Para sa mga may jowa, kinikilig din ba kayo kapag nagseselos ang jowa niyo? Sabi nila, ibig sabihin daw nun eh mahal na mahal ka ng tao at ayaw ka niyang mawala. Pero para sakin, hindi! Pano ko nasabe? Tss
Ako si Akira Montello.18 years old. May jowang napakaselosa ~_~ Though sweet naman siya kaso, talagang minsan nakakainis na. Gusto mong malaman?
*Flashback*
"Love, gusto mo ba yun? Bagay sayo yun oh" I said. Napatingin naman siya sa tinuro ko at nagningning agad ang mga mata niya. Habang papalapit kami don--
"Pssst pogi bili kana sa paninda ko"sabi ng ale na ngiting ngiti.
"Ahhh love---" di ko na natapos yung sasabihin ko kase bigla niya akong hinila palayo. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Umuwi na tayo" malamig niyang tugon. Nagtataka man ay tumango nalang ako. Alam ko kasi ang ugali niya. Pag ganyan ang mood niya,ibig sabihin may hindi siya nagustuhan.
sa bahay......
"Pag lalabas tayo, magfacemask ka.Pag may kakausap sayong babae, please naman lumayo ka, may jowa kana, kasama mo pa ko, respeto naman!" she shouted angrily at me.
"Love, eh di naman ako nakikipag usap sa iba eh---" di niya na pinatapos ang sasabihin ko.
"Yung ale! Tinawag ka niyang pogi tapos pangiti ngiti ka pa!?" singhal niya.
Natahimik nalang ako. Tungunu bruuhh! Mas matanda pa ata sa nanay ko yung ale na iyon eh.
End of flashback
Oh diba!? Kita niyo na?! Nakakainis! Masyado siyang sel----
"Love may sinasabi ko ba?" seryosong tanong sakin ng girlfriend ko.
"W-wala n-naman l-love" sheyt bat ko nauutal?
"eh bat ka nauutal?" Tanong niya. Ang galing naman talaga oo.
"wala po love" sagot ko.
Oh diba? Nag iisip lang ako pero parang nababasa niya ang naiisip ko.
Ang nakakainis pa, di ako pwedeng lumabas mag isa. Dapat lagi ko siyang kasama. Imbis na mainis ako, inintindi ko nalang siya kase mahal ko siya. Bawal din daw akong makipag usap sa mga kaibigan niyang babae o bakla maging sa mga kapatid niya. So possessive tsk! Minsan nga kapag nagkakasiyahan kami ng nanay niya eh nagseselos pa siya eh, kalupet!
-------------------------------------------------------------
"Love, anong theme na gusto mo para sa kasal naten?" malambing kong tanong sa kaniya.
"I want a snow theme please" she said. She's so cute everytime she says, 'please'.
"Sige ipapaayos na natin toh" I said. By the way readers, malapit na kaming ikasal. 3 weeks from now na. I'm so excited! Pumili kami ng theme at pinag usapan na rin namin ang designs ng gown, cake, church, at mga souvenirs and invitations.
"Miss tapos na po kame" sabi ko.
"love" may pagbabanta sa tono ng boses ng girlfriend ko. Tsk eto nanaman kami.*fastforward*
Araw na ng kasal namin. Handa na ang lahat. Napakasaya ko kase finally, magiging asawa ko na ang babaeng mahal ko. Masaya na sana ako kaso... hindi namin sinunod ang pamahiin na bawal magkita ang dalawang ikakasal bago sila ikasal.Gets niyo? Basta kase yung pamahiin ng matatanda na bawal magkasama ang ikakasal isang araw bago sila ikasal. Heto siya ngayon sa tabi ko, nakakapit ng mahigpit sa braso ko. Ang nag ayos saken? Puro lalaki! Pati nagtahi ng damit ko ay lalaki rin. Ang mga nag asikaso din sakin ay puro lalaki! Nakabusangot ako ngayon. Why? Dalawang oras nalang magsisimula na ang kasal namin kaso bigla siyang umatras. Ang dahilan? Marami daw dadalong magagandang babae don. Baka daw pag nasa simbahan kami ay isa sa mga babaeng bisita ay itanan ko at iiwan ko na siya. Baka daw di ko na siya pakasalan. Hays!
"Love tara na kasi! Malapit na yung time oh" pagpupumilit ko.
"Love dito nalang tayo magpakasal sa kwarto" sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko. Nababaliw na ba siya?!
"Love naman tara na!" di ko na napigilang magtaas ng boses. Nakita kong unti unti siyang yumuko at humikbi.
Heto nanaman. Makokonsensya nanaman ako tas magdadramahan kami. Tsss.
"Sorry. Pinagdadamot kita. Natatakot lang kasi akong maagaw ka ng iba eh. Masama bang matakot akong maagaw ka? Masama bang ipagmot kita? Alam mo namang maraming nagkakagusto sayo diba? Pano kung marealize mong di mo pala ako mahal? Ang tagal kitang hinintay. Hindi ko kakayaning mawal----" di ko na siya pinatapos.
"Love wala ka bang tiwala sakin?" I asked. Hindi siya nakaimik. "Kase kahit milyon milyon pa rin sila, hindi nila mababago ang damdamin ko. Di na nila mababago ang pagmamahal ko sayo. Kaya please lang, konting tiwala naman" I said. Mas lalo siyang humagulgol. Di ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko na siya.
"Sorry. Sorry. Sorry. Highschool palang kase ako noong nagkagusto ako sayo. Aaminin kong una palang, marami na akong kaagaw sayo pero ipinaglalaban kong pagmamay ari kita! Ganon kita kamahal. Sa tuwing nakikita ko ang mga pictures mo, kinikilig ako. Sinabi ko na sa mga kaibigan ko na kapag nagkatuluyan tayo, sa araw ng kasal natin, luluhod sila sa harapan ko. Alam mo ba ang sinabi nila?" she asked habang patoy pa ring lumuluha. Kitang kita ko ang takot at lungkot sa mga mata niya. "S-sabi n-nila pipigilan nila ang kasal natin" pagpapatuloy niya. Napanganga ako. Shit! Is it real? "Kaya ganon nalang ako katakot na mawala ka. Kung kinakailangang itago kita, gagawin ko wag ka lang maagaw ng iba. Kasi di ko alam ang gagawin ko kapag naagaw ka pa nila" natahimik ako. Kaya pala...
"Love... " Di ko na alam ang sasabihin ko.
"Pasensiya na. Mahal kasi kita. Alam mo naman kung gaano ka kasikat kaya pilit kitang itinatago sa mata ng publiko. Akin ka lang, akin ka lang Kim Taehyung!" She said habang lumuluha. I hugged her tight and I kiss her forehead.
BINABASA MO ANG
One shot stories
RandomThere are different stories you have read. But I assure you that this story is different. I hope you'll like it and please enjoy every stories I've made.