Nanatiling hawak ko ang kamay ni Themarie na mahimbing na natutulog, simula ng isagawa ang operasyon kahapon ay hindi pa ito gumigising.
Paano ko sasabihin na wala na ang baby namin? Mahirap sa 'kin ang magdesisyon between the baby and Themarie.
Ibinigay sa 'kin ng Daddy ni Themarie ang desisyon at ang pinili ko ay si Themarie, hindi pweding mabuhay ang bata sakan'yang sinapupunan kahit pa healthy at kumakapit ito.
Pero paano ko sasabihin 'to kay Them?
Tatlong katok ang nadinig ko sa labas ng pinto kaya saglit akong tignan kung sino 'yon, at walang iba kun'di si Sophia.
Bitbit ang plastik ng pagkain ay naglakad ito papasok ng kwarto.
"Hindi kapa kumakain o naliligo mula pa kahapon Lucas, kaya nagdala ako nit—
"Wala akong gana, hindi kana sana nag abala pa."
"Pero"
"Umalis kana Sophia ko kailangan ng tulong mo. "
"Nag aalala din ako sa kapatid ko kaya pwedi ba, wag ka ng mag inarte d'yan,"
Natawa ako ng sarkastiko at lumingon sakaniya.
"Nag aalala ka?"
Mariin s'yang tumitig sa 'kin kaya bigla akong sumeryoso ng titig sakan'ya.
"Para naman hindi kita kilala, tigilan mo na 'yan dahil wala ng magbabago pa sa desisyon ko"
"Paano kung malaman ni Themarie ang tungkol satin?" nakangisi niya na tanong kaya napangisi din ako.
"Edi pareho tayong malilintikan, mas matakot ka para sa sarili mo Sophia. Nadidinig mo ba kung ano ang sinasabi mo? Pupulutin ka sa kung saan ka nanggaling," sagot ko kaya mabilis na nagbago ang kan'yang mukha.
Napatingin ako sakan'yang kamao na nakayukom habang hindi maipinta ang mukha.
Hamak na maliit na appartment lamang ang tirahan ng kan'yang ina, ang dalawa n'yang mga kapatid na nag aaral pa lang.
Mabilis s'yang ngumiti at humakbang palapit kay Themarie.
"Mabuti at gising kana Them!" mabilis akong napatingin kay Themarie na nagdilat na ng mga mata.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto at dumako ang tingin sa 'kin, bag napatitig kay Sophia na nasakan'yang harapan.
"Kamusta ang pakiramdam mo Themarie?" kunwaring nag aalalang tanong ni Sophia.
"M-medyo maayos na ate," halata ang kan'yng panghihina sakan'yang boses kaya hinawakan ko ang kanyang kamay kaya dumako ang tingin niya saakin.
"Anong nangyari Lucas? Ang baby ko?" natigilan ako sa biglaan niya na tanong. Bumukas ang pinto at iniluwa non si Daddy ni Them hawak sa kamay si Blake at Chelsea.
Direktang kumandong sa 'kin si Chelsea at nanatiling nakahawak si Blake sa kamay ng kan'yang lolo habang nakatitig lamang sa 'kin, ngumiti ako dahil napapansin ko ang kan'yang pagiging tahimik at hindi paglapit saakin.
At ng siya'y senyasan ko na lumapit ay mariin iling lamang ang sinagot nito.
At hindi ko alam kung bakit.
"Mabuti anak at gising kana"
"Dad, ung baby ko? Ligtas siya tama?" naitanong ni Themarie at kinapa ang kan'yang flat na tyan.
"Ectopic ang ipingbubuntis mo anak," bagsak balikat na sabi ng Daddy ni themarie. Napatitig siya sa 'kin kaya humigpit ang hawak ko sakan'yng palad.
"Lucas"
YOU ARE READING
UNFAITHFUL HUSBAND
RomancePaano ko pa ipaglalaban ang pamilyang gusto kong buohin at maging masaya kung ang lalaking ipinakasal sa 'kin ay may mahal ng iba?