Chapter 03: Did I ask?

5.6K 173 21
                                    


"Shh! Baka magising sila Manang Rita, sir!"

Tinakpan niya ang bibig ko. Agad ko itong inalis at tinignan siya nang masama. I can't see his face fully kasi natabunan ito ng panda facemask niya. Skin care ang pota.

Sayang lang ang products sa kaniya, pangit pa rin siya.

"What the fuck are you doing?" Iritadong tanong ko sa kaniya.

"Skinker, ser. Ginamit ko yung padala ni Nanay galing Korea." Sabi niya at hinaplos-haplos ang mukha niyang may mask like how the influencers online would do.

Napaismid ako ako at nilagpasan siya. Sa rami ng taong pwede kong makasalubong ngayon, siya pa. Ano bang ginagawa niya rito- I halted at nilingon siya nang mapagtanto kong dapat hindi siya rito sa taas.

Nakita ko siyang nakamasid lamang sa'kin. "Anong ginagawa mo rito?" I asked him.

"Dito ang kwarto ko, sir." Sabi niya at tinuro ang dati kong kwarto.

"Sa'yo ang mga basurang nasa loob niyan?"

Napatigil siya sa pagma-massage sa kaniyang mukha at ngumuso. Mas lalong nadagdagan kapangitan niya. "Grabe ka naman sa basura, ser. Porket color brown lahat ng gamit ko. 'Di ba pwedeng favorite color ko?"

"Did I ask?" bara ko sa kaniya. Balak ko pa sanang paayusan kina manang ang dati kong kwarto. 'Wag na lang pala, ayoko na sa kwartong 'yon. I continued my pace at nagtungong kusina para kumuha na lang ng tubig. Gusto ko nang matulog na lang, nakakayamot.

Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Why is he following? Inubos ko ang tubig ko at muling unakyat. He followed me again.

Instead of walking back to my room, nagtungo ako sa balcony. I sat on the chair. Preska ang hangin, malamig. Mas gusto ko 'to kaysa sa hangin sa Manila.

"Sir, 'di ka pa ba matutulog?"

Halos mapabalikwas ako sa upuan ko nang marinig ako ang boses niya. Ano na naman ba?!

Galit ko siyang nilingon. Nandoon pa rin ang stupid face mask niya. Ngayon ko lang din napansin ang pandang headband na suot niya.

"Bigay din ni Nanay 'tong headband, Sir. Kasama sa package, hehe." Sabi niya.

"Do I looked like I care?"

He did not speak. Akala ko aalis siya nang marinig ko ang mga yapak at pag-upo niya sa bakanteng upuan adjacent to mine.

Tahimik lang kaming dalawa. Gusto kong mapag-isa, pero for sure susunod at susunod din ang isang 'to. Parang aso, buntot nang buntot! Papansin ampota.

"Sir, kamusta ang pagiging artista? Lagi kitang nakikita sa TV m. Maganda ba sa personal si Ms. Tanya Dee?"

I sighed and closed my eyes. Hindi ko siya sinagot. Ba't 'di niya isearch? Parehas lang naman ang mukha namin sa personal. Well, may iba na hindi naman tugma. But still, kami pa rin 'yon.

"Sir, nagtatanong ako."

Nagkasalubong ang aking mga kilay. Is he obligating me to answer him?

"Sungit mo naman, Sir. Kaya ka siguro napapaaway."

That's it.

I stood up angrily and walked towards my room. Sino ba siya? 'Di ko nga alam kung anong pangalan niya! Daming sat-sat! Pwe!

Nagising ako sa ingay ng mga manok. I groaned and covered my head with a pillow. Nabawasan ng konti ang mga ingay ng manok. Now I can peacefully sle-

"Sir, gising na sir!"

City Lights & Country Hearts [COMPLETED] (SS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon