Kabanata 30

216 4 0
                                    

ISKO POV

Flashback

Matapos ang usapan namin ni Wendel, hindi na siya muli nagparamdam. Hindi ko na rin siya nakikita sa school, kahit sa classroom niya. Kinausap ko rin si Monica tungkol sa kanya pero wala rin siyang maayos na sagot sa akin.

Gusto ko siyang kausapin ng masinsinan, na kaming dalawa lang. Para malinaw ang pagitan naming dalawa at matahimik na ang isipan ko sa kakaisip sa kanya. Lalong nadagdagan ito nang may problemang dumating sa akin.

Pauwi na sana ako sa apartment ko mula sa school nang nakapanood ako ng balita sa TV. Nalaman ko na nasunog ang bahay ng mga tiyuhin ko at mga pamilya nila. Kasama silang natupok sa bahay. Nang puntahan ko ang lugar nila, wala nang natira ni isa.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Habang nakatingin sa mga labi nilang dumaan sa harapan ko, nakaramdam na naman ako ng lungkot.

Oo, hindi naging maayos ang pakikitungo nila sa akin— pero hindi ko naman sila ganoon kinamumuhian. Nagpapasalamat pa rin ako na nandiyan sila para patirahin ako sa bahay nila.

Huminga na lang ako ng malalim at napahawak sa sentido. Nakaupo habang pinagmamasdan ang kanilang labi na magkakasama.

Nabigla ako nang tapikin ako sa balikat, "Steven, umalis na si Monica. Sabi niya babalik siya agad para mag-asikaso dito," sambit ng girlfriend ko. Yumuko lang ako, "Mabuti na lang nandito ka, kaibigan mo para tulungan ka—"

"S-salamat— sa lahat," sambit ko sa girlfriend ko.

Rinig ko ang buntong hininga niya, "Paano na iyan? Sabi mo kanina wala ka nang natirang kamag-anak dito sa Maynila maliban sa kanila."

"Wag ka mag-alala. A-ayos lang— ako..." pinilit kong ngumiti— anumang oras sasabog na ako sa harapan niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako nginitian, "Ganito na lang. Kakausapin ko si Mama kung pwede kang dumalaw ng madalas sa bahay. Panigurado matutuwa iyon sayo. Naalala mo ba nang nangigil siya sayo kasi gwapong gwapo siya sa iyo?"

Kumaway ako sa harapan niya, "No— hindi ako pwedeng palaging tumambay sa inyo. Baka masanay ako—"

"Maiintindihan ni Mom iyon since kilala ka na rin naman niya. Mas may tiwala siya sa iyo kumpara sa ibang nanliligaw sa akin dati," sambit niya. Kahit papaano, gumaan ang loob ko. "Wag ka mag-alala, kahit nangigil na ako sa iyo, wala akong gagawing kahalayan, promise hehehe," habang sinasambit niya iyon, matamis na ngiti ang binibigay niya sa akin.

Niyakap ko siya ng mahigpit at saka ako bumulong, "Mahal na mahal kita."

"Ano ba 'yan, ang cute talaga ng Baby Steven ko hehe."

Sa kabilang banda ng isipan ko, may ibang tao akong naiisip, inaasahan na makita ngayon. Nagsisimula nang magpatong-patong ang kuryusidad ko.

Kahit papaano, may naiwan sa akin ari-arian ng mga kamag-anak ko. Ako na lang kasi ang nag-iisang kamag-anak nila dito. Ang iniwan nila sa akin— nilaan ko para sa burol nila at sa iba pang gastusin; ang kalahati tinago ko para sa mga panggastos ko sa school at para sa aming dalawa.

Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-aaral sa kolehiyo bilang 1st year habang may part-time job. Kahit papaano, natutustusan ko ang mga pangangailangan ko nang walang tulong sa perang naiwan sa akin ng mga kamag-anak ko. Naging tahimik ang paligid ko, hindi rin nagtagal— may bagong dumating sa buhay ko.

Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, may biyaya na dumating sa amin ng girlfriend ko— parehas kaming naging masaya sa resulta. Hindi inaasahan pero para sa amin— anghel ang dumating sa buhay namin. Nang malaman ng pamilya ng girlfriend ko na buntis siya, iyon din ang dahilan kung bakit siya itinakwil ng kanyang ama na para bang siya ang pinakawalang kwentang babae sa buong mundo.

Daddy Issue 2: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon