Chapter 1

506 11 0
                                    

Kasalukuyan kong tinutuyo ang buhok ko ng bumukas ng malawak ang pintuan ng kwarto at iniluwa non ang si Chelsea at Blake hila hila sa magkabilaan kamay si Lucas na halatang walang idea sa ngyayari.

Parehas kaming walang alam sa kung anong gagawin ng mga anak namin na humiga ng sabay sa california king size bed na mag isa ko lang tinutulugan sa pang araw araw dahil may sariling kwarto ang dalawang bata.

"Daddy, basahan mo kami ni Blake ng story." nakangiting sabi ni Chelsea bilang nakakatandang ate at inabot sa ama ang pasalubong libro kanina.

Walang kagatol gatol na tinanggap ni Lucas ang libro at humiga katabi ni chelsea.

Alam kong may kakaibang nangyari kaya pumayag si Lucas, twing uuwi kasi ito ng pinas ay hindi din ito namamalagi sa bahay. Hindi ko na inaalam pa kung sa'an siya pumupunta pa dahil sa papel lang naman kami mag asawa.

Pero ang gabing ito ay kakaiba.

"Mommy, higaaaa." makulit na tawag ni Blake na tinapik ang kan'yang tabi.

Napatingin ako kay Lucas na tutok sa binabasang libro, ni minsan ay hindi ito nag aksayang tignan ako sa mga mata kahit magkaharap lamang kami.

Inayos ko ang suot na silk satin robe na hanggang tuhod para itago ang sarili dahil hindi ko naman napaghandaan na ngayon gabi ay mangyayari ito.

Humiga ako sa tabi ni Blake yakap ang anak ko habang nakikinig lamang sa binabasa ni Lucas.

Hindi ganitong pamilya ang pinangarap ko ng bata pa 'ko, lumaki akong nakikita ko kung paano mahalin ni Daddy si Mommy simula pa noon. Tumanda silang sweet at nagmamahalan, lagi kong pinapangarap na sana kung magkakaroon ako ng pamilya kapareha nila Mom at Dad.

Malungkot akong napangiti, dahil ang pangarap na iyon ay mananatiling pangarap nalang habang buhay.

Malabong maging gano'on kami ni Lucas.

Hindi ko na namamalayan ang oras ng makaramdam ako ng lamig, naiwan ko bang bukas ang aircon?

Gagalaw na sana ako ng mapagtanto ko ang init ng katawan ng kung sino, nakaunan ako sa matigas na braso ng lalaki habang ang mga hita ko ay nakapatong sakan'yang hita.

Napakalas ako sa pagkakayakap ko kay Lucas ng mapagtanto kong nakatulog kami sa ganoon posisyon, hinagilap ko sa paligid ng malaking kama ang mga bata munit wala na ito.

Nasampal ko ang sariling nuo ng mapagtanto kong isa itong plano, ngunit paanong nakatulog din si Lucas sa ganitong posisyon?

Hinilamos ko ng palad ang mukha ko at tumayo, kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan, dumiretso ako sa banyo at saglit na pinagmasdan ang sarili.

Anong wala sa 'kin?

Bakit hindi ako magustuhan ni Lucas?

Higit walong taon na kaming mag asawa pero hanggang ngayon wala parin pagbabago, naramdaman ko ang pagbukas at sara ng pinto kaya sumilip ako sa kwarto. Wala na si Lucas sa kama marahil ay nagising ito sa pag galaw at pag alis ko sa pwesto.

Malalim ang pinakawalan kong hininga bago mag stay saglit sa loob ng banyo, ng maisipan kong lumabas ng kwarto at uminom ng tubig sa kusina dahil parang natuyo ang lalamunan ko sa malalim na pag iisip.

Kabisado ko na ang kusina kahit pa patay ang ilaw kaya diretso ang paglalakad ko patungong ref, ngunit.

Halos atakihin ako sa puso ng matisod ako sa kung anong bagay na nakakalat sa sahig, inihanda ko ang sariling babagsak ako sa malamig na tiles ng kusina ngunit mainit na palad ang humawak sa braso ko dahilan para hindi matuloy ang pagbagsak ko, hinabol ko ang sarili kong paghinga dahil sa takot.

