Happy 800 reads CLCH!
——
"You should eat a lot," saad ko sa kaniya at naupo sa gilid ng kama.
I handed him the utensils as I placed the tray of food on my bed. Kakagising lang niya, he seems fine compared to last night. Bumaba na ang kaniyang lagnat at hindi na siya maputla.
"Yes, my nurse," sagot niya at nginisihan ako.
Mukhang okay na nga ang gago. Nang-aasar na, eh.
"Don't call me that, itawag mo dapat 'yan kay Patricia."
Tumayo ako at pumunta sa couch para ayusin ang pinagtulugan ko kagabi. Habang tinutupi ko ang blanket, I heard him sigh. It was loud enough for me to hear dahil malapit lang naman ang couch ko sa bed.
Nairolyo ko ang aking mga mata sa kaniyang pagde-deny. "Mukhang siya pa nga dahilan kung bakit ka nagkasakit, eh." I insinuated.
Nabilaukan siya kaya nilingon ko siya. He was glaring at me while drinking the glass of water.
"Ikaw... ikaw kaya ang dahilan kung bakit ako nagkasakit," sabi niya.
My eyebrow raised, "At bakit naman ako pa talaga ang sinisisi mo?"
"You kept me awake the whole week, Boo. I'm so upset," parang batang sumbong niya.
"Upset of what?"
"About that call," pag-amin niya at inilihis ang kaniyang paningin.
Putcha. Ilang chapters na ng libro namin ang lumipas pero paulit-ulit niyang binabalik 'yong insidenteng 'yon. Hanggang kailan niya ba balak balik-balikan 'yon? Eh siya nga rin 'tong hindi rin ako pinatulog ng isang linggo.
"Ewan ko sa'yo. That was just a mistake, Tyson," sagot ko sa kaniya at muling itinuon ang atensyon ko sa blanket na tinutupi ko.
"You can't blame me," sabi niya and he released a deep and loud sigh. Through my peripheral vision, nakita ko kung paano niya ako tignan ng malalim.
Lakas ng topak. May sakit na nga inaaway pa ako ng lintek.
"You can't blame me either. I'm single," kalmadong sagot ko sa kaniya at nagkibit-balikat. He remained silent with my response.
Buti naman, kasi kung magsasalita ka pa baka suntukin ko na 'yong sarili ko dahil parang ayaw mo akong patawarin, eh.
When the tension between us has subsided, kinuha ko na 'yong mga unan at saka ipinatong sa pinaka ibabaw ng mga ito tinupi kong blanket. Carrying all those, lumakad na ako papalabas ng kwarto.
I was a step away from going out of my room when I got halted from my tracks. Nagsimulang maghurumintado ang puso ko't may kiliti sa aking tiyan.
His deep voice echoed in my mind when he suddenly said,
"Then I can be your man." Seryosong sambit niya dahilan para matuod ako sa'king kinatatayuan.
Mariin akong napapikit at humugot ng malalim na hangin. Marahas ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Confident niya akong tinignan, animo'y alam niyang talagang aakuin ko siya bilang akin.
Nagkatagpo ang aming mga mata at katahimikan ang namayani sa'ming dalawa. His hazel eyes got me hooked. Hindi ko man nakikita ang sarili ko ngayon, pero alam kong namumula ang aking mga pisngi at mga tainga.
"A-asa ka," nautal kong pambabasag ng katahimikan at dali-daling lumabas. I almost tripped dahil may nakalay-lay pa palang parte ng kumot.
I heard his chuckle from the back. Kaya mas lalo akong namula dahil sa kahihiyan. Fuck, I look so dumb.
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts (SS #1)
Short StoryTo him who shines the most, l offer my heart. [COMPLETED]