Shan Gonzales
Humihikbi ako habang pinag-mamasdan ang daan papunta sa kaibigan ng Lola ko. Hindi ko kasi akalain na darating sa punto na aalis ako sa bahay. Mabuti na rin siguro ito dahil walang nakakaalam kung nasaan ako bukod kay Mama at Lola Linda. Ayoko na din nakikita ang sarili ko na sinasaktan ng sariling magulang ko.
"Hija, huwag kanang umiyak, pupuntahan naman kita doon kapag nay free time ako. Basta tawagan mo ako kapag may kailangan ka. 'Tsaka yung matagal konang tinatanong sayo, sana pag-isipan mo para talagang maging babae kana. Kapag ready kana sa transition mo, please let me know. I'll be happy to help you." Kakaiba talaga ang Lola ko dahil siya pa ang tumutulak saakin na gawin ang nga bagay na ito. Alam kong darating yung panahon na magagawa ko rin yung bagay na 'yon sa ngayon gusto ko munang makapag-tapos at sundan ang rules sa bagong paaralan na papasukan ko.
"We're here." Anunsyo ni Lola kaya napatingin ako sa malaking mansion kung saan huminto ang bahay. Sa labas palang masasabi ko na mas mayaman sila saamin at talagang sumisigaw ang kayaman sakanila dahil sa magandang disenyo ng bahay. Mukhang magaling at mahal ang nakuha nilang tao para ayusin ang bahay.
"Nandito na pala ang hinihintay natin. Linda!" Mabilis na naglakad ang matanda papunta kay Lola at bumeso ito sa isa't isa. "Kanina kopa kayo hinihintay. By the way, nagkaroon ba kayo ng problem habang nasa byahe?" Mabilis na humiling si Lola at nilingon ako nito.
"Flora, heto ang apo ko at alam kong kilala mona siya dahil palagi ko syang kinu-kwento sayo." Hindi ko maintindihan pero parang feeling ko may meaning ang tinginan nila. Para silang nag-uusap sa mata.
Lumapit naman ako sa kaibigan ni Lola at bumeso rin.
"Napaka-ganda mong bata para saktan ni Steven, pinagawa mo ba ang balakang mo apo?" Parang lumambot ang puso ko dahil tinawag niya akong apo kahit ngayon palang niya ako nakikita pero kaagad din akong humiling. Napatingin tuloy ako sa baba dahil nahihiya ako.
"Walang pinagawa ang apo ko. Natural na katawan niya 'yan, imagine mas sexy pa siya saatin noong kabataan natin. Sabi ko nga sakanya, kung maisip man nyang mag-transition hindi siya mahihirapan dahil hindi naman pang-lalaki ang katawan niya." Si Lola na ang sumagot para saakin.
"That's true, hindi siya mahihirapan. Parang dibdib at mahabang buhok nalang ang kailangan niya. Anyway, pumasok na muna kayo. Come in." Naunang nag-lakad si Lola Flora at sumunod naman kami. Kinuha naman ng mga kasambahay ang mga maleta ko kasama ang mga barbie dolls ko at collection ko ng make-up.
"Flora, nasaan ang apo mo?" Biglang tanong ni Lola Linda nang makaupo kami sa sofa. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa mga furniture at palamuti sa bahay dahil napaka-galing at napaka-linis tignan.
"Si Harry baka nasa gym at si Hance nasa kwarto niya panigurado nag-kakalat na naman 'yon." Tumango-tango si Lola Linda. Napa-ngiti naman ako ng bahagya dahil parang ang cute nung Hance. Mukhang nasa elementary pa kasi ito base sa pagkaka-intindi ko.
Magandang makipag-close ako sa bata. Kahit lalaki pa ito, ayos lang kasi bata lang naman, hindi nananakit. Pero kung nasa high school or college na, hindi talaga ako makiki-tungo dahil natatakot ako na baka saktan ako o baka makarinig ako ng masasakit na salita sakanila dahil sa gender identity ko.
"Oo nga pala, Linda. Napa-tingin mo naba ang mga sugat at pasa ni Shan?"
"Yes, I did Flora. Ibinigay kona ang ointment at gamot kay Shan. Nasakanya din ang reseta." Sagot ni Lola at maya-maya tumayo na ito. "Hindi na ako mag-tatagal, I have to go dahil marami pa akong aasikasuhin. Flora, may tiwala ako sayo, ikaw na ang bahala sa apo ko." Ngumiti ito at niyakap si Lola Flora at maging ako ay niyakap niya.
"Shan, hija, magpaka-bait ka. Kung may kailangan ka sabihin mo saakin or kay Lola Flora mo. 'Tsaka isa pa, huwag kanang matatakot sa mga lalaki, tandaan mo hindi lahat ng lalaki sasaktan ka. Hindi lahat katulad ng Daddy mo." Bahagya akong naiyak dahil sa sinabi ni Lola. Ngayon na wala na ako sa puder ni Daddy, magagawa ko ang gusto ko at hindi ako masasaktan. Hindi na ako matatakot na ipakita ang tunay na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/370885579-288-k272062.jpg)
YOU ARE READING
YOU'LL BE SAFE HERE
Storie d'amoreYOU'LL BE SAFE HERE Mr. Harry Marco Petersen TRANSGENDER STORY Hindi akalain ni Shan Gonzales na magiging challenging ang huling taon ng pag-aaral niya sa St.Nathaniel Central Colleges. Dahil sa nangyari sakanya, hindi siya nakiki-halubilo sa mga ka...