CHAPTER 5

21 0 2
                                    

FIENA SAREM TOMAS'S POV

Nagpaalam na 'ko sa player of the match na si Andrezj Bartos, the captain and outside hitter of Poland team.

Habang naglalakad papuntang restroom ay nakasalubong ko si Kai na palabas.

Halatang halata ang pamumula ng mga mata nito.

"Come here" I motioned him to walk towards me and he did.

I pulled him into a tight hug, "You did so great today Kai, you and your team did your best." I comforted him.

Naramdaman ko ang pamamasa ng aking balikat.

Tahimak kong hinihimas ang kanyang likod, "Shush now, you still have an awarding ceremony to attend to" Natawa naman ito sa sinabi ko.

"Thank you for supporting me and the team, Fienna-san" Nag bow muna ito sa'kin bago naglakad papunta sa kanilang dressing room.

Habang ako naman ay nagpunta na sa restroom para mag retouch ng make up.

After the interview with the player of the game I still have one more special interview.

I promised him that, and I will fulfill it.

Agad na lumabas naman ako at inabangan ang awarding ceremony.

Maraming tao pa rin ang nandito upang masaksihan ang parangal na matatanggap ng mga players.

"With an outstanding performance this VNL season I present this award to the players who strived to get on the top of their game, let's start the awarding, shall we?" Nag sigawan ang mga tao matapos ang magsalita ng isa sa mga director ng VNL.

Nakatuon lamang ang tingin ko kay Kai na nakaupo at nakayuko ngayon, gusto kong lumapit sakanya pero hindi pwede.

Hindi naman ako player o kung ano man para pumasoks a court, ayos na sa'kin ang nandito ako sa sidelines.

"Best libero of the season is from.... Japan Chimon Okuma!" Pinalakpakan sya na mga tao.

Nakakatuwang tingnan kung paano nila suportahan ang isa't isa. An achievement from one of the player is an achievement for the team.

"Best opposite hitter, from USA Andrew Anderson!" Napatayo ako at malakas na sumigaw.

Fan na fan ako ni Andrew, matagal na.

Panay ang kuha ko sakanya ng picture habang tinatanggap nya ang award, hindi ko kasi ito nakita kanina kaya naman wala akong time para makapag papicture sakanya.

"And for our best outside hitter, from team Japan Kaiza Hayashi!" Halos dumagundong ang buong arena sa lakas ng sigawan nila.

Pero wala doon ang pansin ko kung hindi kay Kai na nakangiting tinanggap ang award nya.

Parang may hinahanap pa ang mga mata nito.

"Kaiza!" Malakas na sigaw ko mula sa sidelines.

Ngumiti naman ito ng magtama na ang aming tingin.

Di ko tuloy mapigilan na kiligin, syempre naman kung may gwapong ngingiti sayo di ka ba kikiligin?

"Best blocker goes to the one and only...Pionek!" Ang tangkad naman ni kuya.

No wonder sya ang best middle blocker, sya ang nagdala ng championship point ng Poland eh.

Well deserve.

"And for this seasons MVP... we have seen the best of the best performance of this guy a million times. Still, we seem to never have bore out of his performance. The MVP, Andrezj Bartos!"

ON THE SIDELINESWhere stories live. Discover now