Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad sa kwarto ko. I just finished my assignment and now I'm overthinking again. After what happened earlier, I was expecting that he'll report us to the guidance office. Pero hindi niya ginawa 'yon. He just turned his back at me and walked away as if nothing happened. Paano kung may kapalit?
Napatigil ako sa pag iisip nang tumunog ang cellphone ko na nasa kama. Umupo ako at kinuha 'yon para tingnan kung sino ang nag message. Si Ariella lang pala.
Ariella:
Hoy! Siguraduhin mo 'di talaga tayo i-susumbong ni Pres. Lagot ako kay mama neto.Natawa ako nang mabasa 'yon. May naisip akong kalokohan kaya nagtipa ako ng i-rereply sa kanya.
Ako:
Ikaw lang daw i-susumbong niya. Bukas pumunta ka raw sa guidance.Mabilis pa sa alas kwatro na dumating ang reply niya sa akin. Sigurado akong nanginginig na 'yon sa kaba ngayon.
Ariella:
Hayop ka talaga. 'Di ko alam kung bakit kita naging kaibigan.I laughed on her message and scrolled on my inbox to message Katrina. Hindi na lang kasi kami tumuloy kanina dahil nga nahuli kami. Ang kapal naman ng mukha namin kung aalis pa kami, mismong president na nga nakakita.
Ako:
Kat, ba't absent ka kanina? May sakit ka ba?She's not online but, I still sent my chat. For sure ay mababasa niya naman 'yon. Itinabi ko na ang cellphone ko at tinuon ang pansin sa laptop.
Kailangan kong gawin ang reporting ni Ariella para bukas. Kung hindi ay baka kalimutan na niyang kaibigan niya pa ako. Alam ko rin naman hindi talaga siya gumawa kasi nga nakapangako na ako.
I yawned as I was already on the last slide of the PowerPoint. Ginawan ko na rin siya ng script para sa sasabihin niya kaya natagalan ako.
Napalingon ako sa pinto ng kwarto nang marinig kong may kumatok doon. It was already 9 in the evening. Huwag mong sabihin na gising pa rin si nanay?
Tatayo na sana ako para buksan 'yon pero naunahan na ako ni nanay. Nakataas ang kilay nitong tumingin sa akin at sa laptop na hawak ko.
"Nay...g-gising pa po kayo?"
Malamang! Hindi ba obvious, Satianna?
"Anong oras na, Satie? Hindi ka pa rin natutulog? Bukas ay malalate ka na naman ng gising," sunod-sunod nitong sabi.
Umiling ako sa kanya. "May ginagawa lang po ako na para sa reporting bukas, nay. Huwag po kayo mag-alala matutulog na rin ako pagkatapos," sagot ko.
She stared at me with sharp eyes, doubt was visible on it. Iniisip niya na naman siguro na magpupuyat na naman ako. Hindi na siya sumagot at sinarado ang pinto ng kwarto. Buti na lang dahil sigurado akong mas lalo pang hahaba ang usapan namin at matutulog na naman akong masama ang loob.
I let out a sigh. This is just some of the moment I hate when I'm with my grandma. Palagi niya na lang napapansin ang lahat ng ginagawa ko. It's probably because I wasn't really planned in the first place.
They said I was just accidentally made and I was the reason why my mother wasn't able to go to college. Dahil maaga siyang nabuntis ay wala na siyang pagkakataon para mag-aral ulit. Kaya rin siguro galit si nanay kay Papa kapag pumupunta sila dito.
BINABASA MO ANG
Rekindled Hearts (Rekindled Series #1)
RomanceI don't believe in love. After what happened to my parents, I always told myself that love was nothing but a pain hiding behind the facade of happiness. It would only bring us harm and shatter our hearts into pieces eventually. However, that belief...