatawagin ko, tatayo siya at babanggitin ang pangalan ng crush mo dito sa room"sabi ng prof namin. Monggoloid!  Kung ano ano ang naiisip.

  "Miko, banggitin ang pangalan ng crush mo"

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.Grabe interesado ba talaga sila? weird people. Pati tong bestfriend ko, hinahampas pa yung braso ko.

  "Ano ba lairah! Ang saket ah! Nakakainis ka." sigaw ko sa kaniya. Nakakainis!

"Si Hazel po" sabi ni Miko tas nagblush siya. HAHAHAHHA ngongii pala toh eh.

At expected, naghiyawan nanaman ang mga kaklase ko,may pumapalakpak pa na parang tanga. Para silang mga bulateng inasinan.

"Rick" wika ni prof

Confident siyang tumayo at tumingin sa... gawi ko!  Nginitian niya ako.Yuck! close ba kame para ngitian niya ako?!

" Si kaye po" with matching kindat pa. Ewww! Uhmmm di naman sa nag iinarte pero nanggigil lang ako sa kaniya.Hays ewan ko ba kung bakit pero kumukulo ang dugo ko everytime na makita ko siya. Gwapo din naman siya pero... Errrrr!

"Aysus! Nagbibinata na ah!" kantsawan ng mga kaklase ko. Hays mga monggoloid!

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyari ang aminan. Nakakainis kasi palagi kaming tinutukso ng mga kaklase ko.So syempre todo iwas nalang ako, ni hindi ko na nga siya pinapansin eh. Ayaw ko na siyang tignan kasi maissue sila. Pero lagi naman siyang nakatingin sa gawi ko. Urggh nakakailang!

  "Feeling crushable mukha namang tubol noh? may paiwas iwas pang nalalaman eh di naman crushable. Hays pilingera!" feeling ko ako yung pinapatamaan ng kaklase kong iyon. Ang kapal ng mukha niya eh bat siya crushable din ba?!

"Bat di mo nalang deretsuhin yung taong pinaparinggan mo?" I asked her then I smirked. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Obviously ikaw! May paiwas iwas ka pang nalalaman eh porke umamin lang sayo ang tao.Excuse me crush palang naman eh. Ganyan naman kayo eh,porke umamin sila, iiwasan niyo na. Sana ol nga may nagkakacrush" sabi niya. Boba ba siya?!  Eh kung siya kaya ang lumagay sa kalagayan ko?

"Excuse me. Buhay ko toh. Ang kapal ng mukha mong magsalita ng ganyan sa harap ko. Bakit? Kung crush niya ba ako dapat pansinin ko pa rin siya? Eh siyempre naiilang na ako. Kapag pinansin ko naman, gagawan niyo ng issue. And anong pake mo kung ganto ako? Porke ba crush niya ko, dapat crush ko na rin siya? Dapat bang ako pa ang mag adjust ng feings?!  Ako pa dapat ang makikisama? Tas ano? Kapag naging mabait ako sa kaniya,tas lalo siyang nahulog saken and I'm not able to catch him, anong sasabihin niya anong masasabi niyo? Diba sasabihin niyong pa fall ako? Alam niyo maiissue kasi kayo eh. Jinajudge niyo ang isang tao base sa mga nakikita niyo lang. Ikaw kaya ang mapunta sa kalagayan ko, may magkakacrush sayo tas gusto ng iba na dapat magkatuluyan kayo, so anong mararamdaman mo, eh di mo naman gusto ang taong yon? " I asked. Natahimik siya. Napayuko siya at hindi na makatingin sa akin. Napapaligiran na pala kami ng mga classmate namin at lahat sila nagulat.

  The hell I care! Nag walk out nalang ako at dumeretso sa rooftop ng building namin. Dito na ko umiyak ng umiyak. Bakit parang ako pa ang masama? Kailangan bang pakisamahan ko ang nararamdaman niya? Eh pano naman ako? Eh may tao din naman akong gusto kaso may gusto din na iba...  Di lang siya ang nasasaktan, ako rin! Tao pa rin naman ako ah. Ako na nga ng iniwan at sinaktan, tapos ako pa ang may kasalanan dahil di ko kinrushback yung taong nagkakacrush saken? Heck no!!! Baka nakakalimutan nila, ako si Kaye Montenegro, hindi basta basta nagpapaapi pero marupok sa lalaki. At hello? Magaganda lang ba ang may karapatang hindi magcrushback?! Tas kaming mga panget, no choice?! Damn this humans!

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon