Tao pa ba kayo? Masaya ba? Masaya bang magpahabol sa mga pulis at iba pang tagabantay sa bawat kalsada? Masaya bang mag order ng pagkain sa mga delivery boy tapos kapag dumating na ang order, hindi mo kukunin? Masaya bang marinig sa mga frontliners at makabagong bayani ng ating bansa ang kanilang pagmamakaawa? "Parang awa niyo na, maki cooperate naman kayo samin. Pagod na pagod at puyat na kami, kakaunti lamang ang tulog namin dahil kinakailangan naming magbantay dito. Kapag di naman nagampanan ang aming mga tungkulin,mawawalan kami ng trabaho, may pamilya kami na kailangang buhayin. Bakit ba ang titigas ng ulo niyo eh para sa inyo at sa bansa naman itong ginagawa namin?" ano? masaya bang marinig yan mula sa bibig nila? tapos susumbatan niyo pa, "Eh ang boring eh!" "Namiss ko nang gumala" "Ano bang pakeelam niyo!? Buhay namin toh kaya kami ang masusunod! wala akong pake sayo at sa pamilya mo!" Gosh! Tao ka pa ba? Selfish! Alam mo ba kung ilan nang mga tao ang namamatay dahil a Covid-19? Ilan na nga bang frontliners ang namatay? Marami na. Gusto mo bang maikalat sa buong bansa ang virus? Gusto mo bang maigaya tayo sa ibang bansa na sumuko na ang ating presidente dahil sa katigasan ng ulo natin? Kung ayaw mo nang mabuhay, magsolo ka. Kung alam mong may covid-19 kana, mag self quarantine ka. Jowa mo nga ayaw mong ishare, yan pa kayang sakit. Diba ayaw mong may ka share? Remember the Golden rule:Wag mong gawin sa iba ang bagay na ayaw mong gawin nila sa iyo. Think before you act! Keep fighting and be optimistic. God bless everyone
BINABASA MO ANG
One shot stories
RandomThere are different stories you have read. But I assure you that this story is different. I hope you'll like it and please enjoy every stories I've made.