Nagising ako dahil sa mabigat na kung ano sa aking tyan, maaga akong nagigising ngunit tinanghali ako ngayon araw dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam.Gumalaw ito kaya napatingin ako sa kung anong gumagalaw saaking tyan.
At walang iba kundi ang braso ni Lucas na nakayakap saakin, matagal ko s'yang tinitigan na mahimbing na natutulog. Ito ang unang umaga na magising akong katabi si Lucas.
Magkasama lamang kami sa kwarto ngunit hindi kami nagtatabi, don siya sa sofa natutulog at dito naman ako sa malaki n'yang kama.
Walang nangyari.
Makapal na kilay, matangos na ilong at manipis na labi. Hindi kaputian si Lucas ngunit hindi din naman maitim.
Suot ang puting tshirt ay mahimbing itong natutulog, kaya pala maganda ang gising ko dahil yakap yakap ako nito magdamag habang pareho kaming nasa ilalim ng makapal na comforter habang naka baba ang aircon.
Malamig ngunit naging comportable dahil sa mainit na yakap ni Lucas.
Tinitigan ko ang lalaking pinakasalan ko noon, hindi kami ganto kalapit noon dahil palagi itong nasa ibang bansa. Minsan nga naisip ko na pinili nitong magtrabaho sa ibang bansa hindi para sa trabaho. Kundi para makalayo saakin at makasama ang babaeng mahal niya.
Ngayon pa lamang namin nakikilala ang isat isa simula ng ikasal kami.
Ang akala kong pagiging seryoso at tahimik ni Lucas ay kabaliktaran, dahil pilyo din ito kung minsan..hindi ko tuloy maiwasan na hindi magtaray kahit hindi naman ako ganon.
Masama lang talaga ang loob ko dahil sa ginawa nito.
Gumalaw muli ito at nagdilat ng mata, hindi ko na naiwasan pa ang nakakapaso nyang titig na direktang tumama sa mga mata ko.
"Goodmorning, Mrs. Pallermo"
Napaiwas ako ng tingin ngunit hinigit niya ko at mas lalong idinikit sakaniya.
"Bakit ka nag iiwas ng tingin, nahihiya kaba o nababahuan ka sa hininga ko?"
"H-hindi lang ako sanay na ganito ka kalapit, Lucas," hindi siya nakasagot at nanatiling tahimik na nakatitig saakin. Sinubukan kong tumalikod para umiwas sakaniya ngunit mabilis niya kong inibabawan at ikinulong sa mga braso.
Kaya gulat ko s'yang tinitigan, habang nanatili lang ito na seryosong nakatitig saakin.
"Edi sanayin natin pareho ung sarili natin" naibulong niya at inilapit ang labi saakin ngunit maagap akong umiwas.
"M-may nanliligaw bang nanghahalik agad"
"Why not, nakagawa nga agad tayo ng dalawang anak" naisagot niya kaya binalingan ko siya ng tingin.
"At baka magpangatlo kapag hindi tayo nag ingat,"
"Natatakot kaba?"
"Ayoko lang na...kapag nangyari iyon ay umalis ka ulit pabalik ng ibang bansa habang nagbubuntis ako Lucas, nakakabaliw ang akuin ng mag isa ang responsibilidad"
"Magpakasal tayo ulit, kung nagdududa ka padin, "
Dahan dahan n'yang inilapit ang labi saakin at banayad na hali.kan, ang kanyang paraan ng pagha.lik ay maingat at hindi marahas hindi gaya noong unang mabuo si Blake dahil sa kalasingan.
Nabuo ang mga anak namin sa twing lasing si Lucas.
Ngunit ngayon ay pareho kaming nasa huwisyo.
Nakaramdam ako ng kakaibang init kahit na naka todo na ang aircon, bumaba ang kan'yang pagh.alik sa lieg kaya umangat ang aking mukha upang bigyan siya ng permiso.
YOU ARE READING
UNFAITHFUL HUSBAND
RomancePaano ko pa ipaglalaban ang pamilyang gusto kong buohin at maging masaya kung ang lalaking ipinakasal sa 'kin ay may mahal ng iba?