Halos manghina ang tuhod ko nang lumabas ako sa clinic na pinuntahan ko. Hindi ko inaasahan ang magiging resulta ng mga examination na ginawa sa akin ng doktor—at hanggang ngayon, parang lumulutang ang talampakan ko sa hangin. Nag-iisip ako ng malalim. Lalo pa akong nabigla nang salubungin ako ng anak ko, pawisan at aligaga.
"Dad! Anong sabi ng resulta? May sakit ka ba? Malala na? Ayoko pang mawalan ng Daddy! Whaaa—" nagsimula na siyang mataranta na hindi maintindihan. Hanggang ngayon, isip-bata pa rin siya.
Tumaas ang presyon ko sa kanya. Huminga ako ng malalim, "Sinundan mo pa talaga ako dito. Hindi ba may klase ka? Huwag mong sabihin na nag-cutting class ka." sermon ko sa kanya. Napakamot siya sa buhok niya.
"May meeting ang mga professor kaya maaga na akong nag-out. Tinanong ko si Ate Monica kung nasaan ka, kaya pumunta ako dito." Ngumiti siya habang naniningkit ang mata. Ugh, pasaway. Ilang beses na niyang dinahilan ang meeting sa school.
Lumapit siya sa akin na para bang sinusuri, "Dad, ako naman magtatanong? Anong bang ginagawa mo dito sa hospital—ackk, Dad!" agad ko siyang hinampas ng magazine na hawak ko.
"Umuwi ka na."
"Dad naman—" hahampasin ko pa sana siya kaso sumalag na siya, "Sabihin mo muna, Dad—aray, huhu." Pinandilatan niya ako ng mata habang hinihimas ang ulo, "Dad naman. Sabihin mo muna—ack!" pinaghahampas ko pa sya, "Eto na nga eh, uuwi na. Sungit-sungit mong tanda ka na. Hintayin mo lang na lumaki ako, babawi ako—ackkk!" Sinipa ko pa siya bago makalayo sa harapan ko.
Nailing na lang ako habang nakahawak sa sentido.
"Pambihira—"
"Dad, gagamitin ko ba kotse mo o bibigyan mo 'ko ng pamasahe?" Sa bwisit ko, binato ko na sa kanya ang wallet ko para manahimik. Tumama 'yon sa mukha niya. Imbis na umaray, nakangiti na siyang umalis sa paningin ko. Hindi ko alam kung istrikto talaga ako o talagang matigas lang ang ulo ng anak ko. Hindi ko na siya makontrol.
Dumiretso agad ako sa parking lot at pumasok sa kotse ko.
Kailangan ko ng tahimik na paligid na para bang gusto kong magliwaliw. Ang gulo ng isip ko ngayon, lalo akong nai-stress kapag naalala ang sinabi ng doktor sa akin.
Ilang saglit na pag-iisip, binuksan ko ang cellphone ko at namili ng video na pwedeng panoorin. Tinted naman ang kotse ko kaya walang magiging problema. Huminga ako ng malalim, kasunod noon ang malakas na kabog ng dibdib ko habang nanonood ng porn.
Binuksan ko ang zipper ng pantalon ko at saka ibinaba ang garter ng brief hanggang tuhod. Tahimik akong naglaro habang nanonood sa cellphone ko.
"Concentrate..." bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto pa ang nakalipas, hindi ko na napigilan ang sarili ko na hampasin ang manibela ng kotse sa inis.
"Arggh! Asar..." Hindi pa rin ako ginaganahan. Hinampas ko na lang ang ulo ko sa manibela habang bumubulong sa sarili, "Tangina, wala na ba talaga akong silbi?"
IMalalim na bugtong hininga sabay subsob ng muka sa manibela. Hindi ko akalaing aabot ako sa punto na wala nang silbe tong alaga ko.
Paano na ako?
BINABASA MO ANG
Daddy Issue 2: Steven Vasques #boyxboy #tagalog
General FictionPaalala sa mga Mambabasa: Ang librong ito ay naglalaman ng mga temang at nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay isang SPG (Strict Parental Guidance) na nobela na nagtatampok ng mature na nilalaman, kabilang ang malalim...