Chapter 33: Constant

5.6K 185 58
                                    

"Since when, Del Fuego?"

"A month ago," sagot ko kay Hugo na ngayo'y seryosong nakatingin sa aking mga mata. He sighed and nodded upon hearing my response, na para bang may nakumpirma ako sa kaniyang hinala.

"Teka, teka–if isang buwan na ang nakalipas, then noong nagpunta kami sa La Castellana may something ka na para sa kaniya?" Tanong naman ni Lionel na ngayo'y nakaupo na sa right side ko.

Napaismid ako sa sinabi niyang 'something', lintek na 'yan, ba't hindi nalang niya ako diretsuhin. Putcha. Talagang lumapit siya sa'kin para lang makichismis.

I sighed and took a sip from my coffee. "Basically, yes. But at that time dine-deny ko pa sa sarili ko na may gusto ako sa kaniya." Sagot ko.

Iniisip ko noon na hindi totoo ang namumuong 'gusto' ko para kay Tyson. Kahit na noon pa man ay nilalandi na ako ng gago. Hindi ako nagpapadala sa mga pasimpleng landi niya. Ngunit ngayon, parang gusto kong itago ang dating ako. Nasaan na yung hindi raw ako magpapadala sa mga panlalandi niya? Parang kinain ko lang ang mga sinabi ko, ah.

Sunod na napunta ang tingin ko kay Soren na seryosong nag-iisip. He even placed his hand on his chin. "If gusto mo ay lalake... that means you're bisexual, dre," tanong ni Soren na nakaupo sa kabilang tabi ko.

Nagkibit balikat ako at tumango. "Kahit noon pa man, Soren. I'm bisexual," pag-amin ko sa kanilang tatlo, na siyang ikinagulat muli nila ni Soren except for Hugo who I think already saw it through me. Nakumpirma ko lang ngayon dahil walang reaksyon ang mokong.

Good thing walang may nabasag this time. The mugs that were broken by them earlier were compensated kaagad. They apologized to the staff, buti nalang at kilala ni Lionel ang manager dito.

"You didn't tell us, dude!"

"Hindi naman kayo nagtanong."

Napakamot ng ulo si Lionel at kaagad na binalingan ng ulo si Soren. "Ikaw din 'di ba?" Tanong nito sa kaniya.

Soren looked away, "Yes."

Sa dami ba naman ng chikinini na nakuha niya noong nasa Sipalay kami. Malamang nakipagrakrakan din siya sa lalake. Kung hindi lang siya umamin that time, baka iisipin kong wild na wild yung babaeng naikama niya. To think also na ayaw pa niyan na may maiwang marka sa kaniyang katawan kapag nakikipag-anuhan siya—as what he told us—pero muntikan nang maging ube halaya ang kaniyang leeg noon.

"Do you also have someone right now, Soren?" Tanong ni Hugo, narrowing his eyes on our friend.

Parang tatay namin ngayon si Hugo. Iniisa-isa niya kami. Inuusisa niya ang bawat isa sa'min, kung may mga manliligaw ba o mayroon nang naligaw sa buhay namin.

Tumikhim si Soren at inayos ang kaniyang upo. Although basing from his body language, hindi siya mapakali na para bang nahuli siya ni Hugo. This made me raise an eyebrow—mayroon nga ang mokong.

"I... I don't have one," Soren tried to lie but I was able to notice how he uncomfortably shifted his gaze elsewhere. Napaismid ako at sinuklay ang buhok gamit ang aking mga daliri.

Lionel scoffed, not believing him. Considering na magkalapit ang dalawang 'to, for sure may alam din ang gago.

"Really, Soren?" Muling tanong ni Hugo.

Soren's fingers were fidgeting. Ganitong-ganito ang ginagawa niya sa tuwing kinakabahan siya o di naman ay bothered na siya. Hindi na talaga siya mapakali.

I heaved a sigh. Kailangan ko nang sumingit bago pa umiyak ang isang 'to. Lintek na Hugo, mukhang papaiyakin pa ata ang Kapitan ng barko.

"Let's stop—" I spoke yet was cut off when Soren stood up out of the blue.

City Lights & Country Hearts (SS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon