FIENNA SAREM TOMAS'S POV
Since it's off season I don't have a lot of work to do.
Normally, I would juts lay on my sofa all day and rewatch some of my favorite vollyball matches.
I looked at my phone when it beeped, now who's texting me at this hour?
FROM: CUTIE KAI
Miss Fienna, are you free next weekend?
Kumunot ang noo ko sa tanong nya, why would he ask that question?
I am free next weekend since off season nga.
TO: CUTIE KAI
I am
I replied shortly, hindi ako mahilig makipag text. Kaya kung titingnan mo ang chat box namin ni Kai, wala 'yong laman.
FROM: CUTIE KAI
Japan V-league is starting next week, I'm going to play on the first day. I just want to ask if you want to come?
Napaisip naman ako sa sinabi nya, hindi na rin masama dahil wala na rin naman akong ginagawa dito.
Makapag paalam nalang muna kay mama.
TO: CUTIE KAI
We'll see next week.
Pinatay ko na ang cellphone at nagsimulang mag scroll sa social media.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para bumisita ngayon kina mama, at para na rin magpaalam.
Syempre, kahit na matanda na 'ko ay kailangan ko paring mag paalam.
Ika nga nila, mothers' knows best.
"Hi ma!" Humalik ako sa pisnge nito at yumakap sakanya.
Mahigpit naman itong gumanti ng yakap sa'kin. "Mabuti naman at naisipan mong bumisita, akala ko nakalimutan mo na kami eh" May tunog ng pagtatampo ro'n.
Ilang buwan din kasi akong hindi bumisita sakanila, nagpahinga muna ako dahil nga kakatapos lang ng VNL.
Isang buwan na ang lumipas.
"Ba't ko kayo makakalimutan e kada tingin ko sa salamin mukha mo ang nakikita ko" Pabirong binatukan naman nito ang ulo ko.
"Baliw ka talagang bata ka" Hinila na ako nito papasok ng bahay.
Mukhang wala ang kuya ko at ang bunso namin ah, nasa school pa siguro si Eian.
"Kumain ka na ba ng tanghalian?" Umiling naman ako sa tanong ni mama at sumunod dito papuntang kusina.
Simple lang ang itsura ng bahay namin, maayos ang pagkakagawa nito dahil kaming dalawa ni kuya ang nagtulungan upang maayos talaga ito.
"Ma, aalis nga po pala ako next week papuntang Japan" Sabi ko dito matapos ngumuya.
"Japan? Anong gagawin mo sa Japan?"
"Manonood po ng volleyball" Tumaas naman ang kilay nito sa'kin.
"Anak, nakakalimutan mo na bang may TV ka sa loob ng condo mo?" Napakamot naman ako.
"Ininvite po kasi ako ng isa kong kaibigan na manood ng opening sa Japan V-league" Malisosyang tumingin naman itong tumingin sa'kin.
Ano na naman kayang iniisip nito?
Kilalang kilala ko na ang pag galaw ng isipan nitong si mama.
"Sinong kaibigan yan?"
"Ma, ano ba?! Ayan ka na naman, kulang nalang talaga ay ipamigay mo ko sa lahat ng lalaking napupusuan mo para sa'kin!" Reklamo ko sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/374225343-288-k274547.jpg)
YOU ARE READING
ON THE SIDELINES
RomanceIt is always a dream come true to look up and see people cheering for you as you accept the most awaited award of your life. Fienna Sarem Tomas have always dreamed of that moment. It will always stay as a dream, why? Fienna knows that she will never...