Nasubukan niyo na bang mainlove sa taong malabong maging sayo? Yung tipong di mo alam kung nag eexist ba siya sa mundo.Pano mo nga ba mapipigilan ang pakiramdam na mahirap pigilan? Pano kung nainlove ka sa lalaking nasa panaginip mo lamang? Di ba mapapa 'sana ol'ka nalang kase yung iba, nangyayari yung panaginip nila, pero ikaw, still waiting na mangyari pa ren.
"HAHAHAHA ang ingay mo talaga Inno" sabi ko habang nakasakay kami sa jeep. Mas enjoy kasi pag nagjejeep kaysa grab eh. Wala kang makikitang mukha kundi yung mukha lang ng mga kasama mo at nung drayber.
Sakto lang ang andar ng jeep kaya iginala ko muna ang mga mata ko. Pinagmasdan ko ang mga kasama kong pasahero. Tahimik lang sila at may sari saring mundo. Napalingon din ako sa bandang harapan. Tahimik at mukhang mga galing sa trabaho. Nung lumingon naman na ako sa likuran... wait. May lalaki na. Owemji! San galing toh? Bat di ko namalayan? Ang gwapo,maputi,mukhang yayamanin at makinis. By the way nakaupo nga pala ako second to the last na upuan so meaning, malapit lang ako sa kaniya. Di ko namalayan na napatagal pala ang tingin ko sa kaniya. Pinagmamasdan ko siya, nakasabit lang siya sa jeep kasi wala nang upuan eh. So ayun nakadungaw yung ulo niya. Napatingin siya sa gawi ko at ilang segundo rin kaming nagkatitigan. Owemji! Is this real?! Napakurap ako ng dalawang beses. Shet pinagpapawisan na ako ah. So ayun, bigla akong umiwas ng tingin pero siya eh saglit pang tumitig saken tas saka tumingin sa ibang direksyon. May mga ilang beses pa siyang sumulyap saken tas maya maya lang ay bumaba na siya. Sayang ang gwapo pa naman.
Napasimangot nalang ako sa jeep. Syempre wala na akong kasabay na pogi hehehe. So tumingin tingin nalang ako sa labasan hanggang sa may mahagip ang mga magaganda kong mata. Isang lalaking nakaupo sa stairs ng mall. Ang gwapo niya sobra. Kulot pero bagay sa kaniya ang buhok. Sakto lang ang kulay niya at nakasimangot siya. Nakasuot siya ng sikat na anti rad na salamin at may hawak siyang gitara habang nakatingin sa babaeng di kalayuan sa kaniya. May kasama yung babae,jowa niya ata. Ah so siguro nasasaktan siya. Pero bat ganon, biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung napatingin ulit ako sa kaniya? Don't tell me na love at first sight ako sa kaniya? Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa unti unti nang lumalayo ang jeep na sinasakyan ko. Gusto kong bumaba. Gusto kong lapitan siya at yakapin. Bakit parang mas nasasaktan ako? Bakit kahit di ko siya kilala eh parang feeling ko,malapit lang ang loob ko sa kaniya? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
So nung nakababa na kami, sumakay kami sa tricycle at dumeretso na sa Cubao. Ilang oras din kami na naglaro dahil Christmas party sa bahay ng kapatid ng lola ko.
2 o'clock in the morning, sa wakas nakapaglatag na at matutulog na kame. So ayun nga ang sarap na ng tulog ko.
Takbo ako ng takbo. Hindi ko alam kung bakit pero may pilit akong tinatakasan.Sasakay na sana ako ng bus pero may grupo ng mga lalaki na pumigil sakin at pilit akong binuhat pababa sa sasakyan. Nagpumiglas ako at tumakbo, nagtago at hinihingal. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Biglang napasok ako sa restaurant. Agad king hinablot ang malaking gunting at humarap ako sa lalaking kanina pa sumusunod sa akin. Itinapat ko ito sa toot toot niya.Shet ang daks niya gurl! "Wag ang kikilos kung ayaw mong putulin ko toh"matapang na wika ko. Tinignan niya lang ako habang tahimik na sumunod sakin...
Saglit akong nagising.Pawis na pawis ako at pag tingin ko, madilim pa pala at nakakatakot pang bumangon kaya natulog ulit ako.
"George! Lumabas kana! Ikaw ang mastermind sa paghuhuli kay Marjorie! Andito na yung mga pulis" wika ng guro. No! Hindi siya pwedeng makulong. Tumakbo si George papunta sa loob ng bahay at nagbalot ng kumot sa buong katawan. Nakahiga na siya ngayon sa kama ko. Dumungaw ako sa kumot niya at tinitigan ko siya. Natatakot siya. "George, wala kang kasalanan diba? Di ka aamin diba George? " Nagmamakaawa na yung boses ko. Lumapit ako sa kaniya at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa magkadikit na ang mga ilong namin. Nagtitigan kami ng matagal. Bakas ang pag aalala at takot sa mata niya. Parang dinudurog ang puso ko. Oo isa siya sa mga humahabol sakin pero pakiramdam ko, inosente siya. Hinaplos ko ang pisngi niya habang nakatitig pa rin ako sa mga mata niya. "George, mag sstay ka lang saken diba? Diba baby? " May tumulo nang luha sa mga mata ko. Bakit ako umiiyak? Kaano ano ko ba siya? Jowa ko ba si George? Onting onti nalang, maglalapit na ang mga labi namin nang...
"Khylle! " sigaw ng tita ko. Hinahabol niya yung pinsan ko. Napabalikwas ako ng bangon. Grabe! Pawis na pawis na ako at parang gusto kong umiyak. Ano bang nagyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? Si George... kamukha niya yung guy na nasa mall, yung may hawak na guitar.
Lumipas na ang ilang linggo pero hinahanap hanap ko pa rin ang lalaki sa panaginip ko
BINABASA MO ANG
One shot stories
RandomThere are different stories you have read. But I assure you that this story is different. I hope you'll like it and please enjoy every stories I've made.