When we arrived at his apartment, tinulungan ko siyang iakyat ang kaniyang mga gamit. Ito rin ang unang tapak ko sa bago niyang nilipatan. Kumpara sa dati niyang tinutuluyan, mas malaki ang apartment niya ngayon.
Gusto kong binyagan naming dalawa, pero baka tanggihan niya lang ako.
Mapahiya pa.
"Where can I put this?" Pambabasag ko sa katahimikan naming dalawa.
"Palagay nalang doon," aniya at tinuro ang isang lamesa sa corner. Tumango ako at kaagad na nagpunta papalapit doon.
I placed the box of Bongbong's Pasalubong on top of the table. Medyo may sobra pa ngang 1/4 ng kabuuang box ang hindi nailapat sa lamesa, dahil maliit nalang ang espasyong natitira sa kaniyang mesa. My eyes unconsciously roamed at the things on his table.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita ang picture naming dalawa, nakaipit ito sa isa sa mga codals niya. Hindi lang ito basta-bastang litrato namin, dahil kuha 'yon mula sa family day ni Denise.
Kinuha ko 'yong codal niya at hinugot ang nakadungaw na litrato. He was looking at me while I was smiling at the camera. Ito 'yong litratong halos hindi nagpatulog sa'kin ng ilang araw, ah. 'Di ko alam, patay na patay na pala sa'kin ang gago.
Hmm... sa litrato palang, ramdam ko na ang pagmamahal ni Tyson. Hindi ko lang siya napansin noon. Ano kaya ang nangyare if maaga akong nahulog sa kaniya?
"What should we eat, Ty?" Tanong ko sa kaniya at muling inilagay sa gitna ng mga pahina ang litrato naming dal'wa.
Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatutok sa kaniyang cellphone. He's typing something, kaya hindi niya siguro narinig ang tanong ko.
I slowly walked towards him, nakatalikod siya sa'kin, kaya naman no'ng nakalapit na ako, kaagad ko siyang niyakap mula sa kaniyang likuran. I placed my chin on his shoulder and was about to take a peek on what he's getting busy at with—but he flinched.
Napabitaw ako nang kaagad niya akong hinarap. My arms dropped to my sides as my eyes blinked in confusion. "Lucian..." aniya na para bang nagulat sa pagsulpot ko.
So, hindi niya talaga narinig ang tanong ko kanina.
"Ba't parang gulat na gulat ka?" Tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay.
"Bigla kang sumusulpot, eh."
I made a face of dissatisfaction, "Ilang beses na kitang niyakap sa likuran mo ng patago, hindi ka naman nagugulat." I mumbled and sighed.
Tinalikuran ko siya at tumungo sa kaniyang kusina para maghanap ng kung anong p'wede naming kainin. I could cook KBL now, only if I have the ingredients, since hindi niya kasi nakain 'yong niluto ko noong pasko.
Unfortunately, walang laman ang kaniyang ref kaya niyaya ko muna siyang mag-grocery.
"Magpa-grab nalang tayo," suhestiyon niya habang nagtutupi ng kaniyang nga damit. Paminsan-minsan ay nasa cellphone ang kaniyang nga mata.
"Okay, ikaw mag-order," sagot ko sa kaniya at naupo sa sahig para tulungan siya sa kaniyang nga damit.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya at binitiwan ang kaniyang tinutupi.
"Yung totoo?" Tanong ko sa kaniya pabalik. His forehead creased at my response. "Kanina pa kita gustong kainin, Tyson." Nakangisi kong sagot sa kaniya.
We haven't spent time together for three weeks, kaya siguro naman p'wede na kaming magbahay-bahayan ulit? Nakakamiss siya.
Hahawakan ko na sana ang kaniyang hita para tuksuhin siya kaso pinigilan niya ang malikot kong kamay.
"Let's do that next time, Lucian."
BINABASA MO ANG
City Lights & Country Hearts [COMPLETED] (SS #1)
Short Story"To him who shines the most, l offer my heart." [COMPLETED]