Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig. Crush? Sino naman? Si Ariella ba? Siya ba ang crush ni Gabriel?
Narinig ko ang kaunting hiyawan sa loob nang tumayo si Gabriel at lumapit sa amin. Seryoso ang mukha at masamang tingin ang ipinukol sa kaibigan niya.
"Crush mo oh," asar pa nito kaya nalukot ang mukha ni Gabriel sa inis.
"Stop blabbering your mouth, Jay. Bakit hindi mo 'yan ginamit sa recit kanina?" asik nito.
Jay acted like zipping his mouth and walked away, leaving us to talk. Tension crept between us when no one broke the silence. Kahit ang mga kaklase niya ay ramdam kong nakatingin sa amin dahil tahimik rin at nasa may pintuan pa kami.
Nagulat na lang ako nang marinig kong sumarado 'yon at hawak niya na ang doorknob. Matipid siyang ngumiti sa akin, kamot-kamot ang batok.
"Pagpasensyahan mo na si Jay. Mahilig lang talaga 'yon mang asar. He always do that when someone looks for me," paliwanag nito.
I pressed my lips together and nodded my head. "Ayos lang..." bumaba ang tingin ko sa hawak kong papel at inabot 'yon sa kanya. "Activity ko nga pala, nakalimutan kasi isabay ni Ariella kanina," dagdag ko at lumingon sa kaibigan ko na nag cecellphone sa gilid.
Sinilip niya ang papel sa kamay ko at napalabi.
"I'm sorry, Satianna pero nalagay ko na kasi doon sa table ni Sir 'yong mga activity niyo."
Nanlaki ang mata ko. "H-Ha? Paano kaya 'to?" kinakabahan kong tanong. Ayaw ko magkaroon ng incomplete please lang!
Saglit siyang nag isip bago nagsalita ulit. "Uh...sige isasabay ko na lang mamaya. Meron din siyang pinagawa sa amin kaya pupunta ulit ako sa faculty," sagot nito at kinuha ang papel sa kamay ko.
Nag aalangan kong binigay 'yon. "Sigurado ka ba? B-Baka pwedeng ako na lang ang maglagay?"
Umiling siya sa akin. "No, it's fine."
I smiled at him. "Sige, thank you."
He just nodded his head as an answer and turned his back on me as he entered their room. Nilingon ko si Ariella na ngayon ay nakahalukipkip na sa akin.
"Tara na," aya ko sa kanya at nagsimulang maglakad.
"Narinig ko 'yon," saad nito. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Ang alin?"
She grinned at me. "Crush ka daw ni Santiago!" may himig ng pang aasar sa boses nito.
"Sira! Wala lang daw 'yon, inaasar lang daw siya ng kaibigan niya. Masyado ka naman assuming!" depensa ko. Well, 'yon naman talaga ang sabi ni Gabriel at sa tingin ko naman ay nagsasabi siya ng totoo.
"Sus! Baka ikaw ang may crush ah?" gatong pa niya.
Ngumiwi ako. Wala pa sa isip ko ang ganong bagay dahil focus lang ako sa pag aaral. Kung meron man akong crush ay si Luffy 'yon at wala nang iba!
Hanggang sa makababa kami sa first floor ay hindi ako tinigilan asarin ni Ariella. Ayaw niya talaga maniwala na hindi totoo 'yong narinig niya kanina.
"Paano kung manligaw?" tanong niya nang makalabas kami ng gate. Ayaw niya pa rin ako tantanan.
"Basted," maikli kong sagot.
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Bakit?! Sa pogi at talino no'n ayaw mo pa?"
Umiling ako sa kanya. "Alam mo naman bawal pa ako mag boyfriend, Ari. Parang hindi mo naman kilala si nanay."
She rolled her eyes at me. "You're already 18 for godsake."
BINABASA MO ANG
Rekindled Hearts (Rekindled Series #1)
RomanceI don't believe in love. After what happened to my parents, I always told myself that love was nothing but a pain hiding behind the facade of happiness. It would only bring us harm and shatter our hearts into pieces eventually. However, that belief...