Kabanata 2

1 0 0
                                    

Just like what he said, we shared the book. Hindi ko alam kung matutuwa ako na nakakuha ako ng infos na kailangan ko sa libro o mahihiya dahil pinagpilitan ko 'yon.

"Parehas pala tayo ng i-rereport," aniya. I anchored my gaze from my notebook to him. Nakangiti siya sa akin.

Nahihiya akong tumango. "Oo nga...pasensya ka na. K-Kailangan ko lang kasi talaga. Kaunti kasi nakita ko sa online kaya dito ako naghanap."

He just nodded at me. "I understand. You can bring the book afterwards if you like."

Umiling ako sa kanya. "Hindi na, tapos na rin naman ako."

His brows raised in amusement. "That fast?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Napakamot ako sa batok ko dahil sa reaksyon niya. I actually had my research before I came here. Kakaunti lang rin naman ang kailangan ko sa report at nakuha ko na 'yon ngayon dito sa libro. Thanks to him.

"Oo."

His mouth formed into a circle. "Okay." Bumalik ulit siya sa pag ttype sa laptop niya at bahagyang inayos ang salamin na suot.

Nag aalinlangan akong tumayo sa upuan ko. Should I say goodbye to him? Nakakahiya naman kung basta-basta lang ako aalis. Unconsciously, my eyes went to the time on his laptop. Oh my god!

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at nagmamadaling binalik ang upuan sa ilalim ng mesa. I looked at him again and caught him staring at me.

I bit my lower lip. "I'm sorry," mahina kong sabi. Siguro ay nagtataka siya bakit ako nagmamadali. It's already 5 in the afternoon, tapos hindi pa ako nakakauwi. I'm sure nandoon na si nanay sa bahay.

"May nag aantay sayo?" bigla niyang tanong nang paalis na sana ako. Napatigil ako.

Nilingon ko siya. "H-Huh?" I asked, trying to confirm what he just said. 

He shook his head. "Nevermind. Take care, Satianna."

Naguguluhan akong umalis ng library at mabilis ang lakad na tinungo ang daan pauwi sa bahay. I almost jumped in happiness when I saw that the door was still locked. Ibig sabihin ay wala pa rin si nanay.

Dali-dali kong kinuha ang susi ng bahay sa bulsa ng bag ko at binuksan 'yon. Hawak ko na ang door knob nang marinig ko ang boses ni nanay sa likod.

"Kakauwi mo lang?" tanong niya na may halong inis ang boses. Mariin akong napapikit at dahan-dahan na lumingon sa kinaroroonan niya.

I nervously bit my lower lip before I nodded my head. "Opo, nay. M-May tinapos lang po ako para sa reporting ko bukas," nauutal kong sagot.

Kahit hindi ako tumingin sa kanya ngayon ay ramdam ko ang talim ng titig niya sa akin.

"Hindi ba't sabi ko ay dumiretso ka ng uwi? Nahuli lang ako saglit ay tumatakas ka na naman, Satianna," mariin nitong sabi.

"I-I'm sorry po. May ginawa lang po—"

"Baka naman may boyfriend ka na at nagdate pa kayo bago ka umuwi?" bintang ni nanay sa akin.

Mabilis akong umiling. "Wala po at wala pa po akong balak mag boyfriend," tanggi ko.

Naningkit ang mata niya sa akin, nanantiya kung paniniwalaan ba ako o hindi. "Siguraduhin mo lang dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Kung gusto mong mag aral ay mag aral ka hindi 'yong sasabayan mo ng pag boboyfriend. Gagaya ka pa sa nanay mo na walang naitulong sa akin," sabi nito bago ako nilagpasan at pumasok ng bahay.

Nahugot ko ang hininga ko nang makapasok si nanay sa loob. Sabi ko na nga ba at magagalit siya sa akin kapag hindi ko siya sinunod. Simula nang tumira ako kasama siya ay palagi na lang ako napapagalitan. Lalo na kapag hindi ko siya sinusunod.

Rekindled Hearts (Rekindled Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon