Chapter 3:

156 14 6
                                    

Shan Gonzales

"Hance, umupo ka dyan at gawin mo yung sinabi ko sayo, ah?" Tumango ito bilang sagot. "I'll bake cookies for you habang ginagawa mo 'yan tapos panoorin mo narin ako, okay?" Tanong ko kay Hance ngumiti naman ito.

Pinag-print ko kasi siya ng tracing weoksheet para sa mga letters at numbers. Ang tanging alam niya lang talaga ay ang mga letter sa pangalan niya pero sa mga numbers okay na okay naman siya.

One week na simula nang dumating ako dito. Matagal pa naman ang pasukan dahil halos kaka-tapos lang ng school year kaya marami pa akong time para turuan si Hance. Kahit bakasyon, may pasok ito parang summer class.

Naging magka-sundo rin kami ni Hance dahil palagi ko syang sinasabayan sa gusto niya. Ang ginagawa kong strategy para gawin niya ang mga pinapagawa ko at mga activities niya sa school, kunwari nag-aya syang mag-swimming sasabihin ko, after ng swimming gagawin na namin ang mga dapat nyang gawin. Effective naman so far.

Si Lola Linda naman palagi ang tawag saakin maging si Mama dahil kinakamusta nila ako. Patuloy pa rin ako sa pag-inom ng gamot at pag-papagaling ng mga sugat ko.

Maya-maya habang inilalagay ko ang cookie dough sa mga pastry tray, naramdaman kong may humihila sa laylayan ng damit ko kaya tinignan ko ito. Si Hance pala.

"May kailangan ka, Hance?" Napaka-cute talaga ng bata na ito. Pero yung kuya niya nakakairita dahil madalas akong asarin. Pinapatay ba naman niya ang ilaw sa banyo habang naliligo ako. Yes, nagagawa nyang pumasok sa kwarto ko kahit i-lock kopa ito.

"Water please," walang emosyon na turan ni Hance kaya ngumiti ako at tumango sakanya. Kumuha ako ng baso at binuksan ang refrigerator para kunin ang lagayan ng tubig doon.

Nag-buhos ako sa baso at muling ibinalik ang lagayan ng tubig sa refrigerator. Pag-talikod ko halos tumalon ang puso ko sa gulat dahil may madre sa likuran ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya sumigaw ako pero kaagad na tinakpan ng madre ang bibig ko.

"Priceless reaction." Giit ng madre at malakas itong tumawa. Napag-tanto ko na si Harry ang nasa likod ng costume na ito kaya mabilis kong kinalas ang kamay niya sa bibig ko.

"Ang sabi ko huwag mo akong hahawakan o lalapitan 'di ba?" Seryosong giit ko dito nang tanggalin niya ang maskara niya.

"Binibiro lang naman kita, ang seryoso mo kasi sa buhay." Giit nito at muling tumawa habang hawak ang tyan niya.

"Talagang seryoso ako sa buhay. Wala akong oras sa mga bagay na ito."

"Okay, sorry na. Napaka-suplada talaga ng apo ni Lola Linda. Maganda ka ba?" Ang lakas talaga ng trip ng lalaki na 'to. Halos makalimutan kona na nanghihingi pala ng tubig si Hance kaya ibinigay ko muna.

"Maganda talaga ako. Hindi mo ba nakikita? Subukan mong sumagot na hindi ko magugustuhan hindi ka talaga makakatikim ng mga cookies na 'yan." Tsaka ko pinakita ang mga cookies at mukhang natakam naman ito.

"Well, sige talo na ako. Maganda kana."

"Ayan ganyan dapat para magka-sundo tayo basta huwag na huwag mo akong hahawakan."

"Okay. One more thing, wala naman akong magagawa kung nagagandahan ka sa sarili mo." Muli itong tumawa ng malakas dahilan para lapitan siya ni Hance para buhusan ito ng natirira nitong tubig. Agad kong kinuha si Hance at pinabalik sa upuan.

"Hance, I appreciate you for protecting with your Kuya Harry but that's not the good way. When the two adults are talking let them, don't disturb them, okay?" Nakatingin sa mga mata ko si Hance at tumango naman ito.

"Noted po, I'm sorry."

"No, that's definitely fine. Huwag mo nalang gagawin next time, okay?" Muling itong ngumiti at bahagya ko naman pinisil ang matabang cheek nito at muling binalikan si Harry.

"Harry, pwede bang huwag tayong mag-away kapag nandyan si Hance? Nakakairita ka kasi, lapit ka ng lapit tapos puro kapa pang-aasar." Kasalukuyan nyang inaalis ang costume niya ngayon kaya naka-boxer shorts nalang ito at wala itong suot na kahit anong damit pang-itaas. Hindi ba nilalamig ang malimaw na 'to sa centralized na aircon nila?

"Ang sarap mo kasing asarin. Tignan mo, mas mahal kapa ng kapatid ko. Anyway, I need your help." Hindi ko ito nilingon dahil wala akong balak na tulungan siya.

"May ginagawa ako. Magpatulong ka sa mga kasambahay." Patuloy lang ako sa pag-lagay ng cookie dough sa pastry tray at na-pre-heat konarin ang oven nila dito. Kumpleto sila sa gamit at sangkap dito kaya wala problema kahit magluto kapa ng kahit ano. Kagabi kopa talaga ginawa ang dough para ngayon i-be-bake nalang.

"Day off nila." Sumusunod ito sa bawat galaw ko at alam kong tinitignan niya ang mga ginagawa ko.

"Nakakainis ka naman, Harry! Saan kaba papatulong?" Naiirita kong giit sakanya dahil sinusundan talaga niya ang bawat kilos ko.

"I need to put some led lights on my room at kailangan ko rin isabit ang mga frames na nabili ko." Halata sa mukha niya na kailangan niya ng tulong. "Alam kong magaling sa pag-design ng room dahil nakita ko ang room mo na puro barbie." Muli itong tumawa at inikutan ko siya ng mata.

"Sige mang-asar ka lang, mag-isa ka talagang gagawa nyan."

"Hindi na kita aasarin. Are you done? Nagugutom na ako." Umupo ito sa counter part ng kitchen. Bale parang nanonood siya nh cooking show sa pwesto namin ngayon. Si Hance naman tahimik na nagsusulat sa gilid.

"Bibigyan ba kita?"

"Why not?"

"Hindi kita bibigyan manigas ka dyan." Giit ko kaya parang ngumiti ito ng nakaka-asar. Muli kong sinilip ang timer ng oven at hinintay na mag-rinf ito. Nang mag-ring ang oven, binuksan ko ito at tinusok ng toothpick para tignan kung luto na ito sa loob. Nang makita ko na walang sumama sa toothpick, kinuha kona ito at isa-isang inilagay sa plato. Palalamigin ko muna ng bahagya bago ko bigyan si Hance.

"Manigas? Gusto mobang manigas ako dito?" Naka-ngiti ng nakakaloko si Harry kaya inikutan ko lang ng mata.

"Hance, this is for you. Huwag mo muna gagalawin dahil mainit pa ng kaunti baka mapaso ka." Tumango si Hance at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Pagkatapos kong asikasuhin si Hance binalikan ko ang cookies na nasa mesa pero halatang nabawasan ito kaya kaagad kong tinignan si Harry at tama nga ako dahil nilalantakan na niya ang mga bi-nake ko kaya wala na akong nagawa.

"I like your cookies. Ang sarap ng cookie mo. I'm thankful dahil natikman ko ang cookie mo bago pa matikman ng iba." Hindi ko alam pero sobrang dumi ng isip ko kaya napahawak ako sa mga nails ko at kinalikot ito. Kusa kong ikikilos ito kapag kinakabahan ako.

"Cookie?" Sabay kaming napa-tingin ni Harry sa taong kakapasok lang.

"Lola Flora, kinain niya ang cookie ko." Giit ko kaya mas lalong hindi maipinta ang reaction ni Lola Flora ngayon.

"Harry Marco Petersen, bakit mo kinain ang cookie ni Shan nandyan pa naman si Hance." Giit ni Lola kaya hindi kona napigilan at natawa na ako pero hindi ito ko pinakita kay Harry. Hindi ko rin maipinta ang itsura ngayon ni Harry dahil na-misinterpret ni Lola Flora ang sinabi ko.

"Lola, this one." Itinaas ni Harry ang hawak nyang cookies sa kabilang kamay niya kaya tumango-tango si Lola.

"By the way, Shan. I need to talk to you. May ipapakita kami ng Lola Linda mo."

"Sige po, Lola. Kailan poba?" Tanong ko habang kinukurot ko ang kamay ni Harry dahil dumudukot na naman ng cookies sa plato.

"Later, tapusin niyo na muna 'yan."

"Sige po." Tumalikod na si Lola Flora at muli kong nilapitan si Hance dahil mukhang tapos na siya kaya kumakain na.

"Go to my room after mo dyan. May gagawin tayo." Anunsyo ni Harry kaya inikutan ko lang siya ng mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YOU'LL BE SAFE HEREWhere stories live. Discover now