Chapter10

86 2 0
                                    


Hindi na nakaimek pa si Lucas ng makita namin pareho sa mga mata namin na positive ang resulta ng pregnancy test.

Hindi din ako makaimek dahil natatakot akong baka hindi pa ready si Lucas na magkaanak muli. At natatakot ako na baka muling umalis si Lucas ng bansa at lumayo.

Nakaka praning lang.

"H'wag kang uminom ng kape,"

Umangat ang tingin ko kay Lucas ng umimek ito, hihigupin ko nasana ang kape na tinimpla ko pa dahil nakaramdam ako ng pagka uhaw.

Nakuha ni Lucas ang attensyong ng mga magulang nito pati ang dalawa naming mga anak.

Kinuha niya ang tasa ng kape ko at direktang itinapon sa sink kaya napaawang ang labi ko at napatingin sa mommy ni lucas na nakatingin lang din kay lucas, nagtimpla ito ng panibago at muling bumalik.

"Simula sa araw na 'to gatas na ang iinomin mo at hindi kape," hindi ko alam ang irereact ko dahil hindi naman ako nag gagatas.

"Anong meron?" hindi maiwasan tanong ng daddy ni Lucas.

Nagkatinginan kami ni Lucas at nag papakiramdaman kung sino ang magsasalita.

"Lucas?"

"Themarie?"

Nag aantay din na nakatingin si Chelsea at Blake sa sasabihin ko dahil nakatingin silang lahat saakin.

"I'm pregnant,"

"What?!"

"I-i mean Themarie is pregnant"

Nabitawan ng mommy ni Lucas ang kutsara at tinidor habang naibaba naman ng daddy ni Lucas ang binabasa na dyaryo.

"We're expecting for 3rd baby"

"YEYYY BABY BROTHER!"

"T-talaga? Totoo ba ito Themarie? Buntis ka? " emosyonal na tanong ng mommy ni Lucas kaya tipid akong napangiti.

"Kakauwi mo palang last month ang bilis mo naman makabuo Lucas" naiiling na sabi ng daddy ni Lucas ngunit halatang masaya.

Tumayo si Chelsea at Blake upang yakapin ako at ikiss ako sa pisnge, nakaramdam ako ng kasiyahan sa dibdib ko dahil sa tagpong ito.

Dalawang beses akong nabuntis at ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang excitement lalo na ng sabihin ni Lucas ang tungkol sa pagbubuntis ko.

Si Lucas mismo ang nag anunsyo, at siya din ang unang nakaalam. Napadako ang mga mata ko kay Lucas na nakatitig lamang at tipid na napangiti.

Ang akala ko ay hindi pa ito handa na magkaroon muli ng anak saakin, ngunit sa nakikita ko ay mas kinabahan pa siya kaysa saakin.

Kaya pala nitong nagdaan araw ay halos wala akong ka gana gana kumain dahil may nabuo na sa sinapupunan ko. Pero pinilit ko padin na kumain ngayon umaga dahil kailangan namin pumasok ni Lucas ng company

"Ako na muna ang papasok sa company"

"Bakit?"

Tumingin si Lucas saakin habang dala ang tuwalya papasok na sana ng banyo.

"You need to rest"

"Pero kaya ko naman"

Napatitig siya saakin at sa kabuuan ko.

"Sure ka? Hindi ka inaantok or something?" Paniniguro nito kaya napakurap kurap ako ng mga mata.

"Maayos lang talaga ako"

"Pero mas mabuti sa'yo na magpahinga nalang dito sa bahay—

"Kaya ko nga sabi"

"Ikaw ang bahala"

UNFAITHFUL HUSBAND Where stories live. Discover now