10 | DESPERATE |

13 3 0
                                    


Rosella Dimitrea


ANG daming nangyari bago ako nakarating sa bahay ng babaeng 'to. Kung hindi lang sa pagpupumilit ni Kuya ay hindi ako magsasayang ng pagod na puntahan 'tong si Teyl dahil tingnan mo naman, habang nakatayo ako at nagtatago sa halaman medyo malayo sa mansion nilang tinitirhan ng asawa n'ya ay tanaw kong mukhang ayos naman s'ya. Ang laki laki ng ngiti n'yang nakikipaglandian sa asawa n'ya. I rolled my eyes as I saw her wearing just a big t-shirt na siguradong galing pa sa asawa n'ya.

I don't quite understand people about being happily married?

I'm sure years have passed, they will file a divorce, and talk sh-t at each other na parang wala silang pinagsamahan ng ilang taon.

Marriage sucks.

Isinantabi ko ang nararamdaman kong irita sa dati kong kaibigan ng makitang papalabas s'ya ng bahay nila. May dala dala siyang itim na plastic, looks like she is going to throw a trash.

Hinithit ko nang malalim ang sigarilyo ko saka tinapon at inapakan iyon. Sinusundan lang ng mga mata ko ang papalabas na si Xirah. Kumukuha lang ako ng t'yempo upang makausap s'ya. Hanggang sa marating n'ya sa 'di kalayuan sa bahay nila ang kanilang basurahan.

But I notice something...

She is trying her hard to walk as properly as she can. Mukhang nananakit pa ang mga hita niya sa 'di ko malamang dahilan.

"Anong nangyari sa 'yo? Ba't gan'yan ka maglakad?" I blurted out 'cause I can't stand what I'm seeing right now.

She looks f--king messed up.

Nakita kong nagulat s'ya sa presensya ko. Ihahampas na sana niya ang plastic bag na basura sa gawi ko ngunit naudlot 'yun nang mapagtanto niyang isang pamilyar ang boses ko.

Nakita n'ya na rin ako sa kalayuan kaya ngumiti s'ya na parang nakakaloko. Ibinaling n'ya na rin ang atensyon n'ya sa kalayuan na para bang pino-proteksyonan n'ya ako dahil baka may makakita sa akin.

Well I don't mind if her horrible husband saw me.

"Nothing," sagot niya sa tanong ko.

"Anong 'nothing'? Nakikita mo ba ang sarili mo? Parang nabalian ka ng binti kung maglakad."

Sumalubong ang kilay ko ng kinutingting niya ang tainga niya na parang bata. "Friend, dumaan ka ba para sermunan ako?"

"Dumaan ako para tingnan kung buhay ka pa." Naiinis na wika ko.

"Well, I am alive and happy," she answered and walked normally in my direction when a car passed by.

"Halata nga. Sana 'di na lang ako bumisita," utas ko. She is making a playful face so that I get irritated at her. Pero alam kong alam niyang expression ko lang 'yun. She knows I am really worried about her. "Kumusta ka?" Mahinahong tanong ko kay Xirah.

Tumabi lang s'ya medyo malapit sa pwesto ko, pero hindi pa rin s'ya tumitingin sa gawi ko.

She then sighed before answering my question. "Ito, masaya naman sa buhay may asawa."

"Siguraduhin mo lang na hindi ka sinasaktan ng gago mong asawa."

"Shh... don't swear at my husband. Ahm, yeah, sinasaktan niya ako but, alam mo na..."

"Anong alam ko na?"

"'Yong sakitang mag-asawa."

Is she serious? "Anong sakitang mag-asawa? Binubugbog ka ba niya? Did he break your leg? Papatayin ko talaga ang ungas na 'yon 'pag sinaktan ka!"

Tangled in The Flames of Vengeance (Chronos Union Series 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon