Shan Gonzales
"Hey there Lola! How are yo- who is this stunning woman with you, Lola?" Tanong ng lalaki na bumeso kay Lola Flora. Siguro si Harry na 'to.
"Yeah, I would like you to meet Shan Gonzales at dito na muna siya titira sa bahay. Shan, this is my sweetest apo." Naka-ngiting turan ni Lola at sinuklian ko lamang ito ng isang pilit na ngiti dahil hindi ko gusto ang presensiya ng lalaki ito. Siya yung tipo ng lalaki na feeling ko mangungulit at maingay. I really really hate high pitch and loud voice.
"Oh, Hi Shan! Nice to meet you. My name is Harry Marco Petersen and how do you want me to address you?" Maliwalas ang ngiti nito at hindi ko i-de-deny na talagang makalaglag panty siya dahil sa malaking katawan nito at sa matangos nyang ilong. Idagdag mopa ang maputi at pantay-pantay na ngipin niya.
Pero, paano ko nga ba gustong ma-address?
"It's up to you. Bad terminologies are prohibited." Walang reaction ko na sagot sakanya.
"That's noted. Let me just call you Shan. Is that okay?"
Nakakainis bakit ramdam ko na nakatingin siya saakin. Ramdam ko na ino-obserbahan niya ang buong pagka-tao ko. Mula sa pagyuko, itinaas ko ang ulo ko para tignan siya at tama nga ako dahil nakatingin ito saakin at naka-ngiti.
"Again, is it okay to call you Shan?" Tumango ako ng mabilis para sumagot. "If you don't mind me asking, it's okay not to asnwer this. What is your-" hindi kona siya pinatapos at kaagad na akong sumagot.
"I'm gay." Tumango-tango ito.
"No problem at all. Welcome to Petersen Mansion!" Gusto kong magpa-salamat pero nahihiya ako kaya ngumiti nalang ako.
"Harry, by the way si Shan ang tutulong sayo sa mga activities mo sa school and as a return, tulungan mo syang magpa-enroll." Giit ni Lola Flora.
"Lola, ofcourse! I will help Shan. Ako ang bahala sakanya." Nag-ngitian ang dalawang kaharap ko ngayon at nag-paalam na muna ako sakanila na pumasok sa kwarto ko dahil marami pa akong aayusin na gamit.
Ilang lakad palang ang nagagawa ko ng marinig ko ang boses ni Harry at hindi ko alam kung bumubulong ba siya o ano kasi dinig na dinig ko naman siya.
"Napaka-sungit naman ng babae na 'yon, Lola. Para syang anak ng principal." Narinig kong tumawa si Lola. Patuloy lang ako sa pag-lakad ko.
"Babae?" Tanong ni Lola Flora kasi kahit ako naguluhan sa sinabi ni Harry.
"Yes Lola. Sabi kasi ng kaibigan ko na gay, para daw syang nakulong sa katawan ng lalaki pero pakiramdam niya babae talaga siya and I will respect it. I mean, I don't see any problem sa bagay na 'yon. Gay, transgender, bisexual or any of the alphabets, okay lang, tao pa rin naman tayo." Sa totoo lang, namangha ako sa sinabi ni Harry which is totoo. Ganoon ang pakiramdam, pakiramdam ko nakulong ako sa katawan ng isang lalaki.
"Are you open with realtionship with Gay or transgender?" Napahinto ako sa pag-lalakad dahil sa narinig ko. Siguro hindi naman nila ako makikita dahil nang iwanan ko sila naka-upo sila sa sofa.
"I can't answer that. Currently, I am dating and flirting with girls." Flirting? Red flag.
Hindi kona pinakinggan pa ang ibang kwentuhan nila dahil kailangan konang ayusin ang mga gamit ko na nasa itaas. Pag-akyat ko sa second floor ng mansion, narinig kong may sumisigaw sa kwarto na katabi lang ng kwarto ko. Alam kong si Hance 'yon at nagmadali akong pumasok sa kwarto niya.
Pag-pasok ko, sinasabunutan niya ang sarili niya at may luhang tumutulo sa mga mata niya kaya tila ba naawa ako sa bata. Hindi ko alam kung lalapitan ko pero bahala na.
YOU ARE READING
YOU'LL BE SAFE HERE
RomanceYOU'LL BE SAFE HERE Mr. Harry Marco Petersen TRANSGENDER STORY Hindi akalain ni Shan Gonzales na magiging challenging ang huling taon ng pag-aaral niya sa St.Nathaniel Central Colleges. Dahil sa nangyari sakanya, hindi siya nakiki-halubilo sa mga ka...