Chapter 42: Message

3.6K 153 99
                                    

"Lucian?"

Naalimpungatan ako nang tawagin ako ni Manang Selia. I heard a few knocks after her call. Nagitla ako kaya't nabitiwan ko ang kung anuman ang huling hinawakan ko kagabi. I groaned when I sound of something breaking—not my heart—echoed throughout my room.

Ah... it was the beer I drank last night.

Narinig ko muli ang mabilis at sunod-sunod na pagkatok ni Manang sa labas ng k'warto. I must've made her worried. Sinabihan ko siya kahapon na ngayon nalang pumunta. I wanted to be alone yesterday, that's why I told her to take a day off.

"Lucian? Okay ka lang ba riyan? Ano yung nabasag, hijo?!"

Nang tuluyan kong iminulat ang aking nga mata'y napaungol ako sa matinding sikat ng araw. Kaagad kong tinabunan ang mga mata ko gamit ang likod ng aking palad.

Tang ina. The rays are blinding me. Nakalimutan ko namang i-adjust and blinds kagabi. Maybe I was too drunk to even close the remote-controlled blinds in my room.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa couch. Napasapo ako kaagad sa aking ulo nang makaramdam ako ng pagkahilo. Ha... ilang buwan na akong umiinom, hindi pa rin kaya ng sistema ko?

King ina, ang hina ko naman pala. Kaya ako sinukuan, eh.

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad, iniiwasan ang mga bubog na nagkalat sa sahig. Buti na lang at wala nang laman ang bote.

I squinted my eyes before scanning my room. And damn... aakalain mong may bagyong dumaan.

"Hijo?"

Napabuntong-hininga ako't lumakad patungo sa pintuan. I reached out for the doorknob and twisted it to open the door. Kaagad na bumungad sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Manang Selia. Her eyes went from me to my room. Napabungtong-hininga siya.

Umiwas ako nang tingin, nahihiya akong ipakita sa kaniyang ang k'warto ko. Nagkalat ang mga gamit ko nang damit sa paligid, nakasampay sa sofa o nasa ibabaw lang ng kama.

"Manang..."

Napalingon siya sa gawi ko. Naroon pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Sorry po sa kalat, I'll clean it up after I wash up," nahihiyang saad ko sa kaniya at napahimas na lamang sa aking batok.

Umiling si Manang, disagreeing to what I just said. "Ako na ang bahala rito, hijo. Anong oras ba ang lakad mo ngayon?"

Kumunot ang aking noo. Do I have any commitments ngayon? Napasapo ako sa aking noo at inalala kung anong mayroon ngayon. Bukod sa tambak na mga scripts na babasahin, ano pa ba?

Napansin siguro ni manang na hindi ko maalala kung anong mayroon para sa araw na ito. Napakamot siya sa kaniyang bunbunan at nagsalita.

"Hindi ba may interview ka with Ma'am Pamela?"

Oh... right.

Tumango ako at tinignan ang orasan na naka-paskil sa dingding. It's 10:45 A.M. at ang scheduled interview ko'y 1:00 P.M. ayoko sanang magpaunlak pero the interview was already scheduled two months prior today.

"Uminom ka na naman," ani Manang habang nakatingin sa bubog na nasa sahig.

"Hmm... 'di ako makatulog, Nang, eh."

The concerned in her eyes only grew. She sighed and shook her head. Napangiti na lamang ako. Walang araw na hindi niya ako tinatanong kung uminom na naman daw ba ako. I don't drink every day, seldom lang kapag hindi ako nakakatulog. I don't want to take sleeping pills din at baka buong araw akong tulog.

"Makakasama sa kalusugan ang sobrang pag-i-inom, hijo," aniya at lumakad papasok sa loob ng k'warto ko. May bitbit pa siyang walis tingting at dustpan.

She continued her sermon about the possible effects of alcohol on my system. How the alcohol would make me bloated or how it'll make me feel more tired.

City Lights & Country Hearts [COMPLETED] (SS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon