Allen's POV
"Parang ayaw kitang papasukin sa school," sambit ni Dad habang nakahawak ng mariin sa manibela.
Kung kailan pa nandito na ako sa school saka niya sasabihin iyon? Pambihira.
Kumunot ang noo ko. "Dad, hindi pwede iyon. Hindi na ako nakapagtake ng examination. Ayoko pang bumagsak lalo ang grade ko, o worst, mapilitan ako mag-drop," paliwanag ko.
Napabugtong hininga si Dad. "May magagawa pa ba ako? Natatakot lang ako na—" Bago pa niya ituloy...
Kinuha ko kamay ni Dad. "Don't worry, Dad. After ng school, sunduin mo nalang ako? Ayos ba?" sabay halik ko sa kamay niya na nagbigay sa kanya ng ngiti.
"Sige na, pumasok ka na," tinapik niya ang buhok ko.
"I love you, Dad." Matapos kong magpaalam, binigyan niya ako ng peck on the lips.
"Mag-iingat ka," paalala niya habang bumaba ako ng kotse at nagpaalam.
Hindi na ako nag-isip ng kung anu-ano matapos ang nangyari kagabi. Ayoko na magtanim ng sama ng loob. Paano ko matutulungan si Dad kung may sama ng loob ako sa kanya?
Sana lang talaga maayos na ang sitwasyon naming dalawa, para din sa ikakatahimik namin.
Kumaway ako kay Dad sa huling pagkakataon bago siya humarurot palayo.
Ngayon, kailangan ko nang bumalik sa reyalidad.
Habang papasok ako sa school, pakiramdam ko may kakaiba sa paligid ko. Ang tingin ng mga schoolmate ko—ang lagkit. Para silang mga bubuyog, nakakarindi na hindi maintindihan. Plano ko sanang tawagan ang mga classmate ko pero nalimutan ko pa sa bahay ang phone ko.
Lalo pang nadagdag ang mga bulungan nang dumaan ako sa harap ng grupo ng mga babaeng estudyante na magkakasama. Ang tingin nila sa akin—diri-diri.
"Gosh, pumasok pa siya."
"Nakakahiya ang ginawa niya. Ang gwapo pa naman niya, sa gwapo din pala napatol."
"And ang catch, sa kamag-anak niya nakipagrelasyon. Eww. Incest to the next level."
"Hays, crush ko pa naman siya since first year. Sayang naman."
Alam kong ako ang pinagbubulungan nila. Ang nakakainis lang, wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Kakausapin ko sana sila nang may lumapit na classmate para sawayin ang grupo nila.
"Hoy, tumigil na kayo sa kakadaldal ninyo at bumalik na kayo sa room ninyo," sigaw ng isang classmate. Siya 'yung isa kong kasama sa overnight, 'yung tahimik.
Kahit papaano, lumayo naman sila sa akin habang patuloy pa rin sa usapan. Nagtaka ako nang bigyan niya ako ng matalim na tingin. "Sa reaksyon mo, mukhang wala kang alam sa mga nangyayari," sabi niya. Naguluhan ako. "Sumunod ka sa akin."
Hinila niya ang kamay ko papunta sa corridor kung saan wala masyadong tao na nagdadaan.
"A-ano bang meron?" tanong ko. May dinukot siya sa bulsa at saka inabot ang cellphone. Natigilan ako nang makita ko 'yung picture, "Imposible..." sambit ko. Makasama kami ni Dad sa litrato, nakaupo sa isang bar lounge.
Hindi ako makapag-react, naguguluhan ako. Paano nila kami nakunan ng litrato?
Pagkaswipe ko sa susunod na picture, hindi ko maiwasang matakot sa nakita ko. Kaming dalawa ni Dad—nagkahalikan, pati sa kotse.
"Hindi lang 'yan, may video pa—"
Ninenerbyos ako sa takot. "Paano..."
"May nag-post nito sa secret files sa student forum kaninang umaga, masyadong mabilis kumalat. Kahit deleted na ang account, napanood na iyon ng mga estudyante."
BINABASA MO ANG
Daddy Issue 2: Steven Vasques #boyxboy #tagalog
Ficción GeneralPaalala sa mga Mambabasa: Ang librong ito ay naglalaman ng mga temang at nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay isang SPG (Strict Parental Guidance) na nobela na nagtatampok ng mature na nilalaman, kabilang ang malalim...