Corona Virus

31 1 0
                                    

Pandemic Corona Virus ika nga nila. Nagsimula sa China hanggang sa kumalat na halos buong mundo. Saan nga ba ito nanggaling?  Paano ito naikalat?  Paano pa makakabangon ang mga bansang naapektuhan nito?  Ano nga ba ang solusyon dito,Mercy killing or prayer?

  Ika-16 ng Marso 2020 nagsimulang ipatupad ng ating presidente ang home quarantine sa buong Luzon. Bawal lumabas ng bahay kung wala namang importanteng pupuntahan. Limitado ang oras ng paglabas. Maraming mga kababayan natin ang natigil at nawalan ng trabaho. Maraming naghihirap na mga Pilipino. Simpleng batas na ipinapatupad ay di pa masunod. Sa loob lamang ng bahay para rin naman ito sa ating kapakanan ngunit bakit ang hirap para sa atin ang mag adjust sa buhay? Saan ba mas boring mag stay?  Sa bahay, kulungan, hospital o sementeryo? Diba yun naman ang gusto natin?  Ang mag stay? Kung yung kayo ay nagmamakaawa para mag stay ang ibang tao sa inyo, yung public officials ay nagmamakaawa rin na mag stay kayo sa mga bahay niyo. Atleast ang pag stay sa bahay may mapapala kayo, eh ang pag stay sa taong di naman kayo gusto may mapapala ba kayo?  Bukod sa paulit ulit din lang kayong masasaktan, iiyak at iiyak ka rin at magmumukhang tanga. Kaya payo ko lang, mag stay nalang po tayong lahat sa bahay at hayaan nating makapag pahinga tayo rito. Boring ba kamo?  Edi maglinis ka!  Magbasa ka ng bibliya! Magdasal ka!  Tulungan mo ang mga magulang mo sa gawaing bahay!  Maraming pwedeng gawin kapatid.  Wag matigas ang ulo.  Di ka ba naaawa? Marami nang nasayang at nagbuwis ng buhay para lang sa atin. "Mamili ka,bayan o sarili?" ika nga ni Heneral Luna. Nagpapakapagod ang ating mga kapulisan upang magbantay sa mga pasukan at labasan ng ating lugar. Di ka ba nahihiya? Isa kang edukadong tao pero di mo ito pinapakita.

Alcohol. Pangunahing pangangailangan ng mga tao ngayon. Mahirap bang maging matulungin? Hindi ba napakagaan sa pakiramdam ang makatulong sa ating kapwa?  Eh bakit mo tinataasan ang presyo ng alcohol?  Bakit mo tinataasan ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan? Oh anong bagsak mo ngayon, sa kulungan?   Aanhin mo ba ang pera?  Aanhin mo ang napakaraming pera kung mamamatay kana?  Habang ikaw ay nagpapakasasa sa napakaraming pera, yung mga kababayan mo naghihirap. Hirap na hirap sila sa buhay! Hindi nga namatay sa virus, namatay naman sa gutom. Kakayanin mo bang mabuhay sa mundong nasakop na ng virus? Sa mga nagpapanic buying sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan. Bes, hindi lang ikaw ang nangangailangan ng ganyan, kami Rin. Bes, hindi lang ikaw ang may pambili,kami rin. Wag kang maging makasarili!

  Sa mga may sintomas na ng virus, please self quarantine muna mga bes. Wag matigas ang ulo. Wag niyong ikalat ang virus. Nasobrahan niyo atang maging mapagbigay ah HAHAHAHHA. Pati virus shineshare niyo. Nakuuu mali yon! Mas mali pa yong ikinalat mo ang ang virus kaysa nung binalikan mo siya, ayyy oops!  Kaya mga behhhh wag! wag!  wag niyong hayaang magkalat ang virus.

Dear beloved Filipinos, kaya natin toh. Kakayanin natin toh. Wag tayong papadala sa krisis na ito. Di tayo magpapatalo, strong tayo remember? Malalampasan natin toh. Tiwala lang tayo kay Papa God. Di niya tayo pababayaan. Tiwala lang, mamamatay din yang virus na yan. Ay wait, namamatay ba ang virus? Oo ata haha CHOUR!  Oh basta tandaan niyo ah?  Makakabangon tayong lahat, in Jesus name!

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon