Maaga akong nagising kahit wala kaming pasok ngayon. Napag usapan kasi namin ni Ariella kagabi na pupuntahan namin si Kat sa ospital.
Nakapag-paalam na rin naman ako kay nanay at pumayag siya. Basta huwag lang raw ako hahapunin ng uwi.
"Nasaan ka na?" tanong ko kay Ari sa tawag. Kanina pa kasi ako nandito sa harap ng St. Patrick Hospital at inaantay siya.
"Malapit na, promise!" sagot nito mula sa kabilang linya. Naririnig ko ang tunog ng jeep sa tawag namin kaya sigurado akong nasa byahe pa rin siya.
I ended the call and patiently waited for her outside. Pinapagpapawisan na ako dito sa init sa sobrang tagal niya. I am wearing a jacket that's why. Lamigin kasi ako lalo na kapag may aircon kaya nagdala ako.
Halos thirty minutes siguro akong nag antay sa kanya pa bago siya dumating. Todo simangot ako nang makababa siya sa tricycle.
"Wow ah. Sino ba nagsabi na 8 am dapat nandito na? 9 am na oh!" asik ko sa kanya.
Napakamot siya sa ulo niya. "Sorry na, teh. Si mama kasi pinag antay pa ako. Paano sasabay daw siya paalis."
I rolled my eyes at her. Neknek niya! Alam ko naman ginagamit niya lang si tita para pagtakpan na talagang late siya.
Kahit gusto ko pa siyang awayin ay hindi na ako nag abala pa. Nagmamadali na lang kaming pumasok sa loob at tinanong kung anong room si Katrina.
"Room 403 po, ma'am. Remind ko lang po kayo na 2 hours lang po ang visitation hours namin. "
We nodded our head. "Okay, thank you po."
Madali lang namin nahanap ang room ni Katrina dahil meron naman mga room number sa labas. Saka malapit lang 'yong sa kanya sa elevator.
I held the doorknob and was about to open the door when I heard a man's voice inside. Akala ko si tito lang 'yon kaya binuksan ko ng kaunti ang pinto pero nagulat ako nang makita kung sino ang nasa loob.
Nabitawan ko ang doorknob at napaatras ako sa kinatatayuan ko. Napalingon ako kay Ari nang tapikin niya ako sa balikat.
"Bakit? Anong meron?" mahina niyang tanong sa akin, confusion was written on her face.
"Meron pang tao sa loob," sagot ko pero umangat ang kilay niya sa akin.
"Ano naman? Multo ba tayo?" angil nito at sinubukan pumasok
"No! But...mamaya na lang tayo pumasok," sabi ko. Balak pa nitong tumingin sa loob pero hinila ko siya sa braso para pigilan.
Pinanlakihan niya ako ng mata. "What are you doing? Bitawan mo ako," utos niya sa akin.
I shook my head. "Hindi pa tayo pwedeng pumasok!" mahina pero gigil kong sabi sa kanya. Kahit kelan talaga ang tigas ng ulo ng babaeng to.
"Why?! Ano bang nakita mo do'n?" naiinis niyang tanong.
I took a deep breath and met her gaze. "Si Sir Anton."
"What?!" gulat niyang sabi. "Y-You mean...'yong daddy ni Lia? Sigurado ka ba?"
Tumango ako. Sigurado ako sa nakita ko. It was him!
"Oh my god..." mahinang usal ni Ari at nagsimulang magpabalik-balik sa hallway.
Kahit ako rin ay nagulat ako nang makita ko siya doon sa loob. What is he doing here? Ano ba talaga ang meron sa kanilang dalawa?
Maya-maya pa ay nakita naming bumukas ang pinto sa kwarto ni Kat kaya tumalikod kami ni Ariella at nagkunwaring naglalakad, pero mabagal lang.
BINABASA MO ANG
Rekindled Hearts (Rekindled Series #1)
RomanceI don't believe in love. After what happened to my parents, I always told myself that love was nothing but a pain hiding behind the facade of happiness. It would only bring us harm and shatter our hearts into pieces eventually. However, that belief...