Hindi siya umiimek, kaya dahan dahan kong kinalas ang sariling braso kay lucas.

Ng mabawi ko ang braso ay dumiretso ako sa ref upang kumuha ng malamig na tubig, lumiwanag ang paligid ng buksan ko ang ref. Kumuha ako ng malamig na tubig at direktang ininum 'yon.

Napatingin ako sa singsing na nakasuot sa daliri ko kaya hinubad ko 'yon at humakbang palapit sakan'ya upang ilapag sa harapan niya ang singsing.

Alam kong hindi para sa akin ang mamahalin singsing na iyon kaya ibinabalik ko na.

"Itapon mo nalang." malamig ang kan'yang tinig, kahit madilim ay nakikita ko ang kan'yang anino na may hawak na baso ng alak at direktang sinimsim iyon.

"Mamahalin ang singsing, hindi ko kayang basta nalang itapon"  sagot ko at tumalikod na sakan'ya.

"Kung ayaw mong itapon, isuot mo lang." habol niya kaya napatigil ako sa paghakbang.

Ano raw?

"Paano ko isusuot ang bagay na iyan kung alam kong hindi naman para sa akin Lucas?" tanong ko, napangisi ito dahil gumalaw ang malapad nitong balikat.

"Saiyo na 'yan ngayon, take that as my first gift" sagot niya kaya ako naman ang napangisi sa pagkayamot, pero ni minsan ay hindi kami nag usap ng ganito, tapos ang mangyayari eh magtatalo pa kami kaya hindi nako kumibo at dinampot ko nalang ulit.

"Okay. Sige, salamat." naisagot ko at handa ng umalis pero.

Maagap s'yang tumayo at hinila ang bewang ko pasandal sa mesa, malapit ang kan'yang mukha sa akin at amoy na amoy ko ang matapang na alak sa kan'yang hininga.

Hindi ako makatagal ng ganito, lasing siya at alam ko na ang kahihinatnan nito. Mabubuntis na naman ako next month at nasa ibang bansa na siya non.

Manganganak ako ng wala siya at lalaki ang mga anak namin ng hindi siya nakikita.

Ayoko ng maging inahin baboy na gagamitin kapag kailangan, mabilis na pumatak ang luha sa gilid ng mga mata ko.

Dumampi ang mainit n'yang labi sa akin, ngunit napalayo din ng maramdaman niya ang pamamasa ng pisnge ko.

Lumayo siya at umiwas

Muli s'yang nagsalin ng alak sa baso at mabilis na inubos ang laman.

"Hindi na 'ko babalik ng america para magtrabaho." panimula niya ng usapan, nabigla man ay pinilit kong wag ipahalata ang excitement, hindi para sa akin pero para sa mga anak ko.

"P-paano si Sophia?" mahina kong naitanong.

Matunog s'yang napangisi ngunit ramdam kong may ibig sabihin non.

"She, She fucking cheated on me." may diin niya na sabi kaya napaawang labi ko, natawa siya ngunit kasunod non ang pag galaw ng kan'yang mga balikat.

Umiiyak si Lucas?

Kusang gumalaw ang mga kamay ko upang himasin ang kan'yang likod, nanatili s'yang umiiyak ng walang tunog at hinayaan ko lang din ang sariling damayan siya sa ganoon posisyon.

Nandito naman kami ng mga anak niya, ako na ni minsan hindi inisip na humanap ng iba kahit na ganito kalamig ang pagsasama namin dalawa.

Hindi ko siya inaakit o ano, gusto ko lang talaga s'yang damayan.

"I-im sorry." napapaos niya na sabi.

"Para sa'an?" tanong ko, ngunit hindi agad siya nakasagot.

"Hayaan mo 'kong bumawi, sa mga bata" sagot niya sa tanong ko kaya ako naman ang hindi nakaimek.

Gustong gusto ko.

"Subukan natin." dagdag niya kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

Anong susubukan namin?

Matagal bago ko maisip ang ibig n'yang sabihin, at kapag umo o ako ay para ko narin sinabing pumapayag akong gamitin niya ko bilang panakip butas.

Kahit para nalang sa mga bata themarie.

Napapikit ako at nilunok ang natitirang pride para sa sarili ko.

📌Under editting.

UNFAITHFUL HUSBAND Where stories live. Discover now