Chapter 37: Perfect

4.6K 127 52
                                    

Stay safe and dry, love!

---

"Ano ang pangalan?"

Tinignan ko si Tyson na nakaupo sa gilid ko. He looked so tense, pero tinatago niya lang ito. I know he can do this thing. Hindi lang ito ang kaniyang haharapin sa susunod.

Hindi pa man ako nakakatagal ng titig kay Tyson, nang biglang may humarang na menu book sa pagitan naming dalawa. Nilingon ko ang may hawak no'n at matalim siyang tinignan.

Grabe! Pati pagtingin ko sa jowa ko, bawal?

Napabuntong-hininga na lamang ako at uminom mula sa iced coffee ko. Hindi lang pala si Tyson ang dapat kong pakalmahin ngayon, pati sarili ko pala.

Baka may mabugbog ako dito, eh.

Pasikreto kong ibinaba ang kanang kamay ko. I then, held Tyson's hand, that is resting on his lap. Hinawakan ko ito at hinimas-himas para pakalmahin ang kaniyang sistema. Napansin kong unti-unti na rin siyang nawawalan ng kaba, just by looking at how his shoulders relaxed.

Tumikhim siya at palihim niyang ipinatong ang isa pang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. It's as if he's reassuring me that he's okay, and we'll get through this.

Dahil sa katahimikan niya, nag-alburoto at dinaig pa ang Mayon, ang taong nagtanong sa kaniya no'n. We're trying to build some bond here, yet ang mokong na nagi-interview sa jowa ko, parang gago. Ini-intimidate niya pa si Tyson, lingid sa kaniyang kaalaman, parang si Hugo lang 'tong jowa ko—extrovert version nga lang.

"Oi! Anong pangalan? Tinatanong ka 'di ka sumasabat." Asik niya kay Tyson.

Sinamaan ko ng tingin ang mokong na nasa harapan ko. Talagang kina-career niya ang pagsisiga-sigaan niya. Eh, mukhang isang pitik lang ni Tyson sa kaniya, siguradong tumba ang gago.

Tumikhim si Tyson bago siya nagsalita. "Donovan Tyson Ybañez, CPA, JD. Pare," sagot ni Tyson na siyang ikinangiti ko. Ngayon ko lang narinig mula sa kaniya na sinali niya ang Juris Doctor niyang title. It's given to those who finished law school.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Lionel. Yes, siya itong parang tangang sinisiga-sigaan ang jowa ko. This meeting between my group and Tyson is abrupt. Katabi ni Lionel si Hugo na tinitigan lang kaming dalawa ni Tyson nang makahulugan.

"Tang ina, mag-a-abogado ang nabingwit mo, dude?!" Napunta ang mga mata ko kay Soren na nasa loob ng screen.

Nasa barko siya ngayon at babyahe patungong Russia. Magtatapos na ang kontrata ng mokong next month kaya magsasama-sama na naman kaming apat ulit. It'll be chaotic, but it's good to have him back after his sudden embarking noon.

Also, I was planning na ipapakilala si Tyson sa kanila kapag nakauwi na si Soren, ngunit wala na, nabuko na kami kagabi.

King ina, kung sinabi lang kaagad ni Tyson sa'kin na may sasabay pala sa'min— edi sana hindi ako ganoon kalandi sa kaniya! Of all people na pwedeng makakita, bakit si Hugo pa?

At kailan pa sila naging close ni Tyson, aber? Parang a day ago, he's jealous because of him. Tapos bilang kasama na namin sa kotse ang pinagseselosan niya?

I released a heavy sigh after remembering last night's event. The look of horror on my face must've been too extreme, enough to make Hugo laugh. Kasama namin ang mokong kagabi dahil naiwan niya ang susi niya sa condo niya, he also forgot his wallet kaya wala siyang pan-taxi.

King ina naman, naudlot niya pa ang bebe time namin ni Tyson dahil sa katangahan niya. Really, Hugo? Abogado na 'yan siya ha, tanga pa rin sa mga gamit niya.

Kaya heto kami ngayon sa isang kapehan sa Rockwell, at parang nakaharap sa mga magulang ko si Tyson. Napaismid si Lionel at muling tinignan ang kaniyang bitbit na notebook, kung saan nakalista ang mga itatanong niya kay Tyson.

City Lights & Country Hearts [COMPLETED] (SS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon