ꕤ ๑ ๑ ๑ ꕤ
"Satianna! Anong oras ka na naman ba natulog kagabi at late ka na nagising?!"
Sumimangot ako habang sinusubo ang pagkain sa bibig ko. Ang aga-aga kasi ay sermon kaagad ni nanay ang bumungad sa akin pagkagising ko. I mean, can't I eat in peace here, please?
"Maaga naman po akong humiga, hindi lang nakatulog agad," paliwanag ko habang nginunguya ang pagkain.
"Paano ka nga makakatulog kung pati sa higaan ay hawak mo ang cellphone mo?!" singhal niya sa akin.
I knew it, she wouldn't really believed me. Sisisihin niya na naman ang paggamit ko ng cellphone sa gabi. Mabilis kong tinapos ang pagkain ng almusal at nag toothbrush. I changed into my uniform and wore my black shoes. I really need to go right now or else I will be late for my morning class.
"Alis na po ako," paalam ko kay nanay na ngayon ay nagwawalis na sa bakuran namin. Nakita kong may dinukot siya sa bulsa ng short niya at inabot 'yon sa akin. Kinuha ko ang fifty pesos na baon sa kamay niya bago nag mano.
"Mag iingat ka at umuwi ka kaagad mamaya," bilin niya.
I just nod my head and start to walk away from our house. Walking distance lang naman ang school na pinapasukan ko mula sa bahay namin kaya pwede ko lang lakarin.
Dito kasi sa probinsya ay mismong bayan lang ang malayo. Halos limang minuto lang akong naglakad at nakarating na ako sa gate ng school namin.
"Good morning, Ate Liza," bati ko sa guard na nagbabantay sa gate namin. Palagi kasing chinecheck ni Ate kung meron ba kaming dalang id. Ang iba kasi ay nilalagay lang 'yon sa loob ng bag nila at hindi isinusuot.
I showed my school id to her and she nodded her head, signing me to come in. I went straight to our room and sat on the seat near the window. Wala pa ang ibang kaklase ko sa room kaya nanahimik lang ako sa upuan ko habang sila ay nag uusap-usap.
I'm not really close to them. Ang tanging kaibigan ko lang dito ay ang dalawa kong best friend simula no'ng elementary. Si Ariella at Katrina.
May nakakausap rin naman ako sa room dahil ang iba ay naging kaklase ko na rin dati. Pero hindi ko talaga masasabi na close kami dahil nakakausap ko lang sila pag may tinatanong ako o 'di kaya naman ay sila ang may kailangan sa akin.
Minutes later, my eyes unconsciously went to the gate. Malapit lang kasi ang room namin sa gate kaya kitang kita ko kung sino ang papasok doon.
I grinned when I saw Ariella being scolded at. Nakalimutan na naman siguro nito ang kanyang id. Maya-maya pa ay nakapasok na siya at nakasimangot na umupo sa tabi ko.
"Nagsulat ka na naman ng love letter?" I asked, teasing her. Mas lalo lang siyang sumimangot at umob-ob sa upuan niya. Kapag kasi wala kaming dalang id ay pinag susulat kami ng promissory note. Pero talagang matigas ang ulo ng iba at hindi pa rin dinadala ang id nila.
"Bwiset! Paano kasi ay pinagmamadali ako ni mama kanina at late na raw ako," aniya, nakasimangot pa rin.
I laughed. "Ako rin... maaga nakatikim ng sermon kay nanay."
She rolled her eyes at me. "May bago ba?"
I pouted, natamaan sa sinabi niya. I've been living with my grandmother ever since I was a child. Si Mama kasi ay mas pinili na magtrabaho sa Manila, gano'n din si Papa. Kaya gustong-gusto ko kapag dumadating ang December dahil sa buwan na 'yon ay umuuwi sila para sa araw ng pasko. That's the only time I get to create memories with them.
BINABASA MO ANG
Rekindled Hearts (Rekindled Series #1)
RomanceI don't believe in love. After what happened to my parents, I always told myself that love was nothing but a pain hiding behind the facade of happiness. It would only bring us harm and shatter our hearts into pieces eventually. However, that belief...