Kabanata 32

231 4 0
                                    

Monica's POV

"Pamilyar ang lugar na ito," sambit ni Romeo habang nasa tapat kami ng isang clinic sa lumang hospital.

"Kung hindi ako nagkakamali, clinic ito ni Wilbert. ilang taon na ang nakakalipas mula nang makauwi siya galing State."

Napabutong hininga si Romeo. "Nagdududa pa rin ako. Gaya ng sabi mo dati, narecover ang drugs sa bahay niya. More or less, toxicated siya habang nire-record ang video na iyon." May punto naman si Romeo dahil ang background ng video na napanood namin ay bahay ni Wendel noon.

Nangiti ako. "May tiwala ako kay Wendel. Hindi niya tayo ipapahamak. Kahit noong mga bata pa kami, hindi niya intensyon na mang-pahamak ng iba."

"Sana nga. Pero kung mangyari man ang kinatatakutan mo, kailangan nating maging handa." Napagulat ako nang may kinuha siya sa likod niya at iniabot sa akin, "Hawakan mo ito—"

Napalingon agad ako sa kanya, nakangiti pa siya sabay lagay ng magazine. "Baril 'to ah—bakit ka may dalang ganito? Delikado 'to," tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

"Isa lang naman ito sa mga perks ng pagkakaroon ng maraming koneksyon," masaya niyang sagot sabay karga ng baril. Ang second crushie ko, medyo nakakatakot huhu. "Oh come on. Huwag mo akong tignan ng ganyan. Baka mainlove ako sa'yo."

"Romeo Delarama..." Nakapoker face pa rin ako sa kanya. Ngayon pa niya talaga naisipang lumandi.

Nagpout siya sa akin. "Huwag ka magpanggap diyan. Hindi ba VIP member ka ng Target Shooting range sa Manila? May kasama kang lalaki doon diba? Nakita kita doon na panay baril ka pa, wala namang tumatama," sabay hagikgik niya.

"Gosh, pati ba naman iyon alam mo? Libangan ko lang iyon." Nyemas, nakakahiya! Nakita niya pala iyon. "Mukhang wala na akong choice. Siguraduhin mo lang na licensed 'tong baril na hawak ko kundi tapos ka sa'kin." Pagkatapos ko sabihin iyon, nag-thumbs up siya sa akin.

Maya-maya, nakarinig kami ng kaluskos. Agad kaming nagtago, saka ko kinasa ang baril ko.

"Shh.. Mauuna akong pumasok." Mahina niyang sambit. Tumango lang ako.

Nang makalapit siya sa pinto, marahan niyang binuksan iyon. Sumunod ako. Ang nadatnan namin ay makalat na gamit at maraming basag na vase. Ang lugar, parang nangyari lang kanina. Hindi maalikabok para sa isang clinic na nasa lumang gusali ng hospital na ito.

Inikot namin ang buong kwarto. Walang ibang pinto gaya ng sinasabi ni Wendel.

"Simpleng kwarto lang 'to. Mali ata tayo ng napuntahan—"

"May daan dito papuntang Red Room. Kailangan lang nating hanapin. Mag-ingat tayo," seryosong sambit ni Romeo sabay pahid ng daliri sa desk.

Napansin niya rin ang naramdaman ko. May nakita akong picture frame sa desk. Pagkakahawak ko, biglang dumulas iyon pahiga. May narinig kaming kakaibang tunog, latinding langitngit.

"Ano, nagalaw mo?" tanong ni Romeo. Gosh, kaba ko nag-uumapaw!

"Nababa kong picture frame—" Ilang saglit lang, gumalaw ng kusa ang bookshelf. Ilang saglit, pulang pinto ang bumungad sa amin.

Totoo pala ito. Ganitong eksena napapanood ko lang sa Netflix. Nakakabigla.

Unatras ako palayo at saka hinawakan ng mahigpit ang baril ko. Iyon na siguro ang tinutukoy ni Wendel na Red Room. Kung saan siya kinulong ni Wilbert.

"Mas malala pa ito kaysa sa inaasahan ko," sambit ni Romeo nang mabuksan niya ang pinto. Bumungad sa amin ang pulang liwanag sa bawat kwarto.

Nang sumilip kami sa pinto, tanaw namin ang mga taong nakagapos, puno ng piercing sa katawan habang may suot na maskara. Ang nakakakasulasok, kanya-kanya silang pwesto kung paano titikman ang isa't isa. Na para bang walang pakielam sa paligid.

Daddy Issue 2: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon