Tahimik kaming dalawa ni Ariella habang pinagmamasdan naming umiyak si Katrina. After the scene in the cafeteria, we went straight to the bench under the trees, just a few walks away from our room.
Madaming bench dito sa ground kaya lang ay kakaunti lang rin ang tumatambay dahil mas gusto nila sa library. Pero ako mas gusto ko dito dahil mahangin at hindi gano'n kainit kasi may mga puno naman.
"What the hell is happening, Katrina? Ano 'yong sinasabi ni Lia?" sunod-sunod na tanong ni Ari, hindi na nakapagpigil.
I'm curious too. Bakit naman magkasama ang daddy ni Lia at si Katrina? What connection do they possibly have? Meron akong naiisip pero ayaw kong isipin na tama ako.
Umupo ako sa tabi ni Kat at marahang pinisil ang kamay niya na nangangatal. Umangat siya ng tingin sa akin, may luha pa rin ang mga mata.
"Kat, alam mo naman na nandito kami palagi 'di ba? We won't judge you. Kaya please, just tell us what's happening. Kasi hindi na ikaw 'yong kaibigan na nakilala namin."
She shook her head and loosened her hand from mine. "Hindi niyo ako maiintindihan. I'm sure you'll judge me when you learned the truth."
Gumuhit ang inis sa mukha ni Ariella at tumayo. "Bakit? Are you her father's mistress?"
"Ariella!" saway ko pero hindi niya ako pinansin.
"Kaya ba kayo nakitang magkasamang dalawa?" dagdag pa nito.
Dahil sa sinabi niyang 'yon ay tumigil sa pag iyak si Katrina at hindi makapaniwalang tumingin sa amin. "Ganyan ba talaga ang tingin niyo sa akin? You really think I would stoop that low?" asik niya.
Mabilis akong umiling. "Of course not. Kaya nga tinatanong namin-"
"No! Ariella just said it! You guys think I'm a mistress? Bakit? Malandi ba ako sa paningin niyo kaya naisip niyo 'yon?"
She stood up as tears started falling out of her eyes again. Nakatingin lang ako sa kanya habang si Ari naman ay nagmamatigas pa rin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para mabawasan ang tensyon sa aming tatlo.
"Katrina, please. Huminahon ka muna. Clueless lang talaga kami kaya hindi na namin alam kung ano ba ang dapat namin paniwalaan," sabi ko.
"I am your friend, Satie," dismayadong sagot niya sa akin. "Kaibigan niyo ako tas ganyan niyo ako pag isipan? See? Hindi ko pa sinasabi sa inyo ang totoo ay hinuhusgahan niyo na ako," dagdag nito at nagsimulang naglakad palayo sa amin.
I tried to stopped her but Ariella held my hand. Pinanlakihan ko siya ng mata pero umiling lang siya sa akin, medyo kalmado na. "Hayaan na lang muna natin siya."
"Bakit mo naman kasi sinabi 'yon?" naiinis kong tanong sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "What? I'm just asking! Hula ko lang naman 'yon dahil sa sinabi ni Lia kanina."
I scoffed at her. "Kahit na! She's our friend, you should be mindful of what you're about to say."
"Psh. Whatever, Satie." She rolled her eyes and walked away. I took a deep breath, calming myself from what just happened. Kung hindi ko lang sila kaibigan ay matagal nang naubos ang pasensya ko sa kanilang dalawa.
Pagkatapos ng lunch break namin ay bumalik na ako sa room. Naabutan ko doon si Ariella na nakabusangot habang hawak ang cellphone niya. She didn't even bother to look at me.
Bahagya kong ginalaw ang upuan ko at kunwaring inayos 'yon para pansinin niya ako. Akala ko ay galit na rin siya sa akin pero nang mag-angat siya ng tingin at pinansin ako ay nakahinga ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
Rekindled Hearts (Rekindled Series #1)
RomanceI don't believe in love. After what happened to my parents, I always told myself that love was nothing but a pain hiding behind the facade of happiness. It would only bring us harm and shatter our hearts into pieces eventually. However, that belief